Jam's POV
Nagtatawanan lang kami sa tabi ng puno habang nakaen at nagkwe-kwentuhan nang napaidlap ako sa wrist watch ko. "Shit!" sigaw ko sabay ayos ng upo. "Bakit?" tanong ni George. "Baka magalit na si Mama." sabe ko sabay dampot sa body bag kong nasa tabi ng inuupuan ko. "Ah. Tara. Hatid na kita." aya niya saken. "Nako, wag na." sabi ko sabay check sa mga gamit sa bag ko. Tumayo siya at inayos ang mga gamit na dala niya at ibinalik ang mga ito sa loob ng bag niya. "I insist." sabe niya habang bahagyang nakangiti saken. "Fine." I sighed. "Pero kailangan na naten magmadali." sabi ko. "6:14 na pala. I don't want my mom to worry." tuloy ko.
Nang maayos na namin ang lahat ng gamit na dala namin, umalis na kami ng 6:20.
Tahimik lang sa kotse nang bigla siyang magsalita. "Salamat nga pala." simula niya. Napatingin ako sa kanya habang nagmamaneho siya at nakangiti lang. "Saan?" taka ko. "Kase, sinamahan mo ko. And you didn't try to escape." tawa niya. Natawa lang ako sa sinabe ni George. "Well, that was my idea nung una." simula ko kaya napatawa nanaman si George. "Pero, di ka naman pala boring makasama." sabi ko sabay ngiti sakanya. Binalik niya lang ang ngiti niya at nagmaneho na ulet.
After about 10 minutes of driving..
"Nga pala, Jamarie." simula niya. "Baket?" tanong ko. "San bahay nyo?" tanong niya saken. "Ah. Sige, turo ko nalang sayo." sabi ko. Kaya itinuro ko nalang ang daan papunta samen.
Nang makarating na kami sa harap ng bahay ko agad ko nang kinuha ang body bag ko na nasa tabi lang ng hita ko at inikot ito sa ulo ko. "Malapit lang pala kayo samen e." sabi ni George. Napatawa lang ako. "Salamat ah." sabi ko. Napatawa lang siya. "Wala yun." sabi niya. Before pa maging mas awkward ang sitwasyon namin, bumaba nalang ako at pumunta na sa gate namin. Kumaway ako kay George na nasa loob ng kotse niya at gayun din ang ibinalik niya saken. Pinanuod ko siyang magmaneho paalis at pumasok nadin ako sa loob ng bahay namin. Nakadating ako ng mga 6:35.
Pagpasok ko, hinanap ko na agad si Mama sa kwarto niya. At dun ko nga siya nakita. Nakaupo sa kama niya at nagbabasa ng libro. "Mama!" tawag ko sakanya sabay takbo sa tabi niya para hagkan ito. "Oh, anak." gulat niya nang bigla akong yumakap sakanya. "San ka nanaman galing?" tanong niya saken. "Sa labas lang po Mama." pagsisinungaling ko sakanya. Na-guilty ako kase di pa ko nagsisinungaling kay Mama pero sana di niya mahalata. "Ah. Amoy kotse ka ah." tawa niya. "Mama naman e!" sigaw ko sabay tago ng mukha ko sa unan niya. Napatawa si Mama. "san ka ba kase galing talaga?" tanong niya ulet sabay tanggal ng reading glasses niya. "Mama, wag kang magagalit ah?" simula ko sabay tingin sakanya. "Bakit anak? Buntis ka?" pago-OA ni Mama sabay nanlaki ang mga mata saken. Mahina kong hinampas ang unan niya. "Mama naman e! Hindi!" sigaw ko. "Oh, bakit nga?" tawa naman ni Mama. "Promise ka muna na hindi ka magagalit." demand ko. "Fine. Promise." sabe niya. Itinaas ko ang hinli-liit ko at tinitigan siya. Umirap nalang siya at tumawa sabay kabit nalang ng hinli-liit niya sa akin. "Pinky swear." tuloy niya. "Well, kasama ko po si George." sabe ko kay Mama. Dun palang naramdaman ko nang mamula ang mukha ko sa hiya. "Sino yun?" tanong ni Mama habang nakakunot ang noo niya. "Classmate ko po." sabi ko. "Sus. Yun lang naman pala. Akala ko kung ano na." sabi ni Mama sabay lagay ulet ng reading glasses niya at buka naman ng libro. "Di ka galit, Mama?" tanong ko. "Bakit naman ako magagalit?" tanong niya habang nagbabasa. "Ah. Wala." sabi ko. Tumayo na ako at hinagkan ulet si Mama sa pisngi. "Ligo na ako, Mama." sabi ko. "Oo nga. Ambaho mo na e." sabi niya saken sabay halakhak. "Ewan!" sigaw ko sabay labas ng kwarto niya.
Dumeretso na ako sa kwarto ko sa taas at inilagay sa kama ko ang body bag ko. Kumuha ako ng towel sa towel rack at pumunta na sa banyo para maligo.
Pagtapos ko maligo, nagbihis na ako ng pantulog ko. Medyo maaga aga ako matutulog ngayon ah. Pero okay lang para mas mahaba ang tulog ko. Chinarge ko ang phone ko at natulog na. Balak ko pa sanang tawagan si Wel pagkacharge ko kaso, sa sobrang pagod, di ko na nagawa.
+++++++++++++++++++++++++++++++++
Short update, I know. Sorry tho. Pero wait for the next chapter. :) -Belle ♥
BINABASA MO ANG
A Player's Bestfriend
Teen FictionSi Jamella Marie Torres ay simpleng babae lang. "Nerd" kung tawagin. di sila mayaman pero wala siyang karekla-reklamo. Lalo na ngayon at pumanaw na ang papa niya leaving Jam and her mother with a lot of financial problems. What bugs her is kung baki...