Jamarie's POV
Pinag-isipan ko ng mabuti ang mga nangyare sa mga pinagusapan namin kanina. I let it all sink in. So, ako ang kasama ni George sa mga drawings na nasa kubo? Kaba-bata ko siya? He was my bestfriend? The person I hate the most is the person I loved before? Unbelievable! I don't even remember him being a part of my past. Why is that?
I shook my head and turned on the shower. Inamoy ko ang sarili ko. Mabaho na nga ako. Don't blame me, ang inet inet at tirik na tirik ang araw tapos nilakad ko pa dito.
I kept thinking parin. Hindi ko talaga maisip na si George ang kaba-bata ko. I mean, ngayon ko nga lang siya nakilala e. I don't even know him that well. Sana maging malinaw na ang lahat. Someday, Mama and Tito Luke will have to start answering questions.
*TOK TOK TOK*
Napatigil ako sa pag-iisip nang may kumatok sa pinto ng banyo habang nagsha-shower ako. "Sino yan?" tanong ko. "Sino pa ba kasama mo dito? Alangan si George!" sigaw ng boses sa kabilang pinto. "Naliligo pa ako!" sigaw ko. "Bilisan mo naman! Ihing-ihi na ako!" balik niya saken. "Oo na!" sigaw ko.
Nang matapos ako maligo at magbihis, pag-labas ko palang ng banyo, pumasok na agad si George at sinara ang pinto. Tinignan ko ang kama niya. Ang gulo gulo. Di man lang ayusin muna bago tumayo. Inayos ko nalang.
George's POV
6:30pm
"Gutom na ko George." reklamo ni Jamarie saken habang nag-babasa ako ngayon ng libro sa kama ko. Eto naman siya, sitting pretty sa dulo ng kama ko. "Kaya ka nataba e." asar ko dito sabay tawa. "Ewan! Basta gutom na ko." sabe niya. "Anong gagawin ko?" tanong ko sabay baba ng librong binabasa ko. "Pakainin mo ko!" sigaw niya saken sabay kurot sa paa ko. Sumigaw naman ako sa saket. "Oo na! Oo na!" sigaw ko. "Ang sakit naman nun." reklamo ko sabay kamot sa paa ko. Tumawa nalang si Jamarie.
"Ano ba gusto mo?" tanong ko sakanya sabay ayos ng upo sa kama ko. "Kahit ano. Basta naka-kain." sagot niya saken habang naka-hawak sa tiyan niya at naka-simangot. "Pizza nalang tayo." suggestion ko. "Wag na yun. Mahal yun." sabi niya. "Wala akong pera no!" tuloy niya sabay higa ng pahalang sa dulo ng hospital bed ko at naka-laylay ang mga paa sa gilid ng kama. "Ako naman magba-bayad e." sabi ko. Napatingin siya saken ng naka-ngiti. Bigla nalang siyang umupo ng maayos habang naka-harap saken. "Talaga?" excited niyang tanong. Tumungo ako. "Sige ba!" sigaw niya.
"Gamit ang telephone na nasa night stand sa tabi ng kama ko, tinawagan ko ang pinaka-malapit na pizza place at nag-order.
After 30 minutes ng pakikinig sa mga reklamo ni Jamarie saken, may kumatok sa pinto ng hospital room ko. "Come in, Come in." sabi ko. Eto namang si Jamarie, thinking it was the delivery guy, tumakbo sa pintuan para papasukin ito. Nagkandarapa pa siya makapunta lang sa pintuan. Pag bukas niya, laking gulat naming dalawa nang makita naming si Dad ang nasa pinto.
"Sino po sila?" tanong ng maayos ni Jamarie. "I'm Samuel's father." sagot ni dad kay Jamarie. "Ay. Pasok po." sabi niya sabay turo papunta sa loob ng kwarto. Pumasok si dad. Nakasuot siya ng tux niya. Ano to? Burol? Humarap siya ulit kay Jam na nagsa-sarado ng pinto. Nakikita ko ang pamumula nito. "And you are?" my dad trailed off. Humarap si Jamarie dito. "Jamella Marie Torres po." sabi niya sabay alok ng kanang kamay kay dad.
Medyo nagulat si dad kay Jam pero mabuti nitong inabot ang kamay ni Jam. "Hija? Ikaw ang anak ni Alyssa?" tanong ni dad na pra bang di makapaniwala. "Um, opo." sagot ni Jamarie, namumula nanaman ang mukha. Nagulat ako nang biglang yakapin ni dad si Jamarie. Ganun din ang expression ni Jamarie sa ginawa ng daddy ko.
"Hija, it's been so long!" ngiti ni dad nang makawala na sila sa yakap. "Um, kilala niyo po ako?" tanong ni Jamarie habang nakaturo ang index finger niya sa dibdib niya. "Oo naman, hija!" sigaw ni dad. Tumawa nalang si daddy at ganun din sa Jamarie.
"Ehem!" sigaw ko. Then lumapit saken si dad. "Anak, how are you?" tanong niya saken. Mukhang good mood tong matandang to ah. "I'm fine, dad." sagot ko. "So, have you two met?" tanong niya sabay tingin kay Jam sunod naman saken. "Yes, dad." sagot ko. Ngumiti si dad. "By the way, where's your mom?" tanong ni dad kay Jam. "Is she here?" tuloy niya sabay tingin sa kwarto. "Wala po si Mama, Tito Luke." sagot ni Jamarie. Medyo nahihiya mag-salita. "May trabaho po kasi siya. Kaya ako pinadala niya para mag-bantay kay George." tuloy ni Jam sabay turo saken. "I see." tungo ni dad habang naka-ngiti.
"So, kumaen na ba kayo?" tanong niya samen. "I ordered pizza." sagot ko. "Good. I just stopped by to check on you, son." sabi niya sabay tapik sa braso ko. "I'm glad you two are friends again." sabi ni daddy. Ngumiti nalang kami ni Jamarie. Wit. What does he mean by "again"? Did we stop being friends? I shook the thought off.
The next thing I knew, nagpaalam na si dad samen. "Well, I have to get back to work." sabi niya. "But it was nice seeing you again, Jamella." sabi niya kay Jam sabay abot ng kamay niya dito. Ngumiti si Jam at inabot din ang kamay ni dad. "I'll see you soon, son." sabi niya saken sabay tapik sa braso ko.
Hinatid ni Jamarie si dad sa pintuan ng room namin. "You guys take care." sabi ni daddy bago tuluyang lumabas. Phew! Glad that's over.
Lumapit naman saken si Jamarie at umupo sa sofa ng hospital room. "George.." tawag niya saken. "Yea?" sagot ko. "Gutom na gutom parin ako!" sigaw niya sabay nag-wala na para bang bata. Naglumpasay pa siya sa sofa ng naka-simangot at tulala sa sahig. Tinawanan ko nalang siya.
After 5 more minutes, may kumatok nanaman sa pinto namin. Tumakbo nanaman si Jamarie para buksan yun. And oo, yung delivery guy na ang kumatok.
"You ordered pizza, Ma'am?" tanong niya kay Jamarie. "Yes, we did." sagot niya mukhang excited na excited na dahil di matanggal ang mga mata sa pizza na dala ng lalaki. "Dito nalang po." sabi ni Jamarie sabay ni-lead niya yung delivery guy papunta sa maliit na coffee table namin.
Nagbayad ako at umalis na ang delivery guy. Just then, pagharap ko kay Jamarie, nakaen na siya. Mukhang gutom na gutom na nga. Ngumiti ito saken habang punong puno ang bibig kaya natawa ako. Inabotan niya naman ako ng platito na may naka-lagay na pizza. Tinanggal ko ang nakatusok sa balat ko. Alam naman ni dad na ayaw kong tinutusok ako ng karayom e.
Linapitan ko siya at sa sofa ako umupo sa tabi niya. Well technically, naka-upo siya sa sahig na nasa harap lang naman ng sofa. Inabot ko ang platitong nasa kamay niya at kumain nadin. Nang maubos na namin ang 1st box ng pizza, nakaramdam na ako ng pagka-busog.
"Anong oras na, Jamarie?" tanong ko sakanya habang nililigpit niya ang pinagkainan namin. Tumingin siya ng mabilis sa wrist watch niya. "7:30pm na." sabi niya sabay ayos ulit ng mga plato. Naglakad na ako papunta sa hospital bed ko.
Pumunta siya sa kusina para ibalik ang mga plato sa sink. Nakahiga na ko sa kama ng bumalik siya. Puma-mewang siya saken. "San ako matutulog?" tanong niya saken. "Sa sahig." sagot ko sakanya. "Ano?!" sigaw niya sabay lapit saken."Sa sofa kung gusto mo." sabi ko sakanya. "Ayoko nga!" sigaw niya. "Edi san ka?" tanong ko sakanya. "Sa kama." sabi niya sabay tawa. " E, ako dito e." sabi ko. " Sorry ka." sabi ko sabay belat. Pinatay niya naman ang ilaw sa room.
"Di ako papayag!" sigaw niya sabay tabi saken sa kama ko. "What are you doing?" tanong ko. "Matutulog ako." sagot niya sabay higa at talikod saken. I shrugged. "Whatever." sabe ko sabay patay ng ilaw sa night stand. Then, I fell asleep.
+++++++++++++++++++++++++++++++++++
Hi there! Woo! A little GeorJam action! WUT WUT WUT?! XD I enjoyed writing this chapter. Hope you enjoyed reading it too. :) Again, Vote, Comment & Follow! :D Happy 200+ reads! Thank you ulet! :) Love each and every one of you guys. :D -Belle ♥

BINABASA MO ANG
A Player's Bestfriend
Teen FictionSi Jamella Marie Torres ay simpleng babae lang. "Nerd" kung tawagin. di sila mayaman pero wala siyang karekla-reklamo. Lalo na ngayon at pumanaw na ang papa niya leaving Jam and her mother with a lot of financial problems. What bugs her is kung baki...