Kabanata 8

35 0 0
                                    

Ubos ang energy ko ngayong araw na to di lang dahil sa klase, kundi pati sa mga problemang meron ako. Ang sakit sakit na sa ulo!

Eto na siguro yung panahong kelangan ko si Yesha.

"Hello?" sabi ko.

"Hello bi! napatawag ka, is there something wrong?" Alam kong may pag aalala sa tono ng boses niya.

"Ah eh, magkita na lang tayo! Gusto ko kase magliwaliw eh. Ayos lang ba sayo?"sagot ko.

"Uhmmm... alright! let's meet at the coffee shop sa labas ng school okay? i'll be there in 5 mins." aniya

"Ok, hihintayin kita. Thanks Yesha. bye!" at agad kong ibinaba ang phone para pumunta na sa tagpuan namin.

Hindi nga ako pinaghintay ng kaibigan ko dahil agad naman itong dumating. Napagpasiyahan na lang naming pumunta ng mall dahil may pinapacheck din ang mama ni Yesha sa isa nilang stores doon.

Naglakad lakad kami sa mall ni Yesha hanggang makarating sa isang puwesto nila.

Isang malaking tatak sa taas ng store ang pangalan na sweet Yesha. Akala ko nga pagkain ang benta nila. Yun pala mga new trends ng mga garments for women,in short... FASHION!

"Goodmorning Ms. Lehman!" sabay yuko ng isang babae na alam kong manager ng store nila.

"Good morning din sau Ms. Castro. Kumusta ang sales naten?" ani Yesha ng may ngiti sa mukha.

"Everything's going smoothly Ms.Lehman. Mataas naman po ang sales natin." Proud na proud na sabi nung si Ms. Castro.

"That's good to hear!So tell me ano yung reason kung bakit pinapapunta ako ni Mama dito?" sabi ni Yesha.

"Ma'am kasi po kailangan daw po ng mga female models para sa bago nating designs." ani ms. Castro.

"Uhmmm, okay, ibigay mo sakin yung criteria." sabi ni Yesha sabay lahad ng kanyang palad.

"Mam,yun nga po ang problema eh." nakayukong sabi ni Ms. Castro.

"Anong problema?" ani Yesha.

"Kayo daw po mismo ang pipili, Sabi ni Mrs. Lehman kailangan daw this week ay may mapili na po kayo para masimulan na daw po yung shoot." walang pasubaling sagot nung babae.

"Ano? haaaay, wala na ata akong magagawa. Sige aalis na kami." ani yesha na may lungkot sa mukha. Sinundan ko na lang siya magmartsa palabas ng store nila.

"Ah Yesha? Bakit ka ba malungkot nang nalaman mo yung pinapagawa sayo ng mama mo?" sabi ko nang di na ko nakatiis pa sa katahimikan.

"Lagi na lang kasi silang ganito, always puting me into test, for pete's sake Bi! 1st year college pa lang ako eh, pero bakit ginagawa na nila akong isang matured business woman!" parang naiiyak na si Yesha sa mga sinasabi niya.

"Halika na nga Bi. Punta na muna tayo sa coffee shop nang makapagusap tayo ng maayos." hindi na ko nakasingit pa sa gusto ni Yesha dahil siya na mismo ang humatak sa akin papuntang coffee shop na sinasabi niya.

Ilang minuto pang ang dumaan at naging tahimik ang paligid. Umorder lamang kami ng tea at isang slice ng chocolate cake.

Nilalaro ko ang aking pagkain gamit ang tinidor ko bago magsalita.

"Yesha, we are friends right?"sabi ko ng may pag aalangan sa boses ko.

"Yup Bi, you can tell me anything you want." ngiting ngiti si Yesha at nakakagaan ito ng loob.

"Ah, Yesh, remember the first time we met?"

Medyo napaisip si Yesha at tumango kaya naman pinagpatuloy ko na ang pagsasalita ko.

"Yung sasakyan kasi na nakatalsik ng putik sa damit ko, yung ano CLZ 625, ginantihan ko nung isang araw." nakayuko kong sinabi sa kanya kaya di ko alam

Kung ano ba ang magiging reaksyon ni Yesha.

"What?!?!!!!" pasigaw na si Yesha na halos napatayo pa sa kinauupuan niya.Kaya naman halos lahat ng tao sa loob ng coffee shop ay napatingin sa dako namin. Dahil naman sa Hiya ay napaupo na lang ulit si Yesha at nagpatuloy sa pakikinig sa susunod na sasabihin ko.

"Relax ka lang naman Yesha pwede? Binato ko lang naman ng putik yung windshield ng sasakyan niya ah. Ang O.A. neto para namang ikakamatay nung may-ari yung ginawa ko." Pagmamalaki kong sinabi kay Yesha.

Laglag ang panga ni Yesha at nang natauhan siya ay bigla niyang sinapak ang noo ko.

PAAKKK!!!!

"Aray ko naman Yesha!" hawak hawak ko ang noo kong namumula na dahil sa pagkakasapuk ni Yesha. May tinatagong brutal na pag-uugali din pala tong kaibigan ko.

"Sa pagkakaalam ko Bi, matalino ka! Kaya nga scholar ka sa school di ba?! Bakit mo ginawa yun? Hindi mo ba alam kung sino ang may ari ng sasakyan na yun?" halos umusok ang ilong niya sa inis sakin.

"Para, gumanti lang naman ako sa simpleng paraan eh. Pero sa tono mo parang pumatay ako ng tao ah. At isa pa, sino ba kasi yung may ari ng sasakyan na yun ah? Anak ng presidente ng Pilipinas?" Nakapagtataka lang talaga at grabe kung makareact si Yesha.

"Si Clark lang naman ang may ari ng sasakyang binato mo ng putik."

"Sinong Clark ba yan?anak ng presidente o general?" parang naghahamon kong tanong kay Yesha.

"Si Clark Lee Zaldriaga ay nag aaral sa school natin. Siya lang naman ay ang sikat na tagapagmana ng Zaldriaga group of Company na nagpapatakbo sa iba't ibang bussiness establishments dito sa Pilipinas as well as sa ibang bansa. May mga sikat na Hotels and Restaurants din sila. ah siya nga pala, hindi General ang papa niya pero may kakilalang General ang pamilya nila kasi maimpluwensiya silang mga tao."

Nganga na naman ako sa gulat ko. At bago pa ako makapagreact sa lahat ng nalaman ko ay may pahabol pa si Yesha.

"Ah, nalimutan kong sabihin sayo, sila rin ang mayari ng mall na kinatatayuan mo ngayon."

Parang gusto ko nalang lamunin ng lupa o i-abduct ng mga aliens at mapunta sa ibang planeta. Isang bigating tao pala ang kinabangga ko humaygassss!!!!

"Oh my.... Yesh seryoso ka? Ganun sila kayaman?"

Tumango nalang si Yesha bilang tugon.

"Anong gagawin ko ngayon? Tingin mo Yesha ano ang pwedeng mangyari sakin pag nalaman niyang ako may gawa nun sa sasakyan niya?"

Biglang lumaki ang mata ni Yesha at napahampas siya sa lamesa.

"Teka, you mean di pa niya alam na ikaw ang may gawa nun?"

"Oo, pero may isa pang nakakaalam." napasimangot ako ng naalala kong binablackmail nga pala ako ng mayabang niyang kapatid.

"Sino bi?????"

"Yung magaling mong kapatid!" mabilis kong sagot sa kanya.

"Si Pj? Haaaay, hayaan mo't kakausapin ko siya nang mapagsabihan na wag na niyang sabihin kay Clark ang nalaman niya." nagpatuloy na sa pagkain ng cake si Yesha.

"Sana lang makinig na siya sayo Yesha." sabi ko habang nagpatuloy na din sa pag-inom

Ng tsaa.

Sana magpatuloy na sa pagiging tahimik ang buhay ko. Ang pagkakaroon ng problemang involved pa ang mga elite sa society ang nasa hulihan ng aking listahan para mangyare pa sakin ngayon. I am not capable of defending myself in times like this.

Papa God, i need your protection at sana wala pong makaalam nung kalokohang ginawa ko. :-(

----------------

A/N: sana may mga maligaw pa na readers sa story na to hehehehe. Salamat sa support nung iba.

Vote.comment.follow

God Bless Po.

Fall OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon