[4] Sunny

88 3 2
                                    

 Hi there, beautiful! :D This chapter is dedicated to my super awesome Kuya H! @kakoolookiyam Kase sobrang awesome niya. And siya yung nag-write nung story niyang perfect, "15 Shades Of Grey". Maganda yun promise! ^_^ Yun lang naman ho! aylabyou Kuya H! :D

++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Jam's POV

*One Direction- Same Mistakes*

Nagising ako dahil sa alarm ng cellphone ko. Oo, One Direction fan ako pero kaunti lang ang mga taong nakakaalam. Buti nalang. Dahil alam kong pagti-tripan lang nila ako pag-nalaman nila yun. Pero kung malalaman man nila, keri nalang siguro. Anyway, gumising ako at agad nang pumunta sa kwarto ni Mama para makita kung nakauwi siya kagabe. Oo, tulog pa si Mama. Malamang na-puyat yan kagabe. Di ko nalang siya ginising.

Nakarating ako sa school banda 6:30am na. Medyo maaga pala akong nakarating sa school. Ano naman kaya magagawa ko dito? Ah. Alam ko na, maglalaro nalang ako sa cellphone ko. Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang cellphone ko. Oh no, ba't wala dito cellphone ko? Kinapa ko ang mga bulsa ko patin narin ang loob ng bag ko. Pero, wala parin.

Nawawala ang cellphone ko. Alam ko na, I'll retrace my steps. Ano ba ginawa ko kaninang umaga? Baka naman naiwan ko lang sa bahay. Hindi e, nagtext pa nga ako ay Maxinne na malapit na ko sa school e. Ano pa ba? Ano pagtapos nun? Ay! Si Sunny! Oo, nakabungguan ko si Sunny kanina.

*FLASHBACK*

Naglalakad nako papunta sa gate ng  school namin ng biglang *SPLASH* Shit! Nakatapak ako sa isang biyak na semento na malapit sa school gate namin. May tubig pa tong madumi. Ano ba yan! Yumuko ako para kapain ang medyas ko kung nabasa rin. Sa kasamaang palad, oo. Nabasa yung kanan kong paa.

*BLAG* "UY! Sorry! Di kita napansin."  paghingi saken ng tawad ni Sunny, isang 4th year  high school student sa school namin. Natumba ako sa sahig ng tuluyan kaya nalaglag ang lahat ng dala ko. "Tulungan na kita." sabi nya sabay alok nya saken ng kanan niyang kamay para tulungan akong tumayo. Wala akong nagawa, namesmorize ako ng kagwapuhan niya kaya nakatulala lang ako sakanya habang inaabot ang kamay niya.

Nung tinulungan niya na kong tumayo, buti nalang at napabalik na ko sa mundo. Ang layo ng lipad ng utak ko! "Um, okay lang." sabi ko sakanya. Inabot ko ang mga gamit na nalaglag. Kaya lumuhod ako sa semento para ipunin ang mga ito. "Ay, tulungan na kita. Ako naman may kasalanan e." sabi nya saken sabay ang pagluhod sa tabi ko para tulungan akong pulutin ang mga gamit kong nalaglag.

Nung naipon na namin ang lahat, iniabot nya saken kaya nagkadahilan ako para hawakan ang kamay niya. Sana hindi nahalata. "Sige, mauna na ako." munting mga salitang lumabas sa bibig kong bahagyang nanginginig. ang landi! "Sige." sabi niya saken sabay ngiti. Ako naman itong si kilig, tumakbo na papaloob ng school kase naramdaman ko na ang paginit ng mukha ko.

*END OF FLASHBACK*

Malamang, nalaglag yung nung nadapa ako o nung lumuhod ako para kunin mga gamit ko! Sana naman nakuha yun ni Sunny, kung hindi, malamng napulot na yun ng iba. Tiyak, di na ko bibilan ni Mama ng panibagong cellphone. iPhone yun na regalo saken ni Papa nung 14th birthday ko. Kaya di lang ang pera ang mahalaga dun, mahalaga yun kase yun nalang ang last na bagay na nakuha ko galing kay Papa.

Nagmadali akong pumunta sa classroom para ilagay na sa upuan ko ang mga gamit kong dala pati narin ang bag ko. Tsaka ko hahanapin si Sunny pag chineck ko na sa labas ang cellphone ko. Baka mamaya di pa naman nakukuha yun ng sino man. Pag dating ko sa classroom, naka-bukas na ang aircon at may mga babaeng naguusap sa tabi nito. Pero sa sobrang pagmamadali ko na makuha na ang cellphone ko, di ko na sila masyadong pinansin.

Paglagay ko ng bag ko at ng mga gamit ko sa upuan ko, agad na kong tumakbo palabas ng classroom para hanapin ang cellphone ko.

 Amanda's POV

Yes, I am Amanda. Filthy rich & beautiful. Para naman sa iba, war freak & mean. That might be true pero whatevs. I don't care about being liked. I care about winning and maintaning my place on top.

I was in our classroom chatting with my girlfriends, Chelsea and Courtney. "So, your dad wants you to take over your family business?" tanong saken ni Chelsea. Always the one who keeps butting in. "Indeed." sagot ko. "Teka, what is your 'family business'?" tanong naman saken ni Courtney with her fingers up above her head signing quotation marks. "Duh, yung mga buildings namin. My dad's an architect and a very successful businessman." sabi ko in a "DUH tone". "Oh. Wala ka naman kaseng sinabe saken." sabe ni Courtney sabay kamot sa ulo niya. Oh Courtney, always the one with dumb thoughts. Inirapan ko lang siya at tinuloy ang pagsusulat sa notebook ko.

I read the things I wrote on it..

Samuel ♥ Samuel ♥

Samuel ♥ Samuel ♥

Samuel ♥ Samuel ♥

♥♥Samuel Santiago♥♥

The things I wrote on the back page of my notebook made me smile. Then I just drew a bunch of hearts around the paper. "Ano sinusulat mo jan?" tanong saken ni Chelsea. Agad ko namang tinago ang notebook bago pa niya makita. "It's nothing." sabi ko in my sweetest tone sabay ngiti. Pero di nagpaawat ang dalawang chismosa at inagaw pa saken ang notebook ko.

"Sabe na nga ba e!" sigaw ni Courtney. "Give it back!" sigaw ko habang kinukuha pabalik ang notebook ko. Nung makuha ko, tinignan ko ulet ito at inilagay sa loob ng body bag kong pink. Biglang *BOOM* nagulat kami nang may biglang pumasok na babae na mukhang nagmamadali. Teka, ito yung nakaaway namin ah! Eto, yung kung maka-asal kala mo kung sino. Sino nga ba to? "Si Jamella Torres." bulong saken ni Courtney. Teka, nasabi ko ba yun out loud? Meh, whatevs. "Hm, mukhang nagmamadali." bulong naman ni Chelsea samen ni Courtney.

Nagmamadaling lumabas si Jamella pagtapos niyang ilapag sa sahig ang bag niya. "Girls, are you thinking what I'm thinking?" tanong ko kina Chelsea at Courtney with a cheeky smile on my face. "What exactly are you thinking?" tanong saken ni Chelsea. "Watch and learn." sabi ko sakanila habang papalapit ako sa upuan ni Jamella. Kinuha ko ang notebook ko galing sa body bag ko at pinunit ang papel na sinulatan ko kanina. Ibinalik ko ang notebook ko sa bag ko. Ipinasok ko naman ang papel sa loob ng bag ni Jamella na isang black at lumang Jansport lang. How pathetic.

"You're evil!" sigaw naman ni Courtney. "Why, thank you." sabi ko sabay kindat. "Come on." aya ko sakanila. "I can't wait til Sam finds out about that letter." sabe ko. "Teka, how will he find out?" tanong naman saken ni Chelsea. "What if si Jam ang unang nakakita? Malamang, tatapon niya lang yun." tuloy naman ni Courtney. "Girls." simula ko. "Diba lagi namang kinukuha ni Sam nang sapilitan ang bag ni Jamella tuwing wala siyang ballpen at pag ayaw ni Jamella siyang pahiramin?" I explained leaving them dumbfounded. "I thought so." sabe ko sa kanila. "Tara na!" aya ko nanaman sa kanila. Natawa nalang silang dalawa dahil sa evil plan ko.

I know for a fact na si Sam, once na nalaman niya na may nagkakagusto sa kaniyang babae na ayaw niya naman, iniiwasan niya na at sinusungitan.

Jam's POV

Tinignan ko na ang pwesto kung saan ako nadapa kaninang umaga, wala na dun. Last hope ko nalang si Sunny. Hopefully, nasa kaniya nga ang phone ko.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Heyaaa. Hope you liked this chapter. :) -Belle ♥

A Player's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon