"Ang ganda naman dito!" May pagkamanghang nilibot ko ang isang hardin sa isang palasyo.
Ang daming mga rosas iba't iba ang kulay ng mga ito. May mga huni din ng ibon na tila awitin sa aking pandinig.
Nasa isa akong paraiso...
Tama! At pakiramdam ko malaya ako.
Patalon talon at sayaw sayaw ako habang nililibot ang kahariang natagpuan ko. Ang sariwang hangin ay dumadantay sa aking balat. Ang aliwalas ng aking pakiramdam!
Ngunit, sandali... Parang may mga matang nagmamatyag sa akin.
"Sino ka?! At anong ginagawa mo sa aking hardin?!!!" Galit na tanong niya sakin.
Isa siyang matipunong lalaki na nakamaskara kaya di ko siya makilala.
Natatawa ako sa suot niya. Pang prinsipe kasi, yun bang sa mga fairytales. Pero teka,...
Pagtingin ko sa suot ko ay naka bestida din pala ako. Nakokornihan naman ako sa itsura ko. Ngayon ko lang napagtanto, pati buhok ko. Naka kulot pala... Parang pancit canton.
"Ah... Ehh... Teka lang... Hay-..." Kinakabahan na ko dahil di ko alam ang isasagot ko.
"Ipapatawag ko ang aking mga kawal kung di ka aalis dito!!!" Galit niyang tugon sa kin.
Sayang, mukhang gwapo pa naman sana siya kaso masungit. Hmpt.
"Hayaan mo muna kasi akong magpaliwanag sayo!!!" Nakakainis na talaga di niya ata ako pinapakinggan.
"Aba at wala kang galang sa akin! Mga kawal!!! Dakpin ang babaeng ito at ipatapon sa gitna ng gubat na mapanglaw!!!" Tinuro niya ako at dinakip ako ng mga kawal niya.
"Te.. Teka! Bitiwan niyo ko!!! Isusunbong ko kayo sa nanay ko!"
Kinaladkad pa rin ako palabas ng mga kawal.
"Bitiwan niyo ko! Tulong!!! Tulong!!!"
Naiiyak na ko at nagsisigaw sigaw kahit parang wala naman nakakarinig sa akin.
Pak!!!
At naimulat ko na ang mga mata ko. Ang sakit ng pisngi ko ah, pakiramdam ko mainit at mahapdi na ung pisngi ko.
Nakita ko ang nanay ko na nakapameywang at nakakunot ang noo.
"Sigaw ka ng sigaw eh! Nak naman, basag na yung eardrums ko! Pati mga kapitbahay, ang akala may sinasapian na ng masamang espirutu dito sa bahay naten!!!" Tuloy tuloy at parang may armalite na sinabe ng aking nanay.
Tatalikod na dapat si nanay nang may ipinahabol pa siyang sabihin.
"At isa pa pala.... BUMANGON KA NA DAHIL LATE
KA NA!!!!"
Pagtingin ko sa orasan... Shizz, 7:20am na!!!!
Nagwonderwoman ako at pinilit na tapusin ang seremonyas ko ng 15mins.
Hingal na hingal akong nakarating sa gate ng school. Nagugutom na din ako dahil di ako nakapagalmusal.
Naupo muna ako sa bakanteng bench at magpahinga bago pumunta sa klase ko. Nakakapagod talaga pag tatakbo tas lalakad. Haaaaay, super pawis na kili-kili at singit ko!!!
Ang lagkit lagkit ng feeling ko.
Super Paypay na muna ako sa aking sarili nang may nahagip ang aking paningin na parating.
"Oh shiT! Yung sasakyan paparating. What am I gonna do?! Grabe lamunin na lang sana ako ng lupa or maging invisible. Delikado to baka mamukhaan niya ko." Bulong kong sabi.
And dahil sa papalapit na yung sasakyan ay itinakip ko na lang yung notebook sa mukha ko.
Please, wag kang hihinto sa tapat ko. Wag kang hihinto.
Pero dahil di kami close ng swerte na tinatawag ay huminto sa harap ko ang sasakyan at parang may bumaba.
Parang gusto ko na lang tumakbo o kaya i abduct na lang sana ako ng mga aliens!!! Kahit na ano na!
Ayokong ma expell, pakasuhan, ipa-salvage, at kung ano ano pa.
Nakapikit ako habang tinatago pa rin ang pagmumukha ko sa isang notebook.
May biglang bumaba sa sasakyan na iyon at unti unting lumapit sa akin.
"Ah... Bi? Ayos ka lang ba? Ba't parang may tinataguan ka diyan?" Nagtatakang tanong ni Yesha.
"Ah eh... Wala nagbabasa lang ako... May exam kasi kami mamaya eh." In fairness kinakabahan na ko at di na makapagsalita ng maayos.
"Miss,ang galing mo naman magreview. Kahit na nakabaliktad ang notes mo kaya mo pa rin pala basahin hahahah." Nang aasar na sabi nung isa pang bumaba ng sasakyan.
Di ko agad napansin na may kasama palang sumunod kay Yesha pababa nung sasakyan na iyon.
"Siya nga pala Bi, I want you to meet my brother, PJ." Ngiting sambit ni Yesha.
"Hi! Miss, ----?" Lahad ang kamay nia.
"Bi... I mean... Bianca. Call me Bianca." Sabay abot ko sa nakalahad niyang mga palad.
"Sexy name huh?, di bagay sayo." Patawa pa na sabi ni PJ.
Nakatakip pa din sa notebook ang kalahati ng mukha ko, at mukhang nakaalis na din yung sasakyan kanina. Medyo nakahinga ako ng maluwag knowing na wala namang nakakilala sakin at mukhang hindi naman yata kay PJ ang sasakyan. Unti unti ko ding ibinaba ang nangangawit kong mga kamay.
BINABASA MO ANG
Fall Out
General FictionNasanay ka nalang sa isang ordinaryong buhay na meron ka. Yun bang tahimik,simple at boring pero walang magulo. Akala mo magiging maayos na ang lahat at kaya mong imaintain ang ganoong estado ng pamumuhay niyo. Ngunit isang araw ay dahil sa pagkaubo...