[10] The Truth

51 2 0
                                    

Jamarie's POV

Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan ni Sunny. 1pm na pero di parin kami naalis sa tindahan. Ang balak ko kase, pag nag-uwian na at kaunti nalang ang mga tao sa school, babalikan ko ang bag ko sa classroom namin.

*RIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*

"Hello, anak?" tanong ni Mama sa kabilang linya.

"Mama? Bakit po kayo napatawag?" tanong ko. Gulat sa biglaan niyang pagtawag.

"Ah. Anak, pwede ka bang umuwi muna?" tanong niya.

"Ha? Bakit po Mama?" taka ko.

"Na-ospital kase ang anak ni Tito Luke mo." sabe ni Mama. "E, kailangan niya daw ng magbabantay kase may trabaho pa siya." sabe ni Mama. "Ako dapat kaso magta-trabaho din ako." tuloy ni Mama.

"Kaya ako ang naisip niyong tawagan?" sagot ko.

"Ah. Oo e." tawa ni Mama. "Ano anak? Pwede ka? 3 araw lang naman." tanong niya ulet.

"Sige po. Text niyo nalang po saken ang hospital niya at room." sagot ko.

"Nako! Salamat anak." tuwang tuwang sagot ni Mama. "Mag-ingat ka ha. Babye na!" sabi ni Mama.

Call ended

Ibinalik ko na ang cellphone ko sa bulsa ko nang matapos kami mag-usap ni Mama.

"Hospital? Room?" tanong ng nalilitong Sunny. "Sino na-ospital?" tanong niya ulet. Napatawa ako sa kaniya. "Yung anak daw kasi ng kaibigan ni Mama na-ospital." sagot ko. "Ah. So, you're leaving?" tanong ni Sunny saken. Tumungo lang ako.

Tumayo siya at iniabot saken ang kamay niya. "Hatid na kita!" sabi niya. Di na ako maka-angal kaya inabot ko nalang ang kamay niya at nagpahila na sa kaniya.

Dahan dahan kaming pumunta sa parking lot ng school namin. Nagtatago kase kami sa guard ng school na ngayon ay naka-bantay na sa harap nito. Baka kase pag nakita kami pagalitan pa kami.

Nang makapasok na kami sa kotse ni Sunny, inintay namin na umalis man lang o tumalikod ang guard bago kami mag-drive papaalis.

Nang makalayo na kami sa school, "San yung bahay nyo?" tanong saken ni Sunny. "Malapit na. Turo ko nalang sayo yung daan." sagot ko. Tumungo lang siya saken. Nang maka-dating na kami, nag-paalam na si Sunny na uuwi nadin daw siya at sasabihin niya nalang daw sa Mama niya na sumakit ang ulo niya.

Umakyat ako papunta sa kwarto ko para magpalit ng damit. Itinali ko nalang ang buhok ko at nagbihis ng pang-alis. Naka-uniform pa kase ako kanina. Naghanda nadin ako ng damit ko ng good for 3 days at inilagay to sa malaki kong bag. Kumuha nalang ako ng pampamasahe at pang pagkaen sa lalagyan ng pera ni Mama. Ini-lock ko na ang bahay at pumunta sa kanto para tumawag ng tricycle.

Ayun! Walang sakay na pasahero! "Manong!" sigaw ko. "Tricycle po!" tuloy ko. Tinignan lang ako at umalis na. Hayop tong matandang to! Magbabayad naman ako ah? Di ko nalang pinansin at naghanap ng ibang tricycle.

Makalipas ng 4 na minuto nang makahanap ako ng tricycle na walang pasahero. "Manong!" sigaw ko. Pumarada ito lagpas saken. Tumakbo ako papunta dito kaso biglang may umagaw dito na magandang babae na naka-pormal na damit.

"Teka! Saken yan!" sigaw ko sa babaeng nasa loob ng tricycle. "Wag ka na nga mag-inarte. Nauna siya e." sabe nung driver saken. Inirapan ko nalang siya sabay belat.

Ang hirap talaga maging panget. Haaay. Ang inet inet na nga, inagawan pa ko ng tricycle. Palibhasa panget ako, di na ko pinansin ng iba. Tinignan ko ang text saken ni Mama. Hmm, malapit lang naman pala tong hospital. Lalakarin ko nalang kahit na mainit.

George's POV

I woke up seeing white cloth everywhere. Asan ako? Naka-confine ba ako? Nataranta ako nang makita kong may nakatusok na karayom sa balat ko. "Dad!" sigaw ko. Pero walang nadating. Walang tao sa room na kung nasan ako. Ano to, horror? Natakot ako sa mga inisip ko pero I tried hard to be brave.

Sumakit ang ulo ko kaya I thought I just needed a shut eye. Natulog ako for a few minutes. Nang mamaya maya, may kumatok sa pintuan ko. "Come in." sabi ko. Pag-tingin ko, may nurse na naka-puti at naka-tali ang buhok.

"Sir, you have a visitor." sabi niya saken. "Um, sino?" tanong ko. "Pinadala daw siya ng dad nyo. Para mag-bantay sa inyo. Daughter daw ng kaibigan ng dad nyo." sagot niya saken. "Ah. Let her in." sabe ko. Tumungo ang nurse at lumabas.

After 2 minutes, may pumasok na babaeng pawis na pawis, magulo ang buhok at medyo madungis nadin. Tinitigan ko siya ng mabuti at mukhang nagulat siya saken. "George?!" tanong niya. Medyo galit din ang hitsura niya. "Jamarie?" tawag ko naman sakanya. "What are you doing here?" tanong ko habang papalapit siya saken. Ipinatong niya ang dala dala niyang bag sa tabi ng kama ko, sa sofa.

"Pinadala ako ng kaibigan ng Mama ko dito para daw mag-bantay sa anak niya." sagot ni Jamarie saken. "Mukhang mali yung room na tinext saken ni Mama." sabi niya ulet. "Teka, anong pangalan ng dad mo?" tanong niya saken habang nakataas ang dalawang kilay.

"Luke Santiago. Bakit?" sagot ko sakanya medyo naguguluhan. "What?! Luke?!" sigaw niya. "Oo! Bakit?!" tanong ko medyo natatakot sa reaction ni Jamarie. "Teka, ikaw ba yung kinu-kwento saken ni Tita Alyssa na anak niyang kaba-bata ko?" tanong ko. "Alyssa? Yun ang pangalan ng Mama ko." sagot niya. Napaupo nalang siya sa sofa.

Naguguluhan kami pareho pero si kami ang may kasalanan. Why did our parents have to keep this from us? When will they start speaking up?

"So, ikaw ang bestfriend ko dati?" tanong ko. Napatingin siya saken habang nakakunot ang noo. "Ha? anong bestfriend?" tanong niya saken. "Well, sabi kase nila Tita Alyssa, bestfriend ko daw dati ang anak niyang babae." sagot ko. "Pano mo nakausap si Mama?" tanong ni Jamarie saken. "Pumunta siya sa bahay nung isang araw." sagot ko. Tumungo lang siya at natulala ulet sa sahig.

"Well, di ako pinadinala dito para makipag-problem solving sayo." sabi niya sabay tayo. "Nandito ako para bantayan ka." tuloy niya. "Ha? Bantayan?" tanong ko, bahagyang nagre-reklamo. "Oo." sagot niya sabay tiklop ng mga kamay sa dibdib niya. "Reklamo?" taas niya saken ng kilay. Niyugyog ko lang ang ulo ko sakanya.

Lumapit siya saken at itinaas ang kamay niya sa mukha ko. Napailag ako sa gawa niya. "Assumero ka, che-check ko lang kung mainit ka." supla niya saken. Hinawakan niya ang noo ko. "Ang init ah." sabi niya saken. Biglang bumaba sa leeg ko ang kamay niya. Namula siya at biglang inalis ang kamay niya. Natawa nalang ako sakanya. "Check the clipboard for my temperature." sabi ko sakanya. "Ha?" tanong niya. "Sa dulo ng kama ko." I said in a DUH tone. "Ah." tawa niya.

"38.4" basa niya. "Taas ah?" sabi niya. "I thought so." sabe ko. "Buti nga bumaba na." tuloy ko. "Maligo ka na ha?" suhestiyon ko sakanya. "At bakit?" tanong niya sabay taas ng kilay saken. "Ambaho mo na e." tawa ko. Hinampas niya ako sa braso sabay kuha ng gamit sa bag niya at pasok sa banyo.

+++++++++++++++++++++++++++++++

So, sila pala ang dating mag-bestfriend. Will it make everything more complicated or will it stay the same? Bakit tinago ng parents nila ang totoo sakanila? What happened? Bakit di nila maalala? I'm sorry kung medyo boring. But hey, not every chapter can be action-packed. :) Again, vote, comment & follow. ♥ Hope you enjoyed this chapter. :D -Belle ♥

A Player's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon