Chapter Two: The Masquerade Party

56 3 4
                                    

Ang pinakagusto ko sa Papa ko pagdating sa mga social gatherings ay ayaw niyang nasasangkot ang pamilya namin sa mga issue. Kaya sa tuwing may party ay ginagawa niya itong "Masquerade Party", isang klase ng pagdiriwang na gumagamit ng mask ang lahat ng mga kasali sa okasyon.

ang dami kong nakikitang mayayamang tao mula sa Veranda.... andyan na kaya siya?

"Angela!! ano ba?! bumaba ka na nga dyan! malaglag ka pa ako pa may kasalanan! at marami nang taong nag aantay sa'yo sa baba!!!"

“Hindi ba pwedeng mamaya na lang bumaba?” saad naman niya na may kahalong irita…

“Alam mo, kahit naman bumaba ka sa garden ay walang makakakilala sa’yo dahil sa maskara mong yan… and I’m pretty sure na hindi naman i-aanunsyo ang itsura mo ngayon ni papa dahil ayaw niya na ipinapakita ang mukha mo sa publiko… bagay na kinaaasar ko…”

“nagtatampo ka pa din ba dahil tago pa din ang itsura ko sa publiko habang ikaw naman ay hirap na hirap makitungo sa mga paparazzi at reporters sa labas ng gate??” pang-aasar ko lang

“Haha, nakakatawa!!!” sarkastiko naman niyang sagot…

Pero siyempre hindi naman ako pwede talagang maglagi dun kaya pagkatapos anunsyohin na ang umpisa ng party ay bumaba na din ako…

Grabe ang dami ng sikat na tao… naroon ang tatlo sa mga senador, mga sikat na artista, mga tanyag na tao sa iba’t ibang larangan, gayon din ang mga businessmen na nagsama-sama sa gilid na mukhang puro negosyo pa din ang nasa bibig…

Namataan ko ang upuan kung saan nakapuwesto ang angkan ng mga Smith na kausap ang papa ko…

Naroon ang nakababatang kapatid ni Lawrence na si Ronald, gayundin ang kuya nitong si Ralph kasama ang asawa nito… naroon din ang mga magulang niya… pero bakit wala ang fionce niya dun?

Tama namang tinawag siya ng papa niya at pinalapit sa kanila…

“Kumpadre, ang iyong inaanak” pambungad ni papa

“Aba! Angela! Iha! Talaga nga naman palang napakaganda ng iyong anak Bernardo…” saad ni Tito Leonard, ang papa ni Lawrence

“Bagay na bagay talaga sila ni Lawrence…” singit naman ng asawa nitong si Alena

Itatanong ko na sana kung asang lupalop si Lawrence pero siningitan na naman ako ng papa ko at hindi na ako nakapagsalita muli…

Tinungo ko na lamang ang Gazebo na medyo may kalayuan sa garden dala ang isang bote ng wine… siguro naman mapapahinga ako dito dahil mukha namang wala talaga ang Lawrence na iyon sa party… at sure naman din akong walang Paparazzi sa loob ng lupain namin…..

Gustong gusto ko talagang titigan ang mga bituwin sa langit, pati na din ang buwan, lalo na’t kung ito ay buo na buo at bilog na bilog…

Maya maya ay may narinig siyang ingay mula sa lapag, pagtingin ay may isang lalaking nakatayo na malapit sa kanya… hindi niya alam kung sino ito dahil sa maskara nito at dahil na din sa tagal niyang nawala rito…

“Sino ka?” takot na tanong ko…

“Don’t worry, hindi ako masamang tao, sa katunayan isa ako sa mga bisita sa party… ” saad ng estranghero

“Pansin ko nga dahil sa suot mong maskara…” iritado kong komento

“Ano nga pala ang ginagawa mo dito? Hindi ka ba natatakot at baka may gumawa sa iyo ng masama rito?…”

“Hindi naman, dahil alam ko namang ang seguridad ng lugar na ito” sabay tunga sa iniinom na wine…

“Siguro may problema ka, tama ba ako?” saad na naman ng binata

“pag umiinom ba may problema agad yung tao?!”

“wala naman, pero kalimitan ay iyon ang dahilan, since hindi ka naman mukhang Masaya at wala kang kasama dito…”

Sa sobrang irita niya ay uminom na lamang muli siya at binale-wala ang sinabi ng lalaki…

“Baka pwede kitang matulungan sa problema mo…”

“Paano mo naman nasisigurado na matutulungan mo ko?”

“Baka lang, since hindi mo ko kilala, hindi din kita kilala… pwedeng pagkatapos ng gabing ito, umalis tayo at bumalik na sa mga bahay ng maayos na parang walang nangyari… pwedeng nabigyan pa kita ng advice…”

“Kung sa bagay tama ka… Hindi ko alam kung dapat magtiwala ako sa iyo, pero sige, Ita-try kita!”

Infairness, nakatulong nga ang anonymous person na ito sa problema ko, although di ko talaga inilahad dito kung sino ba talaga ako since napagsabihan na  gawing pribado ang lahat nang sa mga Suarez… Pero bakit parang ang dali ko ata magtiwala sa kaniya, na para bang matagal na kami magkakilala? Di bale, siguro ay pwede ko siyang gawing kaibigan pagkatapos nito, tutal ay pwede kong sabihin na naging malaki ang naibigay nitong advice…

Naging masaya si Angela sa piling ng estranghero… na kung titignan sa malayo ay para silang matagal na magkaibigan na ngayon lamang muli nagkita, hindi nila namalayan na nalalasing na din pala ang pareho…

“I think it’s time na tumigil na tayo, mukhang lasing ka na eh…” sabi ng binata

“At sino may sabi niyan?!” sabay tayo ni Angela “May lasing bang nakakatayo ng maayos?”

“Okay, sige, hindi ka na lasing” natatawang sabi ng binata

Kaso nang umpisahang maglakad ni Angela ay natalisod ito, ngunit nasalo naman ito ng lalaking katabi niya…

Nagtama ang mga mata nila at nagkatitigan, saka lamang binigyan siya ng lalaki ng isang masuyong halik…

Hindi niya alam kung tama ang ginagawa niya lalo na’t alam ng lalaki na may pakakasalan na ito, hindi kaya isipin nitong ganun siya kadaling tuksuhin?

Pero hinayaan na lang niya ito, dahil nakakaramdam siya ng kapanatagan at kaligtasan mula rito…

Natauhan na lamang siya nang tumigil ang lalaki at humingi ng paumanhin sa kanya…

Akmang aalis na sana ito ngunit pinigilan niya ito…

Hindi din niya alam kung bakit niya ito pinigilan, pero nakapagsalita pa rin naman siya…

“Please, wag ka munang umalis” mangiyak ngiyak niyang sabi

“I’m sorry pero kailangan na”

“Can I at least know your name?”

“My apology but I’m already engage and I’m nearly getting married… So please forget me”

Pagkasabi niyong ay binigyan siya nito ng isa pang masuyo at matamis na halik…

At muli ay umalis na ito at iniwan siyang nakatayo…

Napansin ni Angela na naiwan ng lalaki ang panyo nito kaya pinulot niya iyon at pagtingin sa panyo ay nakita siyang initials dito…

A.S.

Sino kaya ito?

Guardian Angel for a BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon