Kabanata 16

29 1 0
                                    

"Someone's POV"

"Ate, padagdag pa daw po itong dalawang basket para sa labahin." ani Chuchay ang anak ng kapitbahay namin.

"Ah sige iha, iwan mo na lang diyan." sagot ko habang nagtutupi ng mga sinampay na damit.

Hindi na ko matapos tapos sa paglalaba ko at may dumating na namang labahing panibago. ano nga bang magagawa ko, wala naman akong karapatang magreklamo. Mabuti nga at may ikinabubuhay pa kami ng anak ko.

Ang anak ko....

Haaaaay, ang anak ko.... para sa kanya lahat ng ginagawa kong ito.Gusto kong makapagtapos siya ng pag-aaral niya. Alam kong kaya niya iyon dahil isa siyang matalinong bata.

<kriiinggg...kriiinggg...kriiingggg!>

Nagriring ang cellphone ko, matingnan nga kung sino ang tumatawag.

"Hello?" sagot ko.

"Carol...si-"ani nung tumawag ngunit binabaan ko ito ng telepono.

Siya na naman! Kailan ba niya ako titigilan! Umalis na kami sa mundo niya ng anak niya... isang mundong puno ng problema... isang mundong napakagulo.

Nakailang palit na ako ng simcard pero nakukuha padin niya ang contact no. ko! Kung sabagay madami siyang koneksyon... mayaman siya eh!

Kung inaakala niyang mapapabalik pa niya kami sa mundong ginagalawan niya, pwes! Nagkakamali siya. Dahil mas pipiliin kong mamuhay ng mahirap at maging labandera na lang kesa mamuhay mayaman at makipagplastikan at sosyalan.

Mas pipiliin kong mamuhay kami ng anak ko ng tahimik. Poprotektahan ko ang anak ko, ilalayo ko siya sa mundong ginagalawan mo Hector! Kahit ano pang mangyari....

Dito lang kami sa simpleng buhay ni Bianca.

------------------

Monday na naman! Maaga akong gumising at ginawa na ang morning routines ko bago pumasok.

"Nay, pasok na po akong school ah?"sabi ko at nagbeso na sa kanya bago ako umalis.

Papalabas na ako ng pinto nang may pahabol pa siya sa king sinabi: "Nak, wag kang papagabi umuwe ah? At wag makikipagusap sa mga hindi mo kakilala."

Nag approve sign na lang ako at patakbo nang umalis ng bahay.

Nakarating ako sa school ng maaga kaya naman tinext ko muna si Yesha na magkita kami sa cafeteria.

Nagugutom na din kasi ako eh, napagod akong maglakad hehehe. Pasensya na po... Patay Gutom ako eh.

Nauna na akong pumunta sa Cafeteria at umupo sa table for two na pinagpwepwestuhan namin lagi ni Yesha.

Habang nakaupo ako ay naisip ko na naman siya.

"Hmmmmmn, kamusta na kaya yung si Mr. PMS? Galit pa rin kaya yun sakin?" bulong ko sa sarili ko.

Fall OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon