Imbes na pumunta ako sa lobby ay dumiretso na lang muna ako sa cr para ausin ang itsura ko na sa tingin ko'y di na maaayos.
Kitang kita ko ang sarili ko sa salamin na mukhang gusgusin sa kalsada. "urghhhhhh!bwiset talaga!sigaw ko nang biglang nakarinig ako ng boses.
Parang nanggagaling yata sa isang cubicle sa dulo, at parang umiiyak.
Sa di ko malamang kadahilanan, biglang nagsitaasan ang mga balahibo ko.
"Sino yan? Si-sinong nandiyan? Sigaw ko na may halong kaba.
Dahan dahang bumukas ang pintuan sa ikahuling cubicle at may mga mumunting daliring gumapang sa gilid ng pintuan nito.
"Ah... Eeeh sino ka?" Sigaw ko na may halong pagtatapang tapangan.
"Huhuhuhuhuhu...." Yun lang ang narinig ko mula sa kanya... Puro paghikbi.
Nakakatakot na talaga to. Ano bang gagawin ko. Puting puti at parang walang dugo yung daliri niya ah. Ang weird talaga. Pero di pa siya nagpapakita ng buo eh.
Unti-unting lumabas sia sa pinto. Nakalugay ang mahabang mahaba at itim niyang buhok sa harap ng mukha nia. Mukha siyang si .,,..
"AAAAAAAAAAHHHHHH!!!!
SADAKO!!!!!"
Nagsisisigaw na ko sa sobrang takot ko.
Nang biglang nagsalita yung babaeng mukhang si sadako.
"Ang O.A. mo ah. Sadako agad? Ganun ba ko kapangit?" Aniya
Nang umayos na siya ng tayo, ay naaninag ko na ang kanyang mukha. Maganda naman pala talaga siya. Ang puti niya at maganda. More of, para siyang manika. Manikang life size na kalat kalat ang make up sa mukha.
Masyado akong namesmerized sa kanyang beauty kaya napanganga tuloy ako.
Nag snap siya ng daliri sa mukha ko kaya natauhan ako.
"Huy! Anyare sayo?" Aniya
"Ah! Eh, wala! Sino ka ba kase at bat ka umiiyak ng ganyan ang itsura mo. Natakot tuloy ako." Sabi ko saba'y bawi ng aking tingin.
Bumalik sa pagiging malungkot ang mukha niya. At biglang tumungo, suminghap siya ng bahagya bago ulet tumingin sakin at ngumiti ng pilit.
"Ako nga pala si Yesha. "Aniya sabay lahad ng kanyang kamay.
Unti unti kong inabot ang mumunti at mapuputi na medyong basa niyang mga palad.
"Bianca." Sabi ko Sabay ngisi sa kanya.
"Nice name, Bianca. Need some help?"aniya na pilit ngumingiti sa kin.
Napatango at ngisi na lang ako sakanya. Kailangan ko na kasi ng tulong sa ganitong mga pagkakataon.
-------------
A/N: sorry ulet for typo.
God bless
Vote.comment.follow
BINABASA MO ANG
Fall Out
General FictionNasanay ka nalang sa isang ordinaryong buhay na meron ka. Yun bang tahimik,simple at boring pero walang magulo. Akala mo magiging maayos na ang lahat at kaya mong imaintain ang ganoong estado ng pamumuhay niyo. Ngunit isang araw ay dahil sa pagkaubo...