Lumipas ang oras nang kay bilis at di ko namalayan na umaga na pala. So now, I am getting ready to fix myself to go to School. Nagising ako ng maaga, well kung tutuusin hindi naman talaga ako natulog eh. Kinakabahan talaga ako sa first day ng bago kong trabaho. Kahit sabihin pa nating mamayang hapon pa yun magsisimula ay di ko maiwasang mapaisip at kabahan.
I wore my usual clothes, The long skirts and printed blouses. Of course, how can I forget my eyeglasses na nagpapatunay lang na isa akong nerd na mukhang manang tulad ng sinasabi ng soon to be boss ko.
As I was walking down the hall, ay nakita ako ng bestfriend ko and threw me a questioning look. Madali siyang tumakbo palapit sakin.
"What exactly were you wearin right now Bi? Where are the clothes I bought you yesterday?!!" sabi na lamang niya with hands on her hips.
I rolled my eyes at her "hello? You won't expect me to wear those unless it's for work right? At isa pa Yesha, mas kumportable ako dito."
"Fine, Fine! Just wear it later ok? Magtatampo talaga ako sayo pag di mo yung susuotin." then she gave me a cute pout of hers.
The day went on in a blink of an eye. Ganoon kabilis ang feeling ko, parang mas gusto ko na nga lang tumigil na ang oras para di na ko pumasok pa sa trabaho ko.
Parang natatae na yung pakiramdam ko, 5:00 pm na at ilang minuto na lang ay makikita ko na naman ang lalaking dapat kong iwasan but ended up being my boss.
Nagulat ako nang magvibrate ang phone ko, at nang buksan ko ito ay may mensahe galing sa isang anonymous sender.
+6391543*****
-ILL pick you up at the parking lot.
I hit reply and answered the text.
-who is this?
Then I hit send button. Pero ilang segundo lang ay tumawatawag na ang anonymous sender ng text sa kin kaya bigla ko itong sinagot.
"Ah, he...hello?"sagot ko nang bumungad sakin ang sigaw ng lalaki sa kabilang linya.
"Tanga ka ba? Pumunta ka na rito sa parking lot!!! Ako ang boss mo at I don't entertain senseless questions! "
Then the line went dead.
So boss ko yung tumawag? My mouth hanging open, I realized, si Clark yun. Oh My GOSH!!! Di pa ko nakakapagpalit ng uniform ko!
Yeah you heard me right, para kasi sakin ,yung mga damit na binili sakin ni Yesha ay tinuturing kong uniform sa trabaho.
Mukhang kailangan ko na naman yatang gamitin ang pagiging wonderwoman ko . haaaaay!
Clark's POV
I was waiting for almost 15 mins already! Asan na ba yung mangkukulam na yun?! Nakakainis na siya. I swear I'm gonna leave her pag lumagpas pa siya ng 5 mins!!!
Pagkatapos ng 3 minuto ay umayos na ko sa pagkakaupo at nagpasyang paandarin na ang sasakyan ko.
"Bahala siya sa buhay niya! Anong karapatan ng mukhang mangkukulam na yun para pag hintayin ako ng ganito katagal!"
Itutuloy ko na ang pag papaandar ng may biglang humarang sa harapan ko, kaya bigla akong napatapak sa preno.
"What The hell!!!!" Dali dali akong lumabas ng sasakyan para tingnan kung sino ang humarang sa daraanan ko.
"Why are you late?!" sigaw ko sa tangang babaeng matututor sakin.
Sasagot pa sana siya pero inunahan ko na siya magsalita.
"You know what, I don't want to listen to your alibis anymore. Just Get in the car!!!" tinuro ko ang sasakyan ko at dali dali naman siyang pumasok sa likod ng sasakyan.
Napahilamos na lang ako ng mukha ko at napairap sa napakatanga at weirdong babaeng ito. "WHAT THE HELL!!! At balak mo pa talaga akong gawing driver??!!!"
"Ah... ehhh. sir, eh san po ako uupo? Alangan naman po sa gulong sa labas?" aniya na parang kinakabahan na.
"Jeez! Akala ko ba scholar ka?! Dito ka sa tabi ko sa passenger's seat!!!" pasigaw kong sagot sa kanya.
"Sir, sa tta tabi niyo po?" parang nahihiya at namumulang tanong niya.
"Pag di ka pa lumipat dito, I swear sisisantehin kita!!!!"yun na lamang ang naisagot ko sa nakakairitang babaeng ito. Parang walang laman ang utak, scholar ba talaga to?
Dali-dali na siyang lumipat sa may shotgun seat at pinaandar ko na ang sasakyan. Tahimik lang ang buong biyahe pero di ko maiwasang di mairita ulit.
Coz this girl keeps on staring at me. Parang nung inistart ko yung sasakyan ay nakatutok na siya sakin. Nakakakilabot.
"Ibabawas ko sa sahod mo yang pagtitig mo sakin!" natauhan naman siya sa sinabe ko at umayos na ng upo at tumingin sa labas ng bintana.
This girl really is something.
---------------------------
A/N: salamat po sa mga patuloy na nagbabasa nito. comment at vote po pag may time. Sorry sa short UD at boring UD pati na din po sa mga Typo.
God Bless sa lahat.
BINABASA MO ANG
Fall Out
General FictionNasanay ka nalang sa isang ordinaryong buhay na meron ka. Yun bang tahimik,simple at boring pero walang magulo. Akala mo magiging maayos na ang lahat at kaya mong imaintain ang ganoong estado ng pamumuhay niyo. Ngunit isang araw ay dahil sa pagkaubo...