<Bianca's POV>
Nakakapagod ang araw na to, pero masaya naman ako dahil napasaya ko ang bestfriend ko. Natatawa talaga ako sa inasal niya kanina sa park. Hindi pa pala siya nakakakain ng kahit anong street foods.
Nung una, ayaw pa niyang tikman yung fishball at tokneneng na binili ko para sa amin. Oo! Tama kayo ng narinig.Libre ko kanina, hehehe pambawi na rin sa mga treat niya sa kin. ^_^
*Flashback*
"Ano yan Bi?"ani Yesha sabay turo sa basong hawak ko na may fishball at tokneneng.
"Fishball at tokneneng? Teka nga, di ka pa ba nakakakain neto? tanong ko kay Yesha.
"Ahhh,... Hehehehe" aniya sabay kamot sa batok niya. Naku ang kyut kyut talaga ng bestfriend ko.
"Halika subuan kita netong fishball! Say, Aaaahhhh...." sabi ko sabay tusok sa isang fishball at pilit isinubo sa kanya.
<nguya nguya> siya
"Oh ano masarap ba?" ako
"........." Si Yesha na walang imik at nakapikit na ngumunguya parin.
"Ano Yesha masarap di ba?"
"........" Wala pa ring imik si Yesha at mulat na mulat na ang mata niya.
"Di mo ba nagustuhan? Sige bili nalang ako ng iba!" sagot ko na parang nagtatampo na.
Bigla namang napangiti si Yesha at inagaw sakin ang isang baso ng fishball at tokneneng sabay subo nun nang tuloy tuloy.
"Nagustuhan mo?!!?" sigaw ko sa kanya.
At isang mabagal na tango at ngiti na lang ang naisagot niya sakin.
Nakooo mabuti na lang talaga at nasarapan siya.
"Gusto mo pa bilhan kita?" tanong ko sa kanya nang mapansin kong paubos na ang pagkain niya.
"Ayoko Bi."simpleng sagot niya sa kin.
Teka, akala ko ba nagustuhan niya? Eh bakit ayaw na niya kumain? Hindi naman ganun karami yung binili ko para sakanya ah. "Bakit ayaw mo na Yesha?Busog ka na ba?"
"Hindi naman sa ayaw ko Bi. Ang gusto ko kasi bilihin ko na lang yung buong cart ni manong at iuwi sa bahay."nakangiting sagot niya sakin.
"Seryoso ka?Hindi ata pwede yang gusto mo eh." May saltik talaga sa utak tong babaeng to minsan.
"Ah basta! iuuwe ko yang cart ni manong." pagpupumilit niya.
<end of flashback>
Kaya ayun nga, seryoso nga talagang binili ni Yesha yung cart at iniuwe sa bahay nila. Excited nga siyang umuwe at ipagyabang daw iyon sa kapatid niyang si PJ.Parang baliw talaga iyon. haaaay, atleast medyo nalimutan na niya yung pagaaway nila ng mommy niya at natutuwa din ako dahil napasaya ko siya.
Nauna na umuwe si Yesha kaya ako andito parin sa park at nagpaiwan dahil gusto ko lang muna mapag isa. Gusto ko lang ng alone time with myself, CHAR!
Nandito ako sa isang bench at nakaupo mag isa at pinag mamasdan sa malayo ang isang buong pamilya na masayang nag pipicnic sa damuhan.
"Nakakainggit naman sila." napangiti na lang ako sa nasambit ko. I never had a complete family. Actually, I don't remember having one.
Di ko nga alam kung nasan ang tatay ko eh. Ilang beses ko kaya tinanong si mama pero iba iba ang mga sagot niya.
Sabi niya minsan patay na raw siya, nasagasaan daw ng truck. Tapos nung bata ako sabi ni mama sundalo daw si papa tas pinadala daw sa Lebanon at namatay daw sa pakikipaglaban. Nung highschool naman ako, tinanong ko siya ulit ang sagot niya, inabduct daw ang tatay ko ng mga aliens at dinala sa planeta nila. Kaya ngayon tinigilan ko na ang pagtatanong kay mama dahil alam kong di niya din seseryosohin ang pagsagot sa akin.
BINABASA MO ANG
Fall Out
General FictionNasanay ka nalang sa isang ordinaryong buhay na meron ka. Yun bang tahimik,simple at boring pero walang magulo. Akala mo magiging maayos na ang lahat at kaya mong imaintain ang ganoong estado ng pamumuhay niyo. Ngunit isang araw ay dahil sa pagkaubo...