Hi! This chapter is dedicated to @zaynmaloveee kase super supportive niya sa story kong to. :) Again, thank you Andrea. :D
+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++
Sam's POV
I was driving to school nang makita ko si Ms. Kabayong naglalakad. Kaya binuksan ko yung window. "Sumakay ka na." alok ko sakanya. "Ayoko! Di ako nasakay sa kotse ng mga strangers. In this case pati sa mga demonyo." singhal nya. "Maarte ka pa? Ako na nga nagaalok sayo. Psh." badtrip tong babaeng to. Inaalok ko na nga ng sakay papunta sa school siya pa tong masungit. "Oo, baka mamaya tapunan mo pa ko ng pagkaen jan e." sabe niya sabay pagtuloy ng lakad kaya sinundan ko siya gamit ang kotse ko.
"Hoy Ms. Kabayo-ANO?!" putol niya saken. "Tinawag mo ba kong Ms. Kabayo?!" sigaw nya sa mukha ko. "Di halata?" pamemelosipo ko. "Ugh! Di naman ako mukhang kabayo ah!" pagtataka niya sa sinabe ko. "Haha! Naalala mo ba yung sinigaw mo kahapon nung hinila ko upuan mo?" tanong ko sakanya na bahagyang natatawa. "Anong-Ah. Okay. Alala ko na." pinutol niya ang sarili niyang sinasabe. "Psh. Bahala ka na nga jan. Maglakad ka nalang." sabe ko habang bahagyang sinarado na ang bintana ng kotse ko. Napatigil ako sa pagsasara at binuksan ulit ito ng kaunti. "Instead, takbuhin mo nalang. Kabayo ko naman e." pangaasar ko sakanya. "Che!" sigaw nya habang nagda-drive na ako papalayo sa kanya.
Jam's POV
Nakakainis yung lalaking yun. Ms. Kabayo?! What? Ewan ko ba. Bahala na, maglalakad lang naman talaga ako sa school. There is no way in hell na sasakay ako sa kotse niya no. Baka mamaya rape-in niya pa ako. Wag nalang. I'll take my chances with walking to school alone.
Nakadating ako sa school nang hindi napapahamak at hindi natatapunan ng kahit ano mang dumi sa uniform ko. Kapagod din kase maglakad galing samin papunta dun. Naglalakad ako sa hallway ng biglang *BLAG* nalaglag ang mga librong buhat ko. "Bakit kase di ka natingin sa dinadaanan mo?" singhal ng isang babaeng maganda. Teka, ito yung nantitrip saken sa classroom ah. Ano nga ba pangalan nitong babaitang ito?
"Hoy, nakatingin ako ah! Ikaw ang hindi." protesta ko sakanila pagtapos ko pulutin ang mga libro ko. "Aba, ikaw na nga tong nakabangga ikaw pa tong maangas." epal ng isang kasama niyang babae. "Eksena mo?" tanong ko sa babaeng epal habang nakataas ang isa kong kilay. "Wow, ang tapang mo ah." pangeepal nanaman ng isa pang kasama. "Isa ka pa e. Akala ko ba isa lang nakabangga ko? E, kayong tatlo pala tong tatanga tanga e." pagtataray ko. Medyo mapagpatol talaga ako sa mga ganitong babae.
"Kapal ng mukha mong nerd ka! Di mo ba alam kung sino kinakalaban mo?" tanong ni epal #1. "Hindi e. Pakilala mo naman ako, please." pangaasar ko sakanila. "Pwes, ayan si Courtney Amanda Funston. Anak lang naman siya ni Maria Mendez- Funston." pagyayabang ni epal #2. "Oh, e sino yun? At, paki ko?" tanong ko. "Excuse me?" tanong ni Courney. Mukhang na-offend siya sa sinabe ko. "Sige, daan na." asar ko. "Ha-Ha. Nakakatawa, pero ang Mommy ko lang naman ang nagmamay-ari ng tatlong five star hotels sa Manila, Bulacan and Makati. And, she is also a very successful business woman together with my dad." yabang talaga. Sayang itsura. "Ah. Okay." sabi ko sabay walk out.
Mga babaeng yun talaga. Palibhasa wala akong maipagmayabang e. Sana kase di nalang namatay si Papa. Edi sana may naibuga ako dun sa mga echoserang mga yun. Pero kahit pa wala akong maibuga sakanilang kayamanan, keri yan ng bunganga ko. Marami ata tong laman no. Pero, ang mga ganyang bagay kasi di ko talaga gawain nun. Maniwala man kayo o hindi. Hindi talaga. Kaya lang ako naging matapang kase turo sakin ni Papa noon na dapat di ako nagpapatapak sa mga taong feeling nila mataas sila. Kase yang mga yan, nataas lang kase may mga nagpapababa. Pwes, di ako magpapababa no. Sa itsura ng mga yun?
*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*
Bell na kaya agad agad akong pumunta sa classroom para hanapin sina Wel at Maxinne. psagpasok ko sa classroom, wala pa masyadong tao pero nandun na sila Maxinne at Wel. "Friend! Tara dito!" aya sakin ni Maxinne. "Mahina kalaban, friend." tawa ko naman. Umupo ako sa pagitan nila ni Wel. "Bakit? Ano meron? Bakit parang excited na excited ka ata?" tanong ko kay Maxinne habang inilalagay ang bag ko sa harap ng upuan ko.
BINABASA MO ANG
A Player's Bestfriend
Teen FictionSi Jamella Marie Torres ay simpleng babae lang. "Nerd" kung tawagin. di sila mayaman pero wala siyang karekla-reklamo. Lalo na ngayon at pumanaw na ang papa niya leaving Jam and her mother with a lot of financial problems. What bugs her is kung baki...