CHAPTER 11
Grabe… ano kaya ang nasa isip ni kuya ngayon… nakita ba talaga niya yung ginawa ko kanina? I hate myself! Bakit ko pa kasi ginawa yun eh! >.<
“Angela… may tanong ako sa’yo at gusto ko aminin mo at sabihin mo yung totoo…” sabi ni kuya…
“A-ano ba yun kuya?”
“…” kinakabahan ako dito ah o.o
“Sa tingin mo… May gusto pa kaya sa akin si Mik?”
…….
Toinks! >.<
Akala ko pa naman makakaabot na ko ng sermon!
“Ah… Siguro naman no… Kung nakita mo lang yung mukha niya nung magkita ulit kayo…”
“Talaga?... Kaso… baka hindi din… Inaantay na lang naman niya kasi yung lalaking pakakasalan niya eh… Sa pagkakaalam ko, malapit na daw”
“Ang drama mo kuya… Alam mo… kung di mo siya mapansin pwes kami napapansin namin… Tsaka maniwala ka dapat dahil nagtatanong ka di ba?”
“Sige… Salamat…”
Grabe! Muntik na kami dun ah! Thanks po at hindi kami nahuli! XD
Kinabukasan, maaga akong nakarating sa mansion ng mga Smith… Pagkatapos kong dumaan kay Tito Leonard, ay dumeretcho na ko sa kwarto ni Lawrence… Kaso may bwisit na maid nila na sinundan ako at pinipigilan ako sa ginagawa ko…
“Seniora… Hindi po kayo pwedeng pumasok dyan sa ganitong oras…” habol sa akin nung maid
“Ano?! Bakit naman?”
“Kasi po ano… ahm… Natutulog po kasi si Master Lawrence ng naka underwear lang…”
“Ayos lang… Nakita ko na naman siya na nakatapis lang eh”
“Pero… ano po eh… Mahimbing pong matulog si Master Lawrence, mahirap po siyang gisingin”
“I can manage to wait!” Ayaw niya talaga akong palapitin kay Lawrence ah!
“Pero ano po eh, kakatulog lang po ni Master Lawrence eh”
“Ano? I’ll teach him a lesson!”
“Please Seniora! Bawal po talaga!”
“Bakit mo ba ‘ko pinipigilang gisingin siya?!”
“Kasi nga magiging monster na naman siya…” sabi ng isang boses na sobrang pamilyar sa akin…
Paglingon ko nakita ko si Ronald na nakatayo dun sa gilid ng isang pinto at nakangiti
At syempre… Gwapo pa rin ang loko XD
“Ronald… Ikaw pala… Ano ulit yung sinasabi mo tungkol sa kuya mo about him being a monster?”
“Nagiging monster siya kapag ginigising siya o sinisira mo yung tulog niya… lalo na kapag kakatulog lang niya…”
“Oh… ganun ba…”
“Habang inaantay mo si kuya… Magkwentuhan naman tayo… simula nung dumating ka wala pa tayong disenteng oras para mag-usap eh…”
“Sure… kaw pa…”
At nagpunta kami ni Ronald sa may Balcony ng 3rd Floor… Syempre may kasunod ng dala ang mga maids ng juice at sandwich…
“Thanks for stopping me … Kung hindi mo siguro ako napigil naku…”
“I just did that for benefits… kapag nagiging monster kasi yun, pag-iinitan na naman niya ako eh… magsasalita siya ng kung anu-anong mga salita at mas worse pa dun, pwede akong saktan…”
BINABASA MO ANG
Guardian Angel for a Bride
Teen Fictionfirst part of the story Angela tells about everyone in her life She tells about the story on how she will manage to cope and defend her feelings for the guy she really hates to be her husband but unfortunately, it ended on the aisle and the nursery...