*Clark's POV*
Naging okay ang lunch namin at wala namang nangyaring masama. Nasa SM kami ngayon at bumibili ng kahit ano pero napansin ko na parang nakatingin sila sa akin kaya tumingin ako sa likod at nakita ko si Tristan na nilagay niya ang kamay niya sa likod ko at saka yung kasama niya ay nasa likod namin at parang nagbabantay.
Teka, parang alam ko na kung bakit nakatingin sa akin, paano naman may dalawang guwapo sa likod ko at ganun din sa kuya niya, tinitignan din siya. Pero ang pinagtataka ko talaga ay kung bakit parang ang sama ng tingin sa akin ng mga babae dito, parang ang tatanga naman nila kaya pinabayaan ko na lang.
"Clark, kailan alis mo?", tanong sa akin ni Tristan kaya napaisip ako. Since May na, at tapos na ang summer class ni Rachel, baka pwede na siguro umuwi sa last week at sakto kasi second na ng buwan.
"Last week ng May, ikaw?"
"Last week, si Jali ay naman ay nagpa-extend ng leave kaya sa first week ng June pa ang alis niya. At wait"
"Ano yun?"
"Gusto mo sabay na tayo umalis? Kaming dalawa lang ni Tom eh"
"Hindi ba na kayo na lang? Pero sige pag-iisipan ko pa kaya..."
"Tanggapin mo na. Kasi kailangan ko na protektahan ka"
"Anong protektahan?! Eh wala naman akong ginawa masama eh!"
"I know I know pero maniwala ka sa akin, kailangan na magsabay tayo nila Tom kasi baka may mangyaring masama sa'yo eh"
"Anong mangyaring masama? Ano ba ang pinagsasabi mo?!"
"Basta pero please maniwala ka sa akin"
"Maniniwala ako sa'yo kung sasabihin mo sa akin ang dahilan"
"Sige pero hindi ko sa'yo sasabihin ang buo. Basta ang nangyari ay nagipit ka sa trabaho ko"
"Ha? Hahaha! Seryoso ka? PAG-ASA Employee ka lang, paano ako magigipit?"
"Sa bagong trabaho ka magigipit. Basta isipin mo na delikado ang trabaho ko at iilan lang ang nakakaalam, kung ayaw mo maniwala ay itanong mo kay Dom"
"Sige", tumalikod ako at tinanong ko si Tom.
"Dom, is he serious? Is what he is telling is the truth?"
"Yes Do-I mean Sir", sagot niya pero parang kinakabahan siya.
"Oh ok"
"So payag ka na?", masiglang tanong sa akin ni Tristan, sus kung wala ako dito ay masapak-sapak ko siya.
"Oo kaya tigil-tigilan mo na ang pangungulit mo sa akin"
"Sige labs hahaha!"
"Anong labs?!"
"Wala hahaha!"
"Ang pangit mo talaga!"
"Sus maniwala sa'yo. Ang guwapo ko nga eh, tignan mo", sabi niye pero nakita ko siya papalapit sa grupo ng mga kababaihan kaya sinabihan ko siya na tigilan na niya.
"Nice, nagseselos si labs ko kaya ang ibig sa bihin ay mahal mo din ako hahaha!"
"Hindi ako nagseselos noh! At saka wag ka nang maging malandi, nakakaturn-off and stop calling me labs or any endearment"
"Sige na po hahaha!", natatawa niyang sabi kaya nainis ako sa kanya pero pinabayaan ko muna siya kasi ayaw ko na siraan niya ang araw ko.
Habang naglalakad kami ay parang may nahahalata ko na naiinis si Tristan.
BINABASA MO ANG
Waiting For You
RomanceDo you believe in destiny? And true love waits? Maghihintayan ba sila para maging sila? O mawawala ang paghihintay nila at mapupunta ito sa ibang tao? Sila ba talaga ang nakatadhana sa isa't-isa na mamuhay na maging masaya? O sa tadhana na mamuhay s...