Di ako makagalaw ng normal buong araw. Pakiramdam ko kasi may mga matang nakatingin sa akin. Sana di talaga ako makilala nung may ari ng sasakyan na iyon. Mahirap lang kame at kapag sinampahan niya ako ng reklamo, wala akong maisip na paraan to pay for the damages. Wala kaming pera eh!!!
At dahil late na ako sa una kong klase ay nagpasya na lang akong di ito pasukan. May isang oras pa bago ang next class ko, tatambay na lang yata muna ako sa cafeteria. Umorder na lang ako ng pineapple juice na worth 50php. Grabe ang mahal ng mga benta nila dito nakakainis halos makalahati na yung baon ko.
Napagpasyahan kong magbasa na muna ng notes ko while waiting for my next class nang biglang may umupo sa bakanteng upuan sa harap ko.
"I know what you did yesterday Bi!" He said with a grin on his face.
Si PJ ang mayabang na kapatid lang naman ni Yesha ang nanggugulo na naman sakin.
"Ano bang pinagsasasabi mo huh? And don't call me Bi! Si Yesha lang may karapatang tawagin ako nun!!!" Kunot noo at padabog kong isinara ang notebook na aking binabasa.
"Quite interesting huh. I was just curious bakit mo ginawa yun sa kotseng iyon." Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya dahil doon.
Nalaglag ang panga ko at narealize ko ang tinutukoy niya. OMG! May nakakita sa ginawa ko!!! Lord, gusto ko nang lamunin ng lupa. What am i gonna do now?
Hindi tama to! Think Bianca! Wag kang magpapahuli.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Di ko alam ang sinasabi mo. Wag mo nga akong guluhin.... Nag... Nagrereview pa ko!!!" Dire diretso kong sumbat sa kanya. Sana lang naniwala siya.
"Still denying? Hahahah chill ka lang Bi. Sige tutal naging mabait ka namang kaibigan kay Yesha ay itatago ko ang sikreto mo."
Bumuntong hininga ako at napansin agad niyon ni PJ.
"Alam mo you're funny, coz you don't know how to lie. Halatang halata ka talaga hahahahah." Sobrang tawang tawa niyang sabi sakin.
"Ah.... Eh.... Wala akong-...." Kabado na talaga ang boses ko.
"Right! Let's just keep it this way, ililihim ko yung ginawa mo basta ba mangako ka sa kin na kapag kinailangan ko ng tulong mo balang araw ay tutulungan mo ko. Is it a deal?" Aniya.
"Haaaaay, okay sige. DEAL!" No choice na din naman ako kaya pumayag na ko. Yesha, kung nandito ka lang sana.
Di pa rin yata balak umalis ni PJ sa harap ko. Bagkus ay may binulong pa siya sa akin.
"Alam mo bang galit na galit ang may ari nung sasakyan? Halos makapatay siya ng tao. May sentimental value sa kanya yung car niya at mga kakilala lang niya ang pinapasakay dito. And once na nalaman niyang ikaw ang gumawa nun.... Tzk tzk tzk ztk... You'll be a dead meat."
After that he gave me a wink and walked away.
Tapos ako naman, wide eyed at parang may lockjaw na sa laglag kong panga. Galit na galit yung may ari. Grabe nakakatakot. Di bale,hindi naman siguro magsusumbong si PJ.
Naku mukhang kelangan ko na ang tulong ni Yesha.
<Clark's POV>
Nakakatawa lang talaga pumasok sa school. Paano ba naman kasi, walang araw na di ako pinapansin, pinagnanasaan at pinaglalawayan. Literally, they wanna throw their selves at me Hahahha.
But, I don't take them seriously. Dahil alam ko naman na gusto lang nila ako dahil sa gwapo, mayaman at maimpluwensya ang pamilyang pinagmulan ko.
Kaya ang LoVE? Tzk, wala sa utak ko yan. At di ako naniniwala diyan.
Ay! Nakalimutan ko! May mahal na pala ako. Ang baby ko, si BLUE!!!
Siya ang pinakapaborito ko sa lahat ng sasakyan ko dahil bigay sa kin iyon ng papa ko, noong okay pa kami. Noong di pa siya nagbabago. Noong mahal pa niya si mama.
Nagbago ang lahat sa pamilya ko, nung nalaman ni papa na nagtaksil si mama sa kanya. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni papa,pero ang rejection na patuloy niyang ginagawa kay mama ang di ka magawang tagalan.
Nakatunganga lang ako at nakaupo sa loob ng sasakyan ko habang nag iisip sa mga bagay bagay. Lumayo muna ako sa mga kaibigan ko at sa mga babaeng makukulit. Gusto ko ng tahimik at walang istorbo. I want peace of mind!
Pero habang tulala at nagmumuni muni ako ay may bumato sa harap ng sasakyan ko.
"What the f*ck?!!!" inexamine kong maige kung ano ba yung binato sa windshield ng baby ko at napa palo na lang ako sa manibela ng sasakyan ko.
May isang babaeng mukhang manang manamit na dali daling tumakbo palayo.
"Who the hell is that girl?" dali dali akong lumabas ng sasakyan ko! "Shit! Nobody does this to my baby!!!" Napasabunot na lang ako sa buhok ko nung nakalapit ako sa windshield at tiningnan ang kung ano man ang dumi na nasa akong sasakyan!!!
"Whoever that damn girl is, im gonna find her soon!And i'm gonna make her pay!!!" Pangako ko sa sarili ko.
------
A/N: sorry for the typo
Read.comment.vote.follow
God bless po!
BINABASA MO ANG
Fall Out
Aktuelle LiteraturNasanay ka nalang sa isang ordinaryong buhay na meron ka. Yun bang tahimik,simple at boring pero walang magulo. Akala mo magiging maayos na ang lahat at kaya mong imaintain ang ganoong estado ng pamumuhay niyo. Ngunit isang araw ay dahil sa pagkaubo...