Kabanata 1

76 2 0
                                    

Simula na ng College Life ko. Nakakaexcite, pero kinakabahan ako ng bongga!

Gumising ako ng maaga para sa unang araw ng pasukan. Bibyahe pa kasi ako eh. Mahirap na kasing malate sa school, at baka mapagalitan ako ng prof ko,wala kasi akong kaalam alam

Kung ano ang mangyayari kaya mas mabuti na lang na agahan ko.

Nang di naman ako tapunan ng pansin at paratangang LATE Comer.

Ginawa ko na lahat ng seremonyas ko sa umaga within 30 mins. lang.

Naka plain white tank top ako sa loob ng polo shirt kong floral ang design. Mayroon din akong mahabang palda, gypsy skirt ata ang tawag dito. Tapos naka step-in lang ako dahil di naman kita.

Pagsuot na pagkasuot ko ng malaki kong salamin sa mata ay nagpaalam na ako kay Inay para pumasok.

"Nay, papasok na po ako sa school!" sabi ko.

"O sige nak, pakikuha na lang ang baon mo sa may lamesa sa kusina."aniya.

"Opo nay!"

Pumunta na akong kusina at kinuha ko na ang limang puro bente pesos na papel at tiglilimang pisong fifty pesos.

Si nanay talaga, mamimigay na nga ng baon yung mahihirapan pa akong dalhin. Pinilit ko na lang ipagkasya sa maliit kong coin purse ang baon ko.

Para tuloy akong nagpapataya ng jueteng at kundoktor sa perang hawak ko. Anyways, maswerte pa rin ako dahil may baon akong pera kahit papaano.

Di naman kasi kami mayaman. Tamang tama lang ang kinikitang pera ni nanay sa paglalaba

at pagpapatakbo ng maliit naming sari-sari store.

Lalakarin ko pa mula dito sa bahay hanggang sa may sakayan ng bus papuntang school ko, kaya kailangan ko nang bilisan. Kahit medyo maaga pa naman dahil 6:15 am pa lang sa orasan ko, bibilisan ko pa rin dahil pahirapan ang pag aantay at pagsakay sa bus.

Pagkarating ko sa university na papasukan ko, hindi ko mapigilan ang mamangha sa laki nito.

Sementado halos lahat ng daanan maliban na lang sa oval kung nasaan ang soccer field. Naeexcite tuloy ako! Gusto kong humanap ng lugar na pwede kong tambayan.

Dahil masyado ako na amaze sa nakikita ko,halos malimutan ko na na kailangan ko pa palang kunin ang mga class cards ko.

Napakamot na lang ako sa ulo nang nalaman kong di ko nga pala alam kung san kukunin yun.

Lingon sa kanan, lingon sa kaliwa, hayun! may bulletin board, mabasa nga ang nakapaskil.

ATTENTION:

Get your Class cards at the lobby of the Arts and Sciences building!!!

Hinde rin galit yung nagsulat no? puro exclamation eh. So sa arts and sciences ang punta ko, lalakarin ko na lang siguro para mas madaling mahanap.

Habang naglalakad ako,laging naihahangin ang mahaba kong pang manang na palda. Paano ba naman kase ang daming napapadaan na sasakyan nakakabadtrip lang. Palibhasa madaming mga rich kid dito! Eh ako scholar lang naman, sinwerte lang talaga. Di ba nga sabe ko na mahirap lang kami.

Sa pagmumuni muni ko sa tabi ng sementadong daanan, bigla na lang.....

(Splash!!!!!!!)

0.0 Nagulantang na lang ako! Ngayon ko lang narealize na may butas pala ako sa tabi ko at nang may dumaan na sasakyan ahy,.... shet naman! Nabasa at naputikan lang naman ang aking kasuotan!!!

Infairness lang! Di man lang huminto yung sasakyan. Di ba niya nakita na naglalakad ako? At sa pagiging careless niya, ay naputikan ang damit ko!!!

Waaaaaaaaaaaah!!!!

Napakaswerte mo naman Ms. Bianca Natividad!!! First day of classes, and here you are standing looking like shit!!! clap clap clap!!!

Hinding hinde ko kakalimutan ang plate number ng taong yun! Humanda ka!!! CLZ 625!

Paano na ko ngayon?

--------------------------

A/N:sorry sa typo hehhehe. beginner lang po ee.

Fall OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon