[6] Safe Heaven

63 4 0
                                    

Sam's POV

Pagtitripan ko pa sana tong si Jamarie nang bigla ko siyang tinignan. Aba, nakatulog na pala si Ms. Kabayo. Sakto pang nakadating na kami sa pupuntahan namin. Binuksan ko ang pintuan sa tabi ko para makapasok ang hangin. Lumapit ako sa kanya at tinitigan siya. Kung sa ibang mga babae, pag natutulog sila, ala sleeping beauty. Pero ito? Hay nako. Bahagyang nakanganga ang bibig niya kaya may laway na natulo sa gilid nito. Ang buhok niya naman sabog sabog, buhol buhol at yung iba, nakatakip pa sa mukha niya. Yung kamay niya sa kanan, nasa taas ng ulo niya habang yung isa nasa tabi naman ng kaliwang hita niya. Natawa ako sa nakikita ko ngayon ng biglang *PAK* Nakaramdam ako ng sakit sa chin ko mamaya nalang ay nakatingin na ako sa bubong ng kotse ko. Pagtingin ko, yung kamay niyang nasa tabi ng hita niya tumama sa baba ko. Mukhang nagulat ata siya saken.

"Sorry!" sigaw niya saken habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig niya. Mukhang nagtatakip ng tawa. "Okay lang." sabi ko sakanya sabay labas ng kotse ko habang nakahawak sa baba ko. "Sorry talaga." sabi niya ulet paglabas niya ng kotse ko. "Ayos lang talaga." sabi ko ulet. Natawa nalang kami pareho.

Jamarie's POV

tumingin tingin ako sa paligid namin. Wala akong ibang nakita kundi ang magagandang mga bulaklak at halaman na nasa paligid at sa banda dulo ay napansin kong may punong malaki. Palubog na ang araw at napaka-ganda ng tanawin. May napansin din akong kubo na maliit na nasa bandang kaliwa naman ng puno. Kahit na medyo malayo layo din ito sa puno. Di ko alam pero parang alam ko itong lugar na ito. Impossible man ito. Pero parang nakita ko na ito sa isang panaginip. Isang panaginip na hindi ko na maalala. Lumingon ako kay Samuel at nakita ko siyang nakatingin lang sakin. "Asan tayo?" tanong ko sakanya. "Well, lupain namin to dati. Pero, ngayon. Wala na. Napasawala nalang ito. Wala nang nagmamay-ari at wala nading nakatira dito." sabi niya kaya't tumungo lang ako. "Tara." aya sakin ni Samuel pagtapos niya kumuha ng gamit sa loob ng kotse. "Ano yan?" tanong ko. "Basta." sagot niya habang nauuuna siya sa paglalakad. At dun niya nga ako dinala sa punong malaki. Na nasa tuktok ng maliit na bundok.

Nung nakadating na kami sa tabi ng malaking puno, naglatag siya ng mga kumot sa damuhan. Pagtapos ay umupo siya sa isang kumot at naghanap naman ng kumportableng pwesto. Nang makahanap na siya ng pwesto niya, tinapik niya ang isang kumot na nasa tabi niya habang nakatingin saken. Gesturing na umupo ako dun. Nung una'y nag-hesitate pa ako na tumabi sakanya. Pero I gave in. Ang ganda ng tanawin. Napakalawak ng lupain at puro mga ilaw lang ng mga kotse at billboards ang nakikita namin sa ibaba ng maliit na bundok. Napaka-presko dahil nakakasawa nadin kase kung araw araw puro mga bahay nalang ang nataklob sa mga mata mo.

"Bakit mo ko dinala dito, George?" tanong ko sakanya habang tinititigan siya habang nakatingin naman siya sa malayo. Tumingin din siya saken at ngumiti. "Kase, I just thought na medyo stressed-out ka. And this is the place where I go kapag stressed ako or problematic." sabi niya saken habang nakangiti the whole time. "Thanks." sabi ko sakanya habang nakangiti. "No problem." sabi niya saken sabay balik saken ng ngiti niya. Bumalik nalang ako ng tingin sa magandang tanawin na nasa harap namin. Medyo pa-dilim na pero di ko pinapansin. Na-mesmorize ako sa sunset sa harap namin. Bigla ako nakaramdam ng lamig dahil sa malamig na hangin na tumama sa braso ko at sa pisngi ko. Hinawakan ko ang magkabilang balikat ko na para bang niyayakap ang sarili ko. Mamaya nakaramdam ako bigla ng warmth. Tinignan ko si George at nakita kong nagpatong pala siya ng blanket sa mga balikat ko. "Thank you ulet." sabi ko. Tumungo lang siya saken at ngumiti.

"Ay. Nga pala." bigla niyang sabi. Lumingon siya at may kinuha sa maliit na bag niyang dala dala. "Pagkaen and hot chocolate." sabi niya saken at inabot saken ang lalagyan niya ng hot chocolate. "Prepared talaga ah?" tawa ko. "Naman. May balak kase talaga akong pumunta dito. Pero I thought na mas masaya kung isama kita." sabi niya sabay ang kagat ng malaki sa sandwich niya. Uminom ako sa hot choco at biglang nakaramdam ng pagka-kalma. "So, you do this all the time?" tanong ko sakanya. "Just when I'm lonely." sagot nya naman. "Diba sabe mo, wala nang nakatira dito?" tanong ko sakanya at uminom ng hot choco ko. "Oo, bakit?" sagot niya sake sabay kagat ulit sa sandwich niya. "Kung wala nga, bakit napaka-linis parin dito at maganda parin ang tubo ng mga halaman?" tanong ko. "Sino pa nga ba?" tanong niya saken habang natawa. Natawa nalang din ako.

"By the way, ano meron pala sa kubo na yan?" tanong ko sakanya with a confused look. "Come and see." sabi niya sabay tayo at alok saken ng kamay niya. Tinanggap ko ito at hinila niya ako papunta sa direksyon ng kubo. Pagpasok namin dito ay medyo malaki-laki din pala ito at closed. Isang binatana lang ang nandito. Binuksan naman ni George ang ilaw dito. Una kong nakita ang mga sleeping bags sa itaas ng shelves. "Kanino yan?" tanong ko sakanya habang nakaturo ang index finger ko sa mga sleeping bags. "Um, akin ata?" sabi niya saken ng medyo patanong. "Ha? Panong ata?" tanong ko habang nakatiklop ang mga kamay ko sa harap ng dibdib ko. Kumamot lang ng ulo si George. "Well, nung una tong ipakita saken ni Daddy, ganito na to. Dito na ko natutulog minsan e. Pero wala parinakong ginagalaw sa mga yan." sabi niya habang tinuturo ang mga gamit sa loob.

Tumungo lang ako at tinignan ang mga nasa loob ng kubo. Nakita ko sunod ang mga drawing na naka-dikit sa kahoy na pader ng kubo. Mukhang drawing ito ng bata. Yung unang drawing ay may drawing ng dalawang bata na magkahawak ang mga kamay. Isang batang babaeng nakatali ang buhok na naka-pigtail at nakapink na damit. Isang batang lalaki naman na nakataas ang buhok at naka-blue naman na damit. Stick drawing siya kaya nahalata ko agad na bata ang nagdrawing, May drawing din ng rainbow sa ibabaw nila at sa gilid ay may puno at sa kabilang gilid ay may kubo. Mukhang dito ang dalawang bata naglalaro dati.

Sunod naman ang drawing na naglalaro ang dalawang bata kasama ang mga paru-paro sa hardin na nasa harap ng kubo. Sino kaya ang dating tumira dito? Bakit parang ang saya saya naman ng lugar nito dati? Bakit ngayon wala nang tao dito?

"Um, George?" tawag ko sakanya habang nagaayos lang ng mga gamit sa loob ng kubo. "Bakit, Jamarie?" pangaasar niya. "Sinong nag-drawing nito?" tanong ko habang hinahawakan ang papel. "Di ko alam pero sabi ni Daddy, ako daw." paliwanag niya. "Ah. E, sino yung babae?" tanong ko habang tinititigan ang drawing. "Sabe ni Daddy, bestfriend ko daw yan dati nung maliit pa kami." sabi niya. "Ganun? Nasan na siya ngayon?" tanong ko ulet. "Di ko na alam e. Actually, di ko nga maalala kung sino siya e. Pero alala ko pa ang lugar na to." sabi niya saken. "Too bad." sabi ko nalang sakanya.

The whole time, nagkasaya lang kami sa lugar na pinuntahan namin. It's nice to finally know that George isn't a total jackass and that sometimes, he can be my Safe Heaven.

++++++++++++++++++++++++++

Hello again! Hope you liked this chapter. Para maging klasro ang lahat. Si George po ay si Sam din. :) Samuel George Santiago. :) George's POV nalang din po ang lalagay ko di na Sam's POV. :) HAHAHAk. -Belle

A Player's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon