Agad kong hinanap si Sunny para makuha ang phone ko kung saka-sakaling nasa kaniya nga. Pagpasok ko ng main door ng school, nakita ko siyang naglalakad lang sa hallway.
"Sunny! Teka!" sigaw ko. May mga taong nagtinginan pero di ko na pinansin. "Oh! Jamella, phone mo oh." <--- Yan ang mga salitang ineexpect kong sabihin niya saken. Instead, "Um, yes Ms. Braces?" tanong niya saken. Nakikita ko ang pangaasar sa mga ngiti niya. What? What happened? Ano nangyare at nagkaganyan siya saken agad? Talk about BI. PO. LAR. Nagtawanan ang mga tao sa paligid namin. At napatahimik ako. Nung una, nagtaka pa ako. Pero dun ko lang mismo naintindihan kung bakit biglang nagbago ang pakikirating niya saken. Madaming tao at mga tsismosa. Tumungo nalang ako at naglakad papalayo. Tumingin ako sa likod ko. At nakita kong di niya parin inaalis ang tingin niya saken. Nabasa ko rin ang guilt na nasa mga mata niya.
Mahirap maging unwanted. Masakit. Pero di ako nandito para maging most wanted, popular, noticed or discovered. Nandito ako para mag-aral. Yun at yun lang.
*KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIING*
Bell na kaya nagkagulo ang mga tao sa hallway at nagsi-takbuhan na papunta sa mga classrooms nila. Nabangga-bangga ako pero wala nalang saken yun. Nang maka-balik na sa earth ang isip ko, pumunta narin ako sa classroom namin.
Nasa classroom na ako at dumating nadin ang 1st teacher namin for the day na si Sir Jay. Medyo strict siya pero magaling at marunong siya magturo ng maayos. "Okay class, settle down." saway niya sa mga maliligalig at maiingay na mga kaklase ko. "Bring out your pen and notebook." utos niya saming lahat. Sinunod ko at kumuha na ng notebook ko at ballpen at nagsimula nang magsulat sa notebook ko ng mga sinusulat ni Sir Jay sa board namin.
"Psst." sitsit ng isang lalaki sa likod ko. "Peram ako ng ballpen, Marie." bulong niya saken. Tinignan ko kung sino ang makapal ang mukha kung manghiram. Sino pa nga ba? Si Sam nanaman. tumingin nalang ulet ako sa notebook ko sabay tungo sakanya. "And stop calling Marie." whisper-shout ko sakanya. "Whatever Jamarie." sabi niya. Inirapan ko lang siya at ibinalik ang attensyon sa notebook ko at sa mga sinusulat sa board. Kinuha naman ni Samuel ang bag ko pero di ko nalang pinansin dahil nasanay na din akong ganyan siya.
"What in the world?!" napasigaw si Sam at dahil dun napatingin ang lahat sa kanya. "Bakit?" tanong ko habang nakatingin sakanya. "Uh, wala." sabi niya. Unti-unti nang bumalik ang lahat sa mga ginagawa nila. "Eto oh. Thanks." sabi niya sabay balik saken ng bag ko. Kinuha ko ang bag ko at ibinalik ang attensyon ko sa sinusulat ko sa notebook ko.
"Oh, I almost forgot." sabi niya nang biglang may pinatong na papel sa lamesa ko. Lumingon ako sa kanya. "Ano to?" tanong ko. Imbis na sagutin ang tanong ko, nginitian niya nalang ako at ibinalik niya na ang attensyon niya sa sinusulat. Umayos ako ng upo at tinignan kung ano ang papel na galing kay Samuel. Nung mabasa ko ito ay laking gulat ko. Puro pangalan ni Samuel ang papel at puro mga drawing ng hearts. Nataranta ako. Baka isipin ni Samuel na ako ang nagsulat.
"Samuel! You must know. Hindi ako-Yes Ms. Torres? Do you have anything to share with the whole class?" putol saken ni Sir Jay. Agad akong tumayo. "Sir?" tanong ko. "Panget na nga, tatanga tanga pa." sabi naman ni Amanda kaya nagtawanan ang buong klase. Inirapan ko lang siya. "Come here." tawag saken ni Sir Jay. "A-ako po?" tanong ko habang nakaturo ang index finger ko sa dibdib ko. "Psh, stupid." sabi naman ni Chad. "Yes. You." tungo ni Sir Jay.
Agad naman akong pumunta sa harap at tumabi kay Sir Jay. Itinaas niya ang kaliwa kong kamay at kinuha ang papel na nasa loob nito. Di ko napansin na hawak ko parin pala ang papel na nakita ni Samuel. Nung makita ni Sir Jay ang nakasulat ay nanlaki ang mga mata niya. "What is this, Ms. Torres?" tanong niya habang ihinarap sa buong klase ang papel. Siyempre, nagkagulo sila para makita ang nakasulat sa papel. Sabay nagsi-tawanan naman sila.

BINABASA MO ANG
A Player's Bestfriend
Teen FictionSi Jamella Marie Torres ay simpleng babae lang. "Nerd" kung tawagin. di sila mayaman pero wala siyang karekla-reklamo. Lalo na ngayon at pumanaw na ang papa niya leaving Jam and her mother with a lot of financial problems. What bugs her is kung baki...