Kabanata 15

40 1 6
                                    

At dahil siya ang makulit na lagi akong binobola... sakanya ko inihahandog ang kabanatang ito ^_^. Thanks sa lahat ng pambobola at medyo naniwala ako Aileen hahahah.

"What was she thinking?! Nakakapikon na talaga, at ang sarap sanang patulan ng babaeng yon!!! Kung di ko lang kailangan ng tutor ay di ako magtitiis sa kanya.

Ang kapal ng mukha niyang pag hintayin ako! Ako na si Clark Lee Zaldriaga! Ang pinakasikat at isa sa pinakamayaman at hinahangaan pa ng lahat ay pagaantayin lang ng isang babaeng mukhang mangkukulam.

Hindi ko alam kung saan napulot ni PJ yung babaeng yun! Nakakairita siya! Lagi niya akong tinititigan lalo na sa sasakyan, kung tutuusin parang kalahati nung biyahe kanina ay tulala siya sakin! Ni hindi ko alam kung may dumi ba sa mukha ko, o may mali, o sadyang napakagwapo ko lang talaga, which is a Fact.

Para siyang tanga na nagmarch na parang sundalo when I said my orders to her. Mababaliw na ata ako sa kakaisip kung sang planeta siya nanggaling!!!

I better get going para matapos na kami ng maaga sa pagtututor niya. Isa siyang napakalaking factor ng stress. And stress is bad for my health.

I changed into something comfortable to wear. Bahay ko naman ito kaya isusuot ko ang gusto kong suotin. I got my books and notes na maaari naming gamitin sa tutorial.

As I was going to open the door in the library, napansin kong hindi ito nasara ng maayos kung kayat konting tulak lang ay makakapasok ka na.

Parang may maingay akong naririnig.

Zzzzzzzzzzzzzzzzz....

Zzzzzzzzzzzzzzzzzz...

Hilik ba yun?! I hurriedly walked inside at hinanap kung saan nanggagaling ang hilik na yun.

Parang sa may couch nanggagaling yung ingay.

Dahan-dahan akong humakbang papunta sa may couch at tiningnan Ang pinagmumulan ng ingay.

"Sumosobra na talaga tong babaeng to!

There she was, lying comfortably on my couch. ON MY COUCH!!! Can you imagine that?!

Nilapitan ko siya at niyugyog para magising. "Hey! Wake up?"

Gumalaw naman siya at mukhang magigising na.

"hmmmmn... Ma, antok pa ko eh."- Bianca

Sabay yakap sa katabi nitong Throw pillow at tumagilid.

"Anong ma ang pinagsasabi mo! Wake up you witch!!" Sabi ko sabay yugyog sa kanya.

I can't believe this is happening. Ang kapal nga naman talaga ng mukha ng babaeng to! Dito pa sa library at sa couch ko naisipang matulog.

Punong puno na talaga ako sa babaeng to.

Dali dali akong lumabas sa library at tinawag ang isa sa mga katulong.

"Manang Carol! Manang Carol!!!?"

"Ser, Ser Clark ano po yoon?" dali dali nitong sabi pagkalabas galing sa kitchen. Mukhang pagod na pagod ito sa pagmamadaling pumunta sakin.

"Manang Carol, pakuha naman po ako ng isang timba ng malamig na tubig ha? Pakibilisan na lang at pakihatid sa Library." Pagkatapos kong sabihin yun ay bumalik ako sa library. Tingnan lang natin kung di pa siya magising sa gagawin ko.

Himbing na himbing pa talaga tong babaeng to ah!Feel at home! Walang ano ano'y dumating na din sa wakas ang pinakuha kong tubig.

"Ser, San ko po ilalagay tong tubig?" ani manang Carol habang pinapasok niya ito sa loob ng Library.

Fall OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon