Napakaswerte ko at nakilala ko si Yesha. Hulog siya ng langit! May spare clothes siya at pinahiraman niya ako ng shirt.
"Ano ba kasi nangyari sayo at nagkaganyan ka?"-aniya
"Ewan ko ba, napakaswerte ko lang siguro at natapat ako sa maduming tubig at nang may dumaang mabilis na sasakyan ay nagkaroon ng kulay ang suot ko. Di nga lang ka aya aya.!"sabi ko.
"Hindi man lang ba tumigil yung sasakyan? Ani Yesha."
"Hinde." Sabi ko na lang na may kasama pang kunot sa aking noo.
"Ang bastos naman nun! Anong kulay ba? Anong plate no. nung car? Tara report naten!" Sagot ni yesha
"CLZ 625."
Nakakapagtaka lang dahil matapos kong banggitin yung plate no. Nung sasakyan ay nalaglag yung panga niya at medyo natulala siya.
Kinalabit ko na lang siya. "Huy! Yesha! Ano na? Bat tulala ka diyan?"
"Ah... Eh... Lika na kain tayo sa cafeteria, libre ko!!!" Aniya na parang iniiba ang usapan.
Pumayag na lang ako at tumango bilang tugon sa tanong niya.
Masaya ako at may nakilala na ako ngayong first day ng school! Haaaay... Mahirap kasing mag isa.
Dinaanan muna namin ang classcards ko sa lobby bago nagtungo sa cafeteria. 11:00 am pa pala ang 1st class ko ayos na to. Tipid na ko sa lunch para mamaya, yehey!
Nasa kabilang building pa pala ang cafeteria, nakakagulat kase nasa labas ka palang ng building ay alam mo na ngang ito ay mamahalin. Parang mamahaling restaurant ang itsura neto.
Ang dami daming mga estudyante, at puro nakahawak ng mamahaling gadgets. Wow! Grabe, ang yayaman talaga nila. At yung iba nagyayabang pa talaga!
Umupo na lang kami ni Yesha sa isang dulong table.
Grabe naman parang ayaw patalbog ng mga babae dito pagdating sa fashion. At feeling ko puro branded pa lahat ng kasuotan nila.
Kung maka-micro mini skirt sila ay parang wala nang bukas. Kumbaga todo todo na ang bigay nila. Kitang kita na ang mga dapat itinatago.
Medyo may kaingayan dito dahil maraming nagchichikahan tungkol sa mga bagong gadget at fashion style.
"Ganyan talaga kaingay dito Bianca, masanay ka na." Sabi ni Yesha.
"Mukhang ang dami mong alam tungkol sa mga tao dito ah, lalo na sa school."sabi ko na wariy nagtatanong.
"Dito na kase ako nag high school. Halos lahat ng pumapasok dito ay may kaya at sikat sa industriya. Either mga models sila or may ari ng mga kompanya, hotels and restaurants." Aniya.
"Grabe naman pala dito! Nakaka OP ah. Scholar lang naman kasi ako dito, mahirap lang kami. Ikaw Yesha, anong kompanya niyo? O baka modelo ka siguro? Ang ganda mo kasi eh!" Pangiti kong tanong sa kanya. Medyo napayuko siya at bahagyang namula.
"Naku, hinde naman ako sikat na modelo. Pero may ari ang pamilya namin ng isang clothing line." Tugon niya ng may pagmamalaki.
Napatango na lang ako bilang tugon. Nakakapagtaka nang biglang natahimik ang cafeteria. Yung parang wala na yatang mga tao. Kami na lang ba ang tao dito? Lumingon ako sa paligid at halos lahat sila nakatingin sa may entrance ng cafeteria.
Out of curiousity, ay napalingon na din ako. At doon ko nalaman kung ano ang nakaagaw ng atensyon ng lahat ng nasa loob ng cafeteria.
Isang lalaking kay lakas ng dating! Para siyang may aura ni San Gokou! Nakashades siya at naka puting polo na naka unbutton ang nasa kanyang dibdib kaya nakikita ang malaman at maskulado niyang dibdib. Ang tangkad niya at talagang parang Diyos ng olympus ang humulma sa kanyang itsura! Pag tanggal niya ng kanyang shades, para akong nashotgun! Ang mapupungay niyang mata ang tumambad sakin. In short..... ANG GWAPO AT ANG YUMMY NIYA!!!
May mga kasama rin siyang ibang pang lalaking pumasok. Pero siya talaga yung nagstand out ang kagwapuhan.
Sinundan ko pa talaga sila ng tingin hanggang makapunta sila sa kanilang table,nang biglang nagsalita si Yesha.
"Yan ang isa sa mga dahilan kung bakit halos mga mayayaman ay nagpupunta dito sa school na to especially mga babae. Yan ang grupo ni Clark Lee Zaldriaga. Mga habulin at crush ng mamamayan. May kapatid din ako jan yung mukhang koreano na naka checkered polo. Yan si Kuya Paul."
Nakayuko siya habang sinasabe ang lahat ng yon na parang di siya interisado sa aking nakikita.
Nang napasulyap ulit ako sa gawi nila Clark ay kita ko na ang dami nang nakapalibot na babae sa kanila.
"Naku, napakahabulin naman nila. Halos lahat ata dito gusto sila lapitan." Sabi ko na medyo kunot nuo.
"Lalo na yung nakashades kanina. Si Clark yun, acting leader kumbaga. Maraming nagkakandarapa at naglalaway sa kanya, palibhasa mayaman at gwapo." Aniya
"Bakit ikaw parang di ka interisado sa kanila?" Sabi ko
"Maliban sa kilala ko na yang mga barkada ng kapatid ko, ay wala kasing espesyal sa kanila. Ewan ko dahil na rin siguro sa ayaw ko minsan sa ugali nila."
Pinagkibit balikat ko na lang yun at umorder na ng pagkain.
Guwapo nga sila pero, nakakaturn off naman. Mukhang mayayabang eh at masyadong feeling. Hula ko lang ah, baka bungo lang meron sa kanila walang laman ang utak. Wahahahahha
Pagkatapos naming kumain ni Yesha ay nagpunta na kami sa 1st class ko. Magkaklase pala kami ni Yesha sa unang subject ko kaya di ako magisang papasok ngayon.
Wala pa ang prof at bilang palang ang estudyanteng nasa loob. May mga tumatambay naman sa labas at nagpapaganda. May mga nagseselfie at group pics din. Para silang mga tanga, pumapasok lang ata sila sa school para magyabang at magpapansin.
"Ganito ba talaga sa school niyo Yesha? Ang weird ng mga tao!"
"Masanay ka na Bianca, welcome to our world!" Nakangising tugon niya habang papasok kami ng room.
Nagtaka ako at kinilabutan sa sinabe niya. Mukhang magiging challenging ang college life ko. >.<
BINABASA MO ANG
Fall Out
General FictionNasanay ka nalang sa isang ordinaryong buhay na meron ka. Yun bang tahimik,simple at boring pero walang magulo. Akala mo magiging maayos na ang lahat at kaya mong imaintain ang ganoong estado ng pamumuhay niyo. Ngunit isang araw ay dahil sa pagkaubo...