Dedicated po ito sa pinaka-mamahal kong Kuya H kase inintay niya tong chapter na to e. Hahaha! Anyway, eto na po Kuya H! Sana magustuhan mo. :) labyu!xx
Happy 300+ reads, APBF! :D Sana magustuhan niyo tong chapter na to. :)
++++++++++++++++++++++++++++++
Jamarie's POV
Sunday had passed and wala akong ibang ginawa kundi ang mag-alala. What will happen to me? Alam kong ipagka-kalat ni Amanda na nakausap niya ako sa phone ni George. What's worse? Mapapatunayan niya nang totoo ang picture, kahit na hindi talaga. And, once na malaman ng buong school ang nangyare sa pag-uusap namin ni Amanda, papaniwalaan na nila ito at ang picture.
I felt stupid. Bakit ko pa ba kase pinatulan? Anyway, ngayon na aalis ng hospital si Sam. Since, monday na, sabay na daw kami papasok sa school sabe ni Mama nang maka-usap namin siya sa cellphone. Hindi ko kinuwento kay George ang nangyare sa paguusap namin ni Amanda kahapon. Di ko din kase alam ang sasagot ko lalo na't cellphone pa niya ang pinakielaman ko.
"Huy!" gulat ko ng sigawan ako sa tenga ni George. "Ano na? Tapos na ako mag-ayos ng gamit. Ikaw?" tanong niya saken habang hawak hawak niya ang mga gamit na dala niya. Dinala dito ng maid nila ang uniform namin sa school. Di ko alam kung papasok ako pero, baka sabihin nila Amanda na iniiwasan ko ang issue at kaya lalo siyang paniniwalaan ng mga tao.
"Okay na ko. Kukunin ko lang phone ko sa night stand." sabi ko sabay ngiti. "Bilisan mo! Male-late ako sayo e." reklamo niya kaya inirapan ko siya sabay punta sa kwarto niya kung nasan ang cellphone ko. Narinig ko nading bumukas at sara ang pinto which meant, nauna na siyang lumabas.
Tinignan ko ng isa pang beses ang walang laman na kwarto at lumabas na dala ang mga gamit kong dinala sa hospital. Sinalubong kami ni Mama sa labas ng hospital.
"Anak, buti naman at naka-labas ka na." ngiti niya kay George kaya't tumungo naman ito sakanya sabay niyakap siya ni Mama. "Anak, tara na. Baka ma-late pa kayo." sabi niya pagtapos niya akong yakapin. Pumasok siya sa loob ng kotse at pumasok din kami. Umikot ako at balak na tumabi kay Mama sa harap nang pigilan ako nito.
"Oh! Teka, san ka uupo?" tanong niya saken nang mag-suot na siya ng seat belt niya. "Sa tabi mo." sagot ko sabay turo sa upuan na katabi niya. "Hindi na! Samahan mo nalang si Samuel sa likod." sabi niya sabay sarado ng pinto ko. Umirap ako sa labas ng kotse at pumasok na sa likod. Naka-tabi ko si George.
"Na-miss mo yung school?" tanong ko dito. "Pfft." sagot niya. Hay, bumalik nanaman ang dating George Santiago. Umupo nalang ako ng maayos at inilagay ang bag kong dala sa paanan ko. Ano na kaya nangyari sa school bag ko na naiwan ko sa room? Sana naman di nila ako pagtripan.
After 10 minutes of silence, nakadating na kami sa harap ng school. "Nandito na tayo. Oh, Jam. Yung bag mong yan. Akin na." sabi ni Mama kaya inabot ko ang bag ko na nilagyan ko ng mga damit ko. "Mag-ingat kayo ah." sabi ni Mama kaya bumaba si George at hinagkan ko si Mama sa pisngi.
Tinignan kong mag-drive paalis si Mama. Haaaay, sana sinama niya nalang ako. "Hoy, braces!" sigaw ni George sa likod ko. Humarap ako sakanya at mukhang nauna na siyang mag-lakad kesa saken. "Ano? Di ka papasok?" tanong naman saken ni George. Kaya tinakbo ko para makahabol sakanya.
Nang makatapak ako sa loob ng main hallway ng school, naramdaman ko na agad ang lamig ng mga aircon na nanggagaling sa mga classroom na may mga naka-bukas na pinto. Naglalakad kami ni Sam papunta sa lockers namin. Dun palang, nakikita ko nang pinagtitinginan kami ng mga students at yung iba, ang lakas pa ng loob na magbulungan sa harap namin.
Nang makarating ako sa locker ko, inilagay ko na ang lock dito at kinuha ang mga libro namin for Monday. Medyo malayo ang locker ko sa locker ni George. Nakita kong tapos na siya kaya sinarado ko ang locker ko at sumunod dito.
BINABASA MO ANG
A Player's Bestfriend
Novela JuvenilSi Jamella Marie Torres ay simpleng babae lang. "Nerd" kung tawagin. di sila mayaman pero wala siyang karekla-reklamo. Lalo na ngayon at pumanaw na ang papa niya leaving Jam and her mother with a lot of financial problems. What bugs her is kung baki...