Naging maayos naman ang takbo ng araw ko. Di na ko nasundan pa ng kamalasan. Isang klase na lang at pupuwede na kong umuwe. Yehey!!!
Sa Zaldriaga Hall ata ung last subject ko. Grabe ang laking building. Sayang, di kami magkaklase ni Yesha, business add kasi ang course niya.
Pagpasok ko ng room ay may mga tao na sa loob. May pamilyar na mukha ang iba sakanila. Sila yata yung mga babae na nakamicro miniskirt at shorts sa cafeteria. Napatingin sila sakin at nakataas ang kilay nila akong hinead to foot.
"May bago na palang fashion statement ngayon? Nakakadiri ah!" Sabi nung naka miniskirt ng leather.
"So true Cara! So eww! Mukhang manang." Sabi naman nung isang naka shortshorts at naka v neck na kita na ang kalahati ng dibdib nia.
Grabe lang ha, naka act pa silang nagbubulungan pero parang sinadya naman nilang iparinig sakin. Well, problema niyo na yan.
Naupo na lamang ako sa harap para atleast makapagconcentrate ako sa pag aaral ko. Tutal yun naman talaga ang ipinunta ko sa prestigious school na to.
Nakaupo na ko at medyo nagiisip kung may ulam na ba kami sa bahay o wala pa ng biglang umingay ang paligid.
"Aaaaaaaaaaaaaaaah"
"Oh Em Geeeee Eeerrrssss! Andiyan na sila Clark!"
Oh. Okay, yung mga sikat na lalaki na naman yata ang usap usapan. Napakibit balikat na lamang ako at nagpatuloy sa pagiisip. Natahimik naman bigla ang klase namin at naramdaman ko na din na may pumasok sa pintuan.
Di ko alam kung guni-guni ko lang ba yun. Pero may tumabi sa katabing upuan ko.
Pero ang mas nakakagulat talaga.
May lalaking inupuan ako!
"Ooops. Haha sorry miss. Di kita nakita. Akala ko may design lang yung upuan." Sabi nung lalaking kasama nila Clark na mukhang chinito.
Seriously? Ganoon na ba ako ka invisible? Di man lang ako napansin na nakaupo?
Hindi lang doon natapos at nagtawanan pa ata ang buong klase.
Inayos ko na lamang ang salamin ko at inirapan yung lalaking naupo sakin. Nakakainis dahil pakiramdam ko ay sinasadya talaga niya yun.
Natahimik na ang lahat nang Pumasok na ang prof namin. Magandang babae ito na medyo may pagkachubby ng kaunti.
"Good Afternoon class, so since its our first meeting ay syempre gagawin natin ang self introduction!" Aniya ng may kataasan ang energy. Parang excited siya kumbaga.
"Parang ang corny naman nun."bulong ko sa sarili ko.
Pati ang mga iba naming kaklase ay nagreklamo din at nag ingay pa lalo. Pero wala din silang nagawa sa huli.
"Okay class. Lets begin at the back part para maiba naman."
Nagsimula nang magpakilala ang ibang nasa likod.
Todo speech pa nga yung mga iba tungkol sa mga hobbies nila at mga interests. Pati na rin ang company at business establishments na mayroon sila.
Puro pagmamayabang lang yata ang nagaganap sa self introduction na sinabe ni Mrs. Quinto.
Dahil sa inis ko at pagbabalewala sa mga nagaganap sa paligid ko ay di ko na namalayan na ako na pala ang mag seself intro.
Walang kagana gana akong tumayo at nagpakilala.
"Bianca Natividad, 16, scholar."
Sabi ko with a straight face.
Maraming nagbulung-bulungan sa paligid ko. Pero kakaiba ang bulungan nila dahil kasing lakas naman ito ng sigaw. Haynako. Puro mga latang walang laman.
"Gosh, kaya naman pala iba ang fashion statement niya! Ang cheap."
"Oh Em Gee. Just another eyesore!!!"
At maraming pang iba.
Buti na lang at pinatahimik na sila ni Mrs. Quinto.
"Class, because it is our first meeting ill arrange your seats randomly. Pero ako ang pipili kung sino ang makakatabi niyo. And also, i want you all wearing decent clothes in my class. Not some sluttish clothes. Is that understood?"ansabe sa mahabang speech ni mam.
"Hahahahah buti nga sa inyo. Ang aarte kasi!"- pabulong bulong ko na lang sa sarili ko.
Ang daming umalma sa sinabi ni mam Quinto. Latest fashion daw sinusunod nila, kesyo ayaw daw nila maging boring tingnan. Atbp... Etc... Etc....
Wala din naman pinakinggan si mam at nagpatuloy lang sa pagsasalita.
"Next meeting ko na aayusin ang seating arrangement. Okay class, you may go now." Sabay ngiti sa amin na parang walang nangyaring di maganda.
Sabagay wala naman talaga hahahha.
Nagsialisan na yung mga ibang kaklase namin, yung iba naman ay nagpaiwan pa.
Sa wakas! Makakauwi na din ako!!!
Sobrang saya ko kaya nagawa kong magskip habang naglalakad. Di ko na tuloy namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada.
"BEEP BEEP BEEEEEEP......!"
"Ay kabayo!"Sa gulat ko at napaatras ako pagkasabi ko non.
Pero imbis na tulungan ako nung sakay ng kotse ay patuloy siya sa pagbusina sakin. Kaya literal na lamang akong gumapang papuntang gilid kung san safe ako.
Isa lang ang napansin ko bago umalis yung sasakyang iyon.
CLZ 625
"Urgggh! Walangya ka! Kung sino ka mang sakay ng kotse yan humanda ka! Magagantihan din kita! Ang bastos mo!!!" Patuloy kong sigaw kahit alam kong di naman niya ako maririnig.
Akala ko di na ko mamalasin, pero nagkamali na naman ako!
What a day!!! Hindi nga naging boring, perwisyo naman!
--------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: Sorry sa Typo.
READ.CoMMENT.VOTE
Salamat :)
BINABASA MO ANG
Fall Out
General FictionNasanay ka nalang sa isang ordinaryong buhay na meron ka. Yun bang tahimik,simple at boring pero walang magulo. Akala mo magiging maayos na ang lahat at kaya mong imaintain ang ganoong estado ng pamumuhay niyo. Ngunit isang araw ay dahil sa pagkaubo...