[9] Rescue

46 1 0
                                    

Jamarie's POV

I was running through the halls nang may makabanggaan ako. I fell to the floor with a hand on my chest. Tumingala ako sa isang figure ng lalaking matangkad. Medyo malabo pa ang paningin ko kaya di ko siya makilala.

"Sorry." sabe niya sabay abot saken ng kamay niya. "I didn't see you coming." tuloy ng deep niyang boses. Tinanggal ko ang salamin ko then I wiped my tears para di niya mahalata kahit na napaka-obvious nun. Pagtapos ay isinuot ko na ulit ang salamin ko. Inabot ko ang kamay niya at hinila niya ako patayo.

At that point malinaw na ang paningin ko. He was Sunny. I huffed at his presence and tried to walk away. Pero he caught my hand. Humarap ako sa kanya.

"Bakit ka naiyak?" tanong nya saken ng naka-kunot ang noo niya. Hawak niya parin ang kamay ko. Agad kong pinunasan ang mukha ko at itinago ito. "Wala." I said lamely. "Ano ka? Baliw?" tanong niya saken sabay halakhak.

Niyugyog ko ang kamay ko para makawala ito sa kanya. "Excuse me?" tanong ko sabay taas sakanya ng kilay. "Well, you usually cry without a reason?" tanong niya habang naka-lagay sa mga bulsa ang dalawang kamay.

Inirapan ko lang siya at ipinagpatuloy ang lakad ko. Di ko alam kung saan ako pupunta pero I just walked. "Hoy!" habol saken ni Sunny. "San ka ba pupunta?" tanong niya saken habang nakaharang sa daan ko. "Di ko alam." sagot ko.

Dinaanan ko lang siya at lumabas ako ng school. Mabuti nalang at wala pang nagbabantay na guard kase may mga klase pa ang mga tao dito. Baka kumaen lang yun.

Mamaya, naramdaman ko nanaman ang pagtabi saken ni Sunny. Tumigil ako kaya't tumigil din siya. "San ka pupunta?" tanong ko habang nakatiklop ang mga kamay ko sa harap ng dibdib ko. "Kung san ka man pupunta." sabi niya sabay tingin sa malayo habang nakangiti.

"E, di ko nga alam kung san ako pupunta e!" singhal ko sakanya. "Edi, dun din ako pupunta." sagot niya sabay tawa. "Lakas din ng tama mo no?" I said sarcastically. Ngumisi lang siya saken at inirapan ko nalang siya.

Nakakita ako ng makipot na daan sa kabilang street. I thought na baka pwede ko siyang ligawin dun. Tumawid ako at dumeretso sa makipot na daanan. I looked back at nakasunod nga saken si Sunny.

"Alam mo ba daan dito?" tanong niya saken while I was leading the way. Natameme ako sakanya. Di ko alam ang daan na ito. Baka mamaya ako pa ang maligaw. So, di ko nalang niligaw si Sunny.

Nakakita ako ng isang tindahan sa street na napuntahan namin ng dumeretso kami sa makipot na kalsada. "Tara!" sigaw ko kay Sunny sabay takbo papunta sa tindahan. "Pabili po!" sigaw ko. After 5 na sigaw ko, may dumating na babaeng nasa 30s niya. "Ano yun?" tanong niya saken. Bumili ako ng softdrinks at junk foods. Kinapkap ko ang bulsa ko para tignan kung dala ko ang wallet ko.

Kamalasan nga naman oh! Nasa bag ko pa ang wallet ko! "Shit!" sigaw ko. Tumawa si Sunny sa reaction ko. "Ako na." sabi niya sabay labas ng wallet niya. Binayaran niya ang babae at ibinalik nito ang sukli niya.

Umupo ako sa sementong upuan ng tindahan at ganun din si Sunny. Kumaen kami ng saglit. "Onga pala, bakit ka naiyak?" tanong niya saken sabay inom sa softdrink niya. Kumunot nanaman ang noo ko at niyugyog ko nalang ang ulo ko.

"Bakit nga?!" tanong ulet saken ni Sunny. "Di mo talaga alam o pinagti-tripan mo lang ako?" tanong ko sabay taas ng kilay. "Ano bang dapat kong malaman?" tanong niya saken. Mukhang di niya nga talaga alam. "May picture na naka-paskil sa bulletin board ng school." simula ko sabay lunok sa junk food ko. "Nasa picture na yun na para bang maghahalikan kami ni Sam." sabe ko.

Napa-nga nga lang si Sunny. "Totoo yun?" tanong niya. "Hindi no!" sigaw ko. "di totoo na maghahalikan kami ni Sam!" tuloy ko. "E, nasa picture diba?" tanong ni Sunny. "Mukhang maghahalikan lang. Pero hindi talaga!" protesta ko. "Oh, chill." sagot ni Sunny. "Di ako kaaway." tawa niya.

"E, nasan si Sam ngayon?" tanong niya sabay inom. "Ewan ko." I said in a small voice habang nakayuko sa pagkain ko. "Let me guess.." he trailed off. Tumingin ako sakanya with a confused look. "Di siya pumasok letting you face everyone on your own huh?" sabi niya as if na para bang pinaulit ulit niya na ito ng sabe. "Um, ewan." sabe ko.

He tsk-ed. "I knew it." tawa nanaman niya. "E, ikaw?" tanong ko. "What about me?" tanong niya saken looking into my eyes. "Bakit ka sumunod saken dito?" tanong ko. "Kase.." sabe niya. "I find you interesting." sabe niya sabay kindat at kuripas ng tingin.

I looked away. Naramdaman ko kasing uminit ang mga pisngi ko. Ano ba yan, Jam! Ang landi mo masyado! sabe ng isip ko. Nang maramdaman kong tumigil na ang pag-init ng mukha ko, humarap ako sa kanya. "Ako? Interesting?" tanong ko na para bang hindi ako makapaniwala.

"Mhm." tungo ni Sunny saken. Ano ba yan! Ba't ba ako kinikilig?! Sabagay, kung ganito ba naman kagwapo mag-sabi nun saken, di pa ba ako kikiligin?

Kumain lang kami at nagkwentuhan magdamag.

"So, nag-cut ka ng classes?" tanong niya saken. Napayuko nalang ako. Makakasama daw kase ako sa top 5 sabe ng adviser namin. Baka pag nalaman nilang hindi ako nag-attend sa mga klase ko, tanggalin na nila ako.

"Ikaw din naman e!" asar ko sakanya. "It's okay. It's just for one day." sabe niya. "Wala ka sa top no?" asar ko sabay tawa. Tumawa nalang din siya. Gwapo nga kaso di matalino. Pero okay nadin. Gwapo parin naman e. Ngiti ko sa sarili ko.

George's POV

I was in bed then naka-ramdam ako ng pag-uga. "Sir Samuel." tawag saken ng isang babae na maliit ang boses. Numulat ako para tignan kung sino yun. It was our new maid Kyla.

"I'm not going to school." sabe ko. "Pero sir, tawag ka po ni Sir Luke." sagot niya. "Tell him I can't get up." sagot ko. "Okay po Sir." sabe ko kaya't tumungo nalang siya at umalis na ng kwarto.

After a few minutes of shut eye, I heard a knock on my door. "Come in." sabi ko. The door opened and I heard footsteps come near my bed.

"Sam, why aren't you in school?" tanong ni dad saken sabay upo sa upuan ko na ginagamit ko pag magco-computer. "I don't feel good." sagot ko sabay tago ng mukha ko sa unan ko. "You don't feel good or you just don't want to go school?" tanong niya saken. "I don't feel good." I said through gritted teeth.

"Fine fine." sabe niya sabay taas ng dalawa niyang kamay. He stood up from my computer chair and went out of the room. I sighed. He never really cared. I wish mom was here.

I stood up went to my bathroom and took out my thermometer from my cabinet. I took my temperature. After a few seconds, it beeped. 39.2? Really? Ugh.

I placed it back in my cabinet and went out of my room and down the stairs. Ang hirap kumilos. Nahihilo ako at para bang susuka ako. 2 hakbang nalang pababa nang bumigay saken ang mga tuhod ko. Nalaglag ako sa sahig.

"Sir!" sigaw ng 2 maid namin habang patakbo papunta saken. Naka-boxers lang ako at shirt na puti. Inalalayan nila akong tumayo at inihatid sa kusina. Umupo ako sa upuan. "Sir, ano pong gusto nyo?" sabe ng isa naming katulong. "Just orange juice." sagot ko. Yumuko ako then I rested my head on the table.

I felt cold. I didn't know what to do. "Eto po Sir Sam." sabe ng katulong namin sabay patong ng baso sa harap ko. Uminom ako ng kaunti at bigla nalang ako nag-collapse. I fell to the floor. "Sir Samuel!" sigaw ng mga katulong. Then I fell to the arms of darkness.

+++++++++++++++++++++++++++++

Hala. :O Ano na nangyari kay Samuel? Paano na si Jam? :( Sana nagustuhan nyo tong chapter na to. :D Hihi. :) Again, vote & comment. Kung di mo pa ko fina-follow, follow nadin. :D Loveyou all so much! :D -Belle ♥

A Player's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon