Ako si Jamella Marie Torres. Isang normal lang naman na student dati. Pero kung sa mga echoserang frogs sa school namin nun, nerd DAW. Bakit ako naging nerd? Natanong ko nadin yun sa kanila nun. Kase daw, dahil sa mga glasses ko na napakataas ng grado, sa braces ko na nakakabit dati sa mga ngipin kong sungki sungki, at dahil din daw sa mga pimples ko sa noo. Sus, di naman masyado halata e. Big deal lang talaga sa kanila yun kase silang mga talandi, walang pimples. Hay nako. Mga pinagpala nga naman.
Di naman ako nerd. Tanong nyo pa sa bestfriend ko. Oo, may bestfriend din naman ako dati. Siya si Samuel George Santiago. Gwapo din naman, matangkad at habulin ng mga bakla, este. babae. Kung sa mga teachers, walang direksyon yan sa buhay. Kung sa mga ex nya naman, tao yan na di na dapat mabuhay. At sa mga magulang nya, isang malaking disappointment sa kanilang mga buhay. Pero saken, bestfriend ko yan habang buhay.
Jam's POV
*FLASHBACK*
2 years ago
Bago lang ako sa school na to. Wala akong kakilala. As in wala. Naninibago pa ko. Grabe din kase ang mga tao dito. Mukhang mga mayayaman, mayayabang at spoiled. Sabagay, sino ba naman hindi mayaman ang hindi magaaral dito? Eh, ang laki laki ng school na to. Matalik na kaibigan ni Mama ang may ari ng school na ito kaya dito muna ako pinagaral. Actually, sila na nga nasagot ng lahat ng bayarin namin pagdating sa pagaaral ko e. Kase wala nang pera si Mama. Nawalan na kami ng pera nung nagkasakit at namatay si Papa. Last year lang yun nangyare. At dahil sa mga tests, checkups, hospital bills at etc. nalubog na kami sa utang kaya humingi nalang ng tulong ang Mama ko sa kaibigan nyang mayaman.
*KRIIIIIIING!!* (Oo, bell yan.)
Dumeretso na ko sa classroom namin. Sino kaya mga kaklase ko? Mababait kaya sila? Hay. By the way, 3rd year highschool na nga pala ako. Kumbaga, 15 years old lang. Mahiyain at di pala-kaibigan.
Pag dating ko sa classroom, biglang nagtinginan saken ang mga kaklase ko. Grabe, nakaka-kaba naman mga titig ng mga to. Para bang sina-scan pa nila buong katawan ko. At dahil sa mga titig na binibigay nila saken, nanghihina na ang mga tuhod ko. Pero di ko nalang pinansin, inayos ko nalang ang suot kong uniform at dumeretso nalang ako sa bakanteng upuan na nakita ko. Inilagay ko ang ang bag ko sa harap ko at tinignan kung sino ang mga katabi ko.
Sa kanan ko isang lalaking sobrang taba. Sorry, pero totoo. "Hi." bati nito saken. "Um, hi." sagot ko sakanya sabay ngiti ng patago. "Ako nga pala si Jeruel. Pero nickname ko Wel." pagpapakilala sakin ni Wel sabay alok ng kanang kamay nya. Mabuti ko itong itinanggap dahil nakakahiya naman sa mga chismoso't chismosa na nakatingin samen.
"Hi. Ako naman si Maxinne. Max for short." bati saken ng isang babaeng nakabraces, madaming pimples at may full bangs sa kaliwa ko. "Hi, M-Max." sagot ko sabay ngiti. "Ano pangalan mo?" tanong nito saken. "Jamella. Jam nalang." sagot ko sakanya sabay ngiti. "Ah. Welcome nga pala sa school namin. I guarantee mag-eenjoy ka dito." pagsisigurado nya sa akin.
Nagkwentuhan lang kaming tatlo ng nagkwentuhan nang biglang bumukas ang pintuan ng classroom. "Good morning, class." pag-announce ng isang babaeng maganda at maputi, nakasuot ng formal attire, nakatali ng mataas ang buhok at nakasalamin. "Good morning, Ma'am Daisy." bati ng mga kaklase ko habang nakatayo. Ako naman, di alam ang gagawin kaya't nanatili akong nakaupo.
"Good morning, Miss?" bati sakin ng nagmamataray na teacher. Eto nanaman ang mga titig ng mga to. "Torres po. Jamella Torres." Pag dugtong ko sa sinabe nya. "Ah. Bago ka pala dito. Class, sit down." pag announce ng teacher namin. "Ako si Ms. Daisy. At ako ang adviser nyo for this school year." pagpapakilala nya sa buong klase. "May bago pala kayong kaklase. Come here, Ms. Torres." pagdemand sakin ni Ms. Daisy.
Hala. Magpapakilala ako. Pano ba yan? Hay nako, bahala na si Batman. "Introduce yourself to the whole class." sabi ni Ma'am Daisy. "Um, Good morning, classmates. Ako nga pala si Jamella Marie Torres, 14 years old. Pero Jam nalang for short. Um, New student-DUH!" pagputol sakin ng isang magandang babae na mahaba ang buhok at mukhang mayaman. "Um, yun lang naman." pagtatapos ko. "Thank God!" sigaw ng babaeng umeksena kanina sa mga sinasabe ko. Bigla namang nagtawanan ang buong klase. UGH! Yung babaeng yun sarap iwagaswas yung buhok.
"Keep quiet!" sigaw niya sa mga kaklase ko. Thank you Ms. Torres." pagpapasalamat sakin ni Ma'am Daisy. Mabait naman pala e. Nakakatakot lang magtaray. Phew! Paupo na sana ako sa upuan ko ng biglang *BLAG* "Ay kabayo!" sigaw ko nang mahulog ako sa sahig. Tawanan nanaman ng buong klase. "Ano ba kayo? Tumigil nga kayo!" Sigaw ni Max sa mga lalaki sa likod namin na humila sa upuan ko. "Tao kami, tao!" sigaw ng isang lalaking gwapo, matangos ang ilong, makapal ang kilay at makapal din ang mukha!
"Okay ka lang, Jam?" tanong sakin ni Wel habang tinutulungan akong tumayo. "Oo, okay lang ako." sagot ko sakanya. "Korni mo! Umuwi ka na!" sigaw ni Max sa lalaki. "Max, wag mo na patulan." pagpapakalma ko kay Max. "Oh? Ganun?" sagot sa kanya ng lalaki. "Sumosobra ka na, Sam!" sasapakin sa sana ni Max ang lalaking nampipikon sa kanya ng biglang hinawakan ni Ma'am Daisy ang kamay ni Max. "Ms. Dela Roel, Mr. Santiago, Ms. Torres! To the principal's office now!" sigaw ng galit na galit na Ma'am Daisy.
Pag pasok naming tatlo sa office ay pumagitna ako kay Max at Sam. Baka kase magpatayan pa yung dalawa dun. At hanggang ngayon nararamdaman ko parin ang galit ni Max kay Sam na hanggang dito ba naman sa principal's office ay inaasar parin si Max.
"Anong nangyare dito?" tanong ng school principal namin na si Sir Jim. Jim ba yun? "Principal Jim, eto pong mga estudyante ko nagaway sa classroom." sagot ni Ma'am Daisy sa tanong ni Sir Jim. Ah. Tama nga. "Explain." mahinahong sinabe ni Sir Jim. "Sir, si Samuel kase! Pinagtripan tong bago naming classmate." reklamo ni Max kay Sir Jim habang nakaturo dito kay Sam. "Sus! Di kase natingin sa uupuan tong bago naming kaklase, Sir." pangaasar nanaman ni Sam.
"Teka, ano ba kase nangyare? Anong upuan?" tanong ng nalilitong Sir Jim habang nakaupo sa office chair nya sa likod ng desk nya. "Kase po, Sir. Uupo na po dapat ako sa upuan ko sa tabi ni Max. Nang bigla pong hinila ni Sam yung upuan ko. Kaya lang po nasama dito si Max kase bilang kaibigan po, pagtatanggol nya ko." pagpapaliwanag ko. "Wow, kung maka-Sam ka ah! Close tayo?" tanong ng mapangasar na demonyo kong kaklase.
Imbis na patulan, bilang bagong estudyante, tinignan ko nalang siya ng masama. "Totoo ba ito Mr. Santiago?" tanong ni Sir Jim habang nakataas ang isang kilay kay Mr. Demonyo. "Pshh." yun lamang ang nasagot ni Mr. Demonyo sa kanya. "Very well then. You three will have a 3-hour detention. After class." pag-announce ni Sir Jim samin. WHAT?! 3-hour detention?! Ako?! "Sir! Wala naman po kaming ginawang masama ni Max." pageexplain ko. "I know. Detention." pagsabe ulit ni Sir Jim. "But-no buts Ms. Torres." pagputol saken ni Sir Jim. Aysyaaaa. Ano ba ito!?
"Good day to the 3 of you." bati samin ni Sir Jim na para bang walang nangyare. Kaya't pagtapos nun, umalis na kami sa office nya at dumeretso na sa classroom namin. Ano ba yan! Ano nanaman iisipin ng Mama ko? Kay bago bago ko palang. At first day ko palang nakipagaway na ko, detention na agad ako, na-office na agad ako! Hayop tong Mr. Demonyong to! Kung di dahil sa kanya, edi sana, mamayang pagkatapos ng klase natutulog na ko sa bahay. Pero hindi. 3 hours pa kong nasa isang classroom na walang gagawin kundi ngumanga. The worst part? KASAMA SIYA.
+++++++++++++++++++++++++++
Hi first Wattpad story ko po itechicase. :D Sana nagustuhan nyo naman 'to. :) Salamat ng marami. ♥ -Belle

BINABASA MO ANG
A Player's Bestfriend
Teen FictionSi Jamella Marie Torres ay simpleng babae lang. "Nerd" kung tawagin. di sila mayaman pero wala siyang karekla-reklamo. Lalo na ngayon at pumanaw na ang papa niya leaving Jam and her mother with a lot of financial problems. What bugs her is kung baki...