Kabanata 13

34 0 0
                                    

Yesha's POV

"Ms.Castro, sa Sabado na yung shoot so better get the wardrobe ready. And pakicontact na din yung mga photographers."

"Yes, yung dating mga photographers pa din ang gusto ko."

"Okay. Bye."

Kakatapos ko lang kausapin si Ms. Castro tungkol sa magaganap na shoot sa Sabado. Im fixing things right now, isang malaking project launch ang pinahawak sa akin ni Mama kaya dapat ko itong seryosohin.

Dahil nga sa napakawalang kwentang kausap ang kapatid kong si PJ ay di ako makahingi ng tulong sa kanya. Buti na lang at may mga kakilala pa kong ibang female models para umatend sa shoot.

Kailangan ko din palang imbitahan ung bestfriend ko. Kailangan ko ng support system eh.Maarte?! Oo! maarte ako. My mom was never my support system, siya pa nga itong nagpapahirap sa kin eh parang laging galit, eh wala naman akong ginagawang masama. She's always telling me that I need to learn all the things about our business dahil pagdating ng panahon ako raw ang magmamanage nito.

Enough about my sad life!

Ano na nga ba ang nangyari sa magaling kong kaibigan at di man lang nagpaparamdam.

I am trying to reach her by her phone but wala eh, she's not picking up!

I tried calling her again, pero may atribidang pumasok sa room ko ng walang paalam.

"Hello sa maganda kong kapatid!"

Ani PJ ng may pang aasar na ngiti sa mukha.

Seriously? What does he want now. Madami akong iniisip at isa pa di ko makontak yung bestfriend ko. Nag aalala na ko.

As if nagbabasa ng utak si PJ at nahulaan agad ang gusto kong malaman.

"So, I guess you're trying to call Bi. Well my dear sister, sorry ka na lang dahil nasa trabaho pa siya." patalon siyang humilata sa kama ko.

"Oh my! I totally forgot about it! First day nga pala niya ngayon sa pagiging tutor kay Clark. Naawa talaga ako sa kanya. Ikaw! Ikaw kasi ang may kasalanan neto eh!" Binato ko siya ng throw pillow na nahablot ko sa may couch.

"Hey!Will you stop that, I was just helping your nerdy commoner friend to have a decent job. Kailangan niya ng pera, mahirap lang sila at alam mo naman yun di ba?" ani PJ.

May point nga naman talaga siya, pero di ko rin maiwasang mag alala. Paano na lang pag nalaman niya na ang nagbato ng putik sa sasakyan niya ay si Bi. Kilala ko si Clark at halimaw yun pag nagalit lalo na at involved ang paborito niyang sasakyan.

"Okay, i'll stop it, pero promise me na walang mangyayaring masama sa bestfriend ko, or else babalatan talaga kita ng buhay!" I did warn him before pero para mas sigurado uulitin ko ulit.

"Ano ka ba, ano namang akala mo kay Clark? Kakain ng tao? Maniwala ka, magiging safe yun. Interesado na nga akong malaman kung anong mga nangyayari ngayon eh wahahahhahaha" tuwang tuwa siyang nagpagulong gulong sa kama hanggang sa malaglag siya.

"Ouch!that hurt!"aniya

Napaface palm na lang ako sa katangahan ng kapatid ko. As expected, he really wanted some entertainment of his own at ang napili niyang mga characters para sa show na yun ay si Clark at ang bestfriend kong si Bianca.

Bianca's POV

Okay, siya na ang pinaka masungit, suplado at lalaking may regla na nakilala ko sa buong buhay ko!!! Hindi porke't gwapo siya at mukhang masarap. Ay lagi na lang niya akong aalipustahin.

Sinunod ko naman ang gusto niya na magsuot ako ng normal clothes ah. Ang mahal pa nga ng bili ni Yesha sa dress ko na to eh. Ano ba kasing problema niya at puro pang iinsulto ang sinasabi niya sakin.

"Wait for me at the Library. That door at the left corner." yan ang sabi niya nang makarating kme sa may second floor. Ewan ko ba lagi siyang ganyan. Nagcocommand parang militar ba kumbaga!

"Sir, Yes Sir!" sabay saludo ko na lang sakanya. Tutal mukha naman siyang general magcommand.

At nagmartsa ako na parang militar na napapanuod ko sa mga movies. Tuloy tuloy lang ako sa O.A. na pagmamartsa ng marinig ako ng padabog na pagsara ng pintuan sa aking likuran. Paglingon ko, wala na nga yung boss kong general.

Nagkibit balikat na lamang ako at bumaling sa pintuan ng library. I wonder kung ano ang itsura sa loob nito. At para malaman ang kasagutan ay pinihit ko na ang door knob at napagdesisyonang pumasok sa loob.

Pagkasarang pagkasara ko ng pintuan ay nilibot ng mata ko ang paligid ng kwartong iyon at namangha sa king nakita.

"O may paking shete!!!" Akala ko sa beauty and the beast ko lang masisilayan ang ganitong klaseng library pero nagkamali ako, pati pala sa totoong buhay merong ganito.

Buti na lang at wala pa yung masungit at masarap kong boss, kundi baka napagalitan na naman ako. Di ba nga bawal magcomment sa mga makikita sa loob ng mansyon nila. Pero seryoso ang ganda ganda ng Mansion na to, parang modernized na royal castle ang itsura. Naku! pag ako talaga yumaman, papagawa din kami ng nanay ko ng ganito.

Napagdesisyonan kong umupo muna sa may couch na nasa gitna ng kwarto. Ang ganda lang dahil may fireplace pa sa harap ng couch. ang gandang magbasa dito, ang daming books. Binili na kaya nila ang buong library sa Pilipinas at nilagay sa bahay nila? Ni hindi nga ako makapili ng babasahin eh.

Napakakumportable talagang umupo dito, pero parang mas nakakatempt ang humiga.

Hmmmmmmmnnnn.....

Tama hihiga muna ako, wala pa naman si Boss Yummy eh hehehe. Mararamdaman ko naman pag bumukas yung pintuan eh. Sige iidlip muna ako at ifefeel ang malambot na couch na to hehehhe.

Zzzzzzzzzzzzzzzzzz. -_-

------------------------------------------

A/N: Naku, ewan ko sau Bianca, ang tigas ng ulo mo. gudlak sa pag idlip mo ah.

Read read comment vote.

Thank you God Bless!

Fall OutTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon