<Bianca's POV>
Dumating ako ng mas maaga sa school to meet HIM. Kung sinong him yan, syempre ang magaling na kapatid ng bestfriend ko. Sabi niya magkita daw kami sa parking lot para maipaliwanag daw niya ng mas maayos yung trabaho ko.
Nandito na ko sa parking lot ng 7:30 am pero wala parin akong PJ na makita. Nakakainis dahil siya itong nagsasabing maaga kami magkita pero siya naman ngayon ang late. Napakapapansin talaga!
I was alone by myself standing at the middle of the lot nang may biglang tumakip na kamay sa mga mata ko. I tried to remove them nang nagsalita ang may ari neto.
"Hulaan mo kung sino to?" aniya na parang batang gustong makipaglaro.
"Pwede ba wala akong panahong makipaglokohan sayo, kaya tanggalin mo ang mga mababaho mong kamay sa mga mata ko o sisigaw ako ng Rape!" dirediretso at may pagbabantang sinabe ko sa kanya.
Akala ko ay tatanggalin na niya ang pagkakahawak niya pero mas inilapit niya ang sarili niya sakin at may ibinulong sa tainga ko.
"Paano kung sabihin kong gusto nga kitang pagsamantalahan? Anong gagawin mo? Sisigaw ka?hahhahaha wala namang makakarinig sayo dahil tayo lang dalawa ang nandito." nakakakilabot ang boses nung lalaki.
Tama nga siya kahit magsisigaw ako walang makakarinig kasi wala pang mga estudyante dito ni wala pa nga mga sasakyan eh. Oh my! anong gagawin ko. Try ko kayang makiusap.
"Kuya, pakawalan mo na ko please? Bigyan na lang kita ng pera o kahit ano basta pakawalan mo lang ako. Wag mo kong pagsamantalahan ang pagkababae ko kasi para sa taong mahal ko lang ito eh at ibibigay ko lang to pag kasal na kami tapos...."
Itutuloy ko pa sana ang sasabihin ko pero tinanggal na niya ang pagkakatakip sa mata ko at tumawa ng malakas.
"Hahahahhahahahahahhahahahahhahahahhahah"-PJ
"Walangya ka! Ikaw lang pala! Akala ko kung ano nang mangyayari sakin. Tumigil ka nga sa kakatawa! Hindi magandang biro yun ah!!!" padabog kong sagot sa kanya.
"I can't believe naniwala ka sa joke ko hahahhaha. Ang feeling mo talagang babae ka noh? Akala mo naman may mangrarape sayo. hahahha" at nagpatuloy pa din siya sa pagtawa kahit na hinihingal na siya sa kakatawa.
Inirapan ko na lang siya at pinilit iniba ang usapan. " Ano ba kasing trabaho yung papasukin ko ha?!"
"Don't get too excited Bi. Okay, going back to the main reason why I sent you here is kailangan mong maging tutor ng isa kong kaibigan." dirediretso siyang nagsalita kahit namumula pa at halos naiiyak ang mata niya dahil sa kakatawa.
"Okay, sinong kaibigan mo?" natanong ko na lang sa kanya.
"Si Clark Lee Zaldriaga."aniya ng may malademonyong ngiti sa mukha niya.
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang pangalang iyon. Ang pangalan ng iniiwasan kong tao.
"Ayoko! Di ako papayag sa pinapagawa mo!" Sagot ko sa kanya habang sa iba nakatingin dahil ayokong mapansin niyang kinakabahan ako.
"And why not? As far as I can remember hawak ko ang magiging desisyon mo. Our deal remember?At isa pa, its not like may alam si Clark tungkol sa ginawa mo at iiwasan mo ang trabahong alok niya." Dire diretso niyang tugon habang nakapamulsa at may ngising di ko mawari ang gustong ipabatid.
Magsasalita na sana ako nang may idugtong pa siya sa sinabi niya.
"At isa pa, mataas magpasahod si Clark. Mayaman sila. Tatanggihan mo pa ba yun?" Aniya
Tama nga siya kailangan ko ng pera dahil nung mga nakaraang araw ay halos walang kita si nanay sa tindahan at sa paglalaba niya. Wala na nga kami pang ulam at pang allowance ko eh. Ang hirap talaga ng ganito.
BINABASA MO ANG
Fall Out
General FictionNasanay ka nalang sa isang ordinaryong buhay na meron ka. Yun bang tahimik,simple at boring pero walang magulo. Akala mo magiging maayos na ang lahat at kaya mong imaintain ang ganoong estado ng pamumuhay niyo. Ngunit isang araw ay dahil sa pagkaubo...