[2] Ms. Kabayo, Mr. Demonyo

214 4 2
                                    

This chapter is dedicated to @TheLadyAwesome. :) Kase she found time to read my story kahit na super busy siya. :D Yun lang! :) Enjoy! :D

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Sam's POV

Recess na. Kaya pumunta na ako agad agad sa school basketball court. Covered naman yun kaya okay lang na tumambay dun. Malapit lang din kase dun yung school cafeteria namen kaya dun nalang ako tatambay. Wala naman palang tao e. Haaay. Nababahala na ko. Dapat kase may laro pa kami ng mga tropa ko. Kase naman yung babaeng yun e! Ano nga ba ulet pangalan nun? Ewan ko. Nakalimutan ko na. Alam ko na! Ms. Kabayo. Hahaha! Tutal, yun naman sinigaw nya nung hinila ko yung upuan nya kanina e.

Anong oras na kaya ako makakauwi? Let's see, 4, 5, WHAT?! 6:30? Hell no! Ano namang gagawin ko dun? Alam ko na. Aasarin ko nalang ng aasarin yung si Max. Alam ko na, this time si Ms. Kabayo nalang aasarin ko. Para maiba naman. Baka mamaya mag-assume naman si Max na may gusto ako sa kanya porket inaasar ko lang siya. Sus, wag nalang no!

"Bro, nababaliw ka na ba?" tanong saken ni Chad, tropa ko. "Ha? Bakit naman?" tanong ko. Lalaking to, ginulat ako. Psh. "Pano ba naman kase, mag-isa kang tulala at natawa." pagexplain ni Chad saken. Di ko napansin na natatawa na pala ako sa evil plot ko mamaya. "Hindi ah!" protesta ko naman. "Chill lang, bro." sabi ni Chad. "Whatever." pagiwas ko.

"Baka naman kaya ka napapatawa mag-isa dahil dun sa babaeng braces na yun!" pag-epal ni Jerry. "Sus! Hindi no!" protesta ko nanaman. "Medyo OA ka din no?" tanong ni Bryan. "Psh." sagot ko. "Ano nga ba ulit pangalan nun? Cham?" tanong naman ni Chad. "Hindi! Jam, Jamella Marie ata yun." sagot ni Bryan kay Chad. Ayun! Yun nga pala pangalan ni Ms. Kabayo.

"Haha! Onga pala." tawa ni Chad. "Ewan ko sainyo. Kumain na ba kayo?" pag-iba ko ng topic. "Sus. Sabay bago ng topic?" pangaasar ni Jerry. "Bro, not today." pag-awat ni Chad kay Jerry. At dahil dun sa sinabe ni Chad itinaas lang ni Jerry ang kamay nya sign ng surrender nya. "Hindi pa, Bro." sagot sakin ni Chad. "Tara, kain na nga tayo." aya ko sakanila.

Pag dating namin sa canteen ay nakita ko na agad si Ms. Kabayo na nabili ng pagkaen kasama sila Max at si piggy Wel. Mapuntahan nga tong tres weirdos na to. Binangga ko ang likod ni piggy Wel kaya't napatapon ang dala niyang lasagna sa damit ni Ms. Kabayo. Ha! Buti nga. "Ano ba!? Epal ka masyado no?" sigaw ni Ms. Kabayo saken. Naramdaman ko ang biglang pagtahimik ng mga tao sa cafeteria. "Hoy! Wag mo kong tinatawag na epal!" sigaw ko sa kanya.

"Bakit? Hindi ba?! Demonyo ka din kase e!" singhal saken ni Maxinne. "Hoy babaeng bangs, pwede ba? Wag ka na dito makisali?" pagsusungit ko sa kanya. "Hoy lalaking demonyo, pwede ba? Wag ka umepal dito at isa pa, wag mo kami sinisigawan!" sigaw naman saken ni Ms. Kabayo. "Ayoko e." pangaasar ko sakanila.

"Ewan ko sayo!" singhal sakin ni Ms. Kabayo. "Sus! Nadumihan pa tuloy ako." reklamo niya habang bahagyang pinupunasan ang suot nyang uniform. "Sorry talaga Jam, di ko sinasadya." paumanhin ni Wel. "Okay lang Wel. Di mo naman kasalanan." paalala ni Jam. "Yang demonyong yan ang may kasalanan!" sigaw nya sabay duro sa akin. "Psh." pagsusungit ko. "Wag ka magalala Wel, bagay parin naman sakanya yung dumi e." sabi ko kay Wel habang nakahawak sa kaliwa nyang balikat. "Ewan! Tara na nga Wel, Jamella." singit ni Max. Ano ba to. epal talaga. Psh.

Pagalis nila ay agad namang dumating sa tabi ko ang mga barkada ko na grabe ang halakhak. Unti unti ko nang narinig ang pagbalik ng ingay sa loob ng cafeteria. May mga nagtatawanan, may mga di pa rin maka-move on sa nangyare at may mga parang walang nangyare.

Jam's POV

Ugh! Iritang irita na ko sa lalaking demonyong yun! Gustong gusto ko na siyang sapakin sa ilong. "Nakakainis!" sigaw ko habang naglalakad kami ni Maxinne papunta sa girls' restroom. Iniwan na namin muna si Wel kase pupunta na daw siya sa classroom namin. Hay nako naman. "Friend, chill lang. Childish lang talaga yung kamoteng yun." pagpapakalma saken ni Maxinne.

Nakarating kami sa restroom at buti nalang nagdala si Maxinne ng extra na damit. Kaso, medyo fitted kase kaya medyo ayaw ko.  Pero wala na din akong ibang choice. Keso naman mangamoy lasagna pa ko sa classroom. Sinuot ko na din ang damit ni Maxinne na isang plain white na shirt na fitted.

*KRIIIIIIIIIIIIIING*

"Huy! Bell na! Tara na!" sigaw ng natatarantang Maxinne. "Bakit naman parang tarantang taranta ka? Chill." sabi ko para kumalma sya. "Kase, si Ma'am Mary na ang next teacher!" pagpapaliwanag nya. "Oh? Ano naman?" tanong ko sakanya. "Di mo alam ugali nun. Namamahiya yun ng bonggang bongga! Pag tayo nalate sa klase nya, lagot tayo." sabi ng nagaalalang Maxinne. "Sus, di yun no. Chill ka lang. di tayo male-late." pagpapakalma ko ulet sa kanya.

Pag dating na pagdating namin sa classroom ay nagtinginan na agad lahat ng mga kaklase namin. Hala. Nandito na si Ma'am Mary. Totoo kaya sinasabe ni Max? Mukhang mabait naman siya e. "Good morning Ma'am Mary." bati ko sakanya. "Sorry we're late." dugtong naman ni Maxinne. "Hm, new student ka palang late ka na agad. Teka, ikaw ba yung kasama nila Mr. Santiago sa office kanina?" tanong ni Ma'am Mary. "Um, opo. Sorry po." paghingi ko ng paumanhin sa kanya. "I should have guessed." maangas niyang sinabe. Ang yabang nitong lokang to!

"Very well, since bago ka pa dito, I'll let you sit. Pero ikaw Maxinne, remain standing." demand nya samin ni Maxinne. "Yes Ma'am." malungkot na sinabe ni Maxinne. Kawawa naman si Maxinne. Dapat pala nakinig nalang ako sakanya. Hay nako. Pahamak talaga ako. Bago ako umupo hinawakan ko muna ng mabuti ang arm chair ko baka kase hilahin nanaman e. Pagkaupo ko ay tinignan ko muna si Mr. Demonyo. Hm, natutulog siya sa klase. Tinignan ko naman ngayon si Ma'am Mary. Bakit di niya pinapansin si Samuel? Hay nako, ewan ko ba.

Pagtapos ng mga classes namin ay dumeretso na kaming tatlo agad agad sa library dahil according to Ma'am Leah, ang secretary ng principal namin. Dun daw kami mags-stay. Hay nako naman. Pag dating na pagdating namin dun ay nagsiupuan na kami sa mga upuan at walang ibang ginawa buong magdamag kundi magsagutan ng magsagutan.

Nakauwi ako ng mga 7:00pm. Gutom na gutom at pagod na pagod. Umakyat ako sa kwarto ko at nagbihis nalang. Mainit kaya nagshorts nalang ako at nagsando. Pagtapos ay dumeretso ako sa kusina para kumuha ng juice sa loob ng ref. Kinagulat ko ng makita ko ang Mama ko na nakaupo sa upuan na nasa tabi ng dining table. "Mama? Bakit ka naiyak? Ano nangyare?" tanong ko sakanya pagkaupo ko sa tabi ng nagiiyakan kong Mama. "Anak" sabi nya sakin at tinignan ako sa mata. Wala akong ibang nakita sa mga mata niya kundi ang lungkot, pagod, puyat at sakit.

"Bakit Mama?" tanong ko ulet sa kanya habang hawak ang dalawa niyang kamay. "We're broke. Wala na akong natirang pera sa banko." pagpapaliwanag niya saken. "What? No. Are you serious?" tanong ko. "Yes. In a week baka mawalan na tayo ng bahay." pagtatapat sakin ni Mama. "No, that's not true." di ako makapaniwala sa mga sinasabe ni Mama. "But it is, hija. More than 3 months na tayong di nakakapagbayad dito sa bahay."  sabi ni Mama. "Akala ko kaya ko kahit wala ang Papa mo. Pero hindi pala." iyak sakin ng Mama ko. "Ma, it's okay." pagpapaalala ko sakanya.

"No, hija. It's not. Ano nalang mangyayare saten? Where else would we live?" tanong saken ni Mama. "Gagawa tayo ng paraan Mama. Problema lang yan." sabi ko habang yakap yakap si Mama. "Let's just hope for the best." tuloy ni Mama.

++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

Ano nalang kaya mangyayayare sa mag-ina? :( Sana nagustuhan nyo tong chapter na to. :D -Belle ♥

A Player's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon