[8] Melissa who?

59 2 4
                                    

Jam's POV

Pumunta ako sa school ng maaga. Agad kong hinanap si Maxinne at si Wel.

Pero si Wel lang ang nahanap kong nakaupo sa dulo ng hagdanan na malapit sa mga restrooms.

Mukhang malungkot at dismayado ito pero nilapitan ko parin. Magso-sorry ako dito dahil di ko na siya natawagan kagabi. 

"Wel!" sigaw ko nang makalapit ako dito. He looked at me, grabbed his bag and turned to walk away. Hinabol ko siya. "Wel! Anong problema?" tanong ko. Habang umaakyat siya sa hagdan na papunta na sa main hallway ng school namin. Pero wala paring siyang imik.

Nang makarating kami sa main hallway, hinila ko na ang braso ni Wel para makaharap siya saken. "Wel! Ano ba?" tanong ko. "Kausapin mo naman ako!" sigaw ko. May mga students na naka-rinig at tumingin.

"Gusto mo malaman kung ano problema ko?!" sigaw niya saken. Nagulat ako. Kahit kailan di pa ako nasisigawan ni Wel. Saming tatlo nila Maxinne, si Wel ang laging makalma at malumanay. Kaya nalaman ko agad na galit na galit nga ito. "Ikaw!" sigaw niya ulit.

"Ha? Bakit?" nalilito kong tanong. Ngayon, confirmed na, na nakatingin samen ang mga students na nasa hallway din. "Anong ginawa ko Wel?" tanong ko nang naka-kunot ang noo.

Nakarinig din ako ng mga bulungan. "Grabe naman magalit tong si Wel." sabi ng isang babae. "I don't blame him. She's the one with the problem." sagot naman nung isa. "Grabe, di man lang siya nahiya." sabi nung isa sabay tawa. Di ko sila pinansin. Instead, si Wel ang pinakinggan ko.

Hinila niya lang ako sa braso ng pagka-higpit. Nasasaktan ako pero di ko nalang sinumbat. Naglakad kami sa bandang gitna ng mahabang hallway kung saan may mga nagkakagulong mga tao. I looked at what they were checking out and nakita kong yun pala ang school bulletin board. Nagtaka ako pero nang makalapit lapit na kami nagsi-tabihan ang mga studyante dun. Yung iba naka-ngisi at yung iba natawa. I felt uncomfortable pero, I kept my feelings aside.

Dinala ako ni Wel sa harap ng bulletin board. At first, nalito ako. Then I saw a picture. Not just any picture, A picture of me and George in his car. And it looks like he was about to kiss me while I had my eyes tightly shut. Tumawa ang mga tao sa paligid ko. I felt numb. Para bang gusto ko nang matunaw nun. Parang gusto ko munang mawala. I froze there. Di ako makagalaw. Wala akong maramdaman at parang sasabog na ang dibdib ko. I looked back at Wel with confusion. He was furious.

"Teka, asan si Maxinne? I have to explain!" sigaw ko. "Wala siya!" sigaw saken ni Wel. His eyes filled with unshed tears. "What do you mean?" tanong ko in a small voice. "Max is in the hospital!" diin saken ni Wel na para bang itinatatak niya sa utak ko ang mga sinasabe niya. "She got in a bad car accident yesterday when I was calling you. I thought you were busy pero yun pala.." tigil niya. Nakita ko ang pagod sa mga mata ni Wel. It took me a while to process his words. Then it hit me. Right in the face. I was speechless. Di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wel was Maxinne's bestfriend since 3rd grade. I felt really bad. Mamaya nalang, pinanood ko nang umalis si Wel at maglakad papalayo. I was left in the middle of a crowd.

Nang makaramdam ako ng sakit sa dibdib, napuno na bigla ng luha ang mga mata ko kaya tumakbo ako papunta sa restroom ng girls. Pag-pasok ko sa isang stall, I poured out every tear. I was sobbing and puro hiccups. I thought of how I was a bad friend to both of them. Not being there for one of them lalo na nung kailangang kailangan nila ako. I felt stupid at para bang sinaksak ako sa dibdib. I heard the door open and footsteps. Di ko pinansin at pinagpatuloy ko lang ang pag-iyak. Not caring about what anyone would think.

Later I heard an angelic voice singing I Won't Give Up by Jason Mraz. It soothed me kahit na yung chorus lang ang kinanta niya. Her voice was as sweet as an angel's.

A Player's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon