Hi there! Sorry kung medyo late tong chaptrer na to. Medyo nawalan kase ng time e. Alam nyo na, aral aral din pag may time. :D Baka maging busy pero pipiliting iayos ang mga UDs.
Again, enjoy! :) xx -Belle ♥
+++++++++++++++++++++++++++++++
Amanda's POV
All I know is that is was only me & Samuel hugging Jamella. All of the others were a blur. I couldn't see clear through the tears pero I knew exactly what was going on. I ran to the comfort room at alam kong sinundan ako nila Chels. I ran into a stall and locked it. I cried out every tear I could at that moment. Bakit siya pa? Bakit di nalang ako, Sam? Bakit?
"Girl!" tawag ni Chels habang nakatok ng malakas sa stall ko. "Open up!" sigaw ni Courtney. "Leave me alone!" sigaw ko sakanila habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ko. "Girl, you know we can't do that." sagot ni Chelsea. "Yea." pag-agree naman ni Courtney. "We'll stay right here." sigaw ni Courtney.
After a few minutes more, lumabas na ako. Wiping my wet cheeks. Humarap ako sa mirror at sinundan ako nila Chels. I looked at my reflection on the mirror. Nag-smudge ang make up ko from crying. I wiped off the make up with my tissue. "It's okay girl. Wala lang yun." sabi ni Chelsea. "It's not okay!" sigaw ko sabay harap sakanya habang nanlilisik ang mga mata ko. "Chill! Look at you! You're make up is all over your face, your nose looks like it's bleeding and your eyes are bloodshot!" sigaw niya saken. I kinda felt bad for yelling at her.
"I'm sorry." I shrugged. "I didn't want to yell at you pero I was hurt." sagot ko sabay tingin sa sahig at pikit ng mga mata nang maramdaman kong paiyak nanaman ako. Mamaya, nakaramdam ako ng yakap. Pag mulat ko, niyakap ako ni Chelsea. "It's okay. You don't have to be sorry." sabi niya sabay bitaw. "Yea. We know that you've been through a lot." sabi ni Courtney sa likod ko.
"So, anong gagawin mo na ngayon?" tanong ni Chelsea saken. I rested my hands on the sink at tumingin sa reflection ko sa mirror. "Revenge." sagot ko sabay tawa ng kaunti. "Yeah. Pero anong gagawin mo exactly?" tanong ni Courtney. "You'll see." sagot ko nalang sakanya. Kaya napatungo nalang ang dalawa at nag-ayos na din ng mga make up nila.
You won't get away with this, Jamella.
George's POV
It's the day of our date. Nothing could go wrong. Nag-ayos na ako ng sarili ko at nag-reserve nadin ako ng table sa isang restaurant na malapit-lapit lang. Magara ito kaya kahapon tinext ko na si Jam na mag-ayos siya. Eto naman ako, nasa harap ng malaki kong mirror sa kwarto ko. Nag-aayos ng suit ko. Yea, I can't believe na magsu-suit ako para lang sa dinner namin. Sana lang magka-tugma kami ng damit ni Jamarie.
*BEEP BEEP*
May nagtext saken. Si Jamarie na yan for sure. Kinuha ko ang phone ko na naka-lapag sa night stand ko. To my surprise, hindi ito si Jamarie. Number lang.
Hi, Sam! It's Amanda. Kain tayo ng dinner sa labas? :) Text me okay? Byeeee :*
Hay nako tong babaeng to. Ano? Alam niya namang may girlfriend ako, yaya-yain niya kong kumain sa labas. Kahit na peke lang, sana naman isipin niya na may girlfriend ako. I have to reply quickly.
Hi Amanda, look may dinner na kami ngayon ni Jam. So, no thanks. See you in school. Kay? bye.
Message sent
Ipinatong ko na ito sa kama at wala na akong paki kung magtext pa si Amanda. Tinignan ko kung anong oras na sa wrist watch ko. 6:15pm. 5 minutes nalang susunduin ko na si Jamarie. Nag-ayos na ko ng gamit. Chineck ko lahat ng dadalhin ko. Okay na naman ang lahat.
Nag-drive na ako papunta kina Jamarie at kumatok na sa pinto nila nang makarating ako dito. Mamaya nalang, may bumukas na ng gate. Si Jamarie. She was.. Beautiful. She wore a light pink cocktail dress na may black na ribbon na nasa waist niya nakatali. Naka-flat shoes lang siya na pink at naka-french braid ito. Nag-make up din siya pero di katulad ng ibang babae na dark. Light lang ang make up niya kaya napa-nganga ako dito.
"Hoy! Tara na!" sigaw niya kaya bumalik na sa earth ang utak ko. "Ay. Tara na." sagot ko sabay alok ng kamay ko sa kanya at hinatid na siya sa pintuan ng kotse.
Nasa loob na kami ng kotse ko at nagda-drive na papunta sa kakainan namin. "Hm, di mo ata suot salamin mo ngayon. Pano yan? Di mo makita kagwapuhan ko?" asar ko sakanya sabay tawa. "Hoy di no! Naka-contact lense ako. Pero kahit na malinaw mata ko, wala naman akong makitang gwapo." sagot niya sabay belat saken.
"Ewan ko ba sayo! San ba tayo pupunta?" tanong niya ulet nang matapos na ko tumawa. "Basta. Ako na bahala dun." sabi ko sabay kindat sakanya at drive na ulet.
Matapos ang ilang sandali ng asaran sa loob ng kotse ko, nakarating nadin kami sa restaurant na gusto ko. "Gazolla's?" basa ni Jamarie sa malaking sign ng restaurant nang maka-baba na kami ng kotse. "Oo, favorite namin to dati ni Mommy." sagot ko sabay pasok ulit sa kotse. "Hoy! Bakit?" tanong ni Jamarie saken. "Park muna natin." sagot ko.
Moments later, pumasok na kami sa loob. May isang table na maliit sa isang corner nang makapasok kami sa loob ng restaurant. At sa table na iyon, may nakaupong babae na hula ko, nasa 20s niya na. Ngumiti ito samin ng mabuti at binati kami.
"I have a reservation. For 2." sabi ko sakanya kaya tumungo naman ito at tinignan ang clipboard niya na nakapatong sa table niya. Makalipas ang ilang sandali, tumingin na ito saken. "Um, sir. Ano po name nyo?" tanong niya sake ng nakangiti. "Samuel Santiago." sagot ko sakanya kaya't chineck niya ulet ang clipboard. Mamaya, tumingin ulit samen.
"Sir, I'm sorry. Pero wala pong naka-lagay ditong nagpa-reserve ka." sabi niya na halatang nahihiya sa mga sinasabe. Nagkunot ang noo ko sa mga sinabe ng babae. "What?!" sigaw ko sakanya. "Uh sir. Wala po talaga kasi e." sagot niya sabay tingin ulit sa clipboard na para bang natataranta. "What do you mean wala?!" sigaw ko ulet. Dun palang, naramdaman ko nang humigpit ang hawak ni Jamarie sa braso ko. "Sir, may policy po kaming sinusunod." sagot niya nanaman. Nag-init na ang ulo ko nun. "Panong wala!? That's impossible!" sigaw ko sabay tingin sa taas.
"George, okay lang. Let me handle this." sabi ni Jamarie saken. Naglakad siya palapit sa babae. "Um, miss. Wala po ba talaga?" tanong ng mahinhin ni Jamarie sa babae. "Wala po talaga, miss e. I'm sorry po." sagot nung babae mukhang naluluha na. "Di bale nalang po. Thank you po." sagot ni Jam sabay hila saken papalabas ng restaurant.
Jamarie's POV
Nang makalabas na kami ng restaurant, tinignan niya ako. "Wag ka nang ma-high blood. Kaya ka na-panget e." sabi ko sakanya sabay tawa. Naramdaman niya atang hawak ko parin ang kamay niya kaya inalog niya ito para maka-wala. "Ano? Feel na feel mo naman?" asar niya saken kaya't biglang namula mukha ko. "Ewan ko sayo!" sigaw ko sabay talikod. "Umuwi ka na!" sigaw ko ulet sabay lakad palayo.
"Hoy! Wag mo kong talikuran!" sigaw niya naman sakin sabay habol. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya ito. Dahilan kaya't napaharap ako sakanya at napa-yakap. Nagulat nalang ako nang mayakap ko nanaman siya ulit. Naramdaman kong mamula ang mukha ko. Bumitaw naman ako bigla.
"Ano ka ba?! Naka-drugs ka?!" sigaw ko sa mukha niya. Napapikit naman ang isang mata niya at tinakpan ang bibig ko. "Ang ingay mo!" sigaw niya saken. Kaya namula ang mukha ko sa galit. Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa bibig ko. "Oh, pano na yan!?" tanong ko sakanya nang galit habang nakatiklop ang mga braso ko sa dibdib ko.
"Ano?" taonong niya na para bang walang kaalam alam sa mga nangyare. Binatukan ko nga ng isa. "Aray!" reklamo niya sabay hawak sa ulo niya. "Baliw ka ba?! Kita mo ngang di na tayo pinapasok diyan sa Gorilla's na yan!" sigaw ko sabay turo sa restaurant. "First off, Gazolla's. Second, pwede ba? Gagawa ako ng paraan." sagot niya habang nagbibilang hanggang 2 sa mga daliri niya. Umirap lang ako.
Habang nagtititingin siya sa cellphone niya, tumingin muna ako sa malayo. Nagugutom na ko. "Alam ko na!" sigaw ko. "Ano nanaman?" tanong ng nalilitong George saken. "Basta! Tara!" aya ko sakanya sabay hila sa kamay niya papunta sa isang kanto na malapit sa Gorilla's.
***************
Hiiiiii! APBF is back!!! Sana for good na no? Hahaha! Saan naman dadalhin ni Jam si Sam? Ano nanamang balak nun ni Amanda? Intayin nalang ang next chapter. :)
-Bela <3
BINABASA MO ANG
A Player's Bestfriend
Novela JuvenilSi Jamella Marie Torres ay simpleng babae lang. "Nerd" kung tawagin. di sila mayaman pero wala siyang karekla-reklamo. Lalo na ngayon at pumanaw na ang papa niya leaving Jam and her mother with a lot of financial problems. What bugs her is kung baki...