Isang butler ang nagaantay sa isang plane port... nang makarating ang plane ay pumunta na siya sa paanan ng plane at inantay ang babaeng pababa na rito...
" Butler James!!!" ang natutuwang sabi nung babae...
" Hola Seniorita!!!" bulalas naman din ng matandang butler...
" It's good to be back... asan nga pala si papa?" naitanong ng babae nang maalala ang ama...
" well... alam mo na..." nahihiyang sagot ng matanda
" hindi makapunta kasi may business meeting? nah! It's alright! atleast hindi mo ginagawa ang ginawa sa akin ni Papa" pagkatapos sabihin ay napabuntong hininga ang dalaga
" Bakit ko naman gagawin na iwanan ang nag-iisang pinanganak na babae ng Suarez Family na pinaglilingkuran ko na simula pa sa umpisa? Angel Face?" pagmamalaking sabi ng matanda
" Angela na lang po! mas maganda pa!!" singit niya sa matanda...
" ok sige! pero tara na at bumalik sa inyo, you don't want to have a Jet Lag on your own party?"
" Party, hhmm... pupunta ba ang mga Smith?" nagtatakang tanong niya
" I think so Seniorita..."
" hindi ba pwedeng di na lang ako sumipot sa party?"
" Sa sarili mong party? I don't think so... wag ka mag-alala! kung iniintindi mo na baka makita mo si Senior Lawrence, Masquerade party naman iyon... narinig ko din na meron ata siyang importanteng gagawin mamayang gabi kaya baka di makapunta..." saad sa kanya ng matanda
" talaga po?? ok sige... pupunta ako!!" at sumakay na sa isag limousin si Angela...
Hello! Sorry kung late ang pagpapakilala ko sa sarili, ako si Maria Angela Gabriella Juliana Suarez... haba ng pangalan ko no? ang papa ko kasi ang nagpangalan sa akin. Tinanong ko siya kung bakit ganito yung pangalan ko ang sabi naman niya siguro daw ay dahil sa sobrang tuwa dahil sabi nila sa buong history ng angkan ng Suarez ay ako lang daw ang nag-iisang babaeng ipinanganak. Kaso sad to say ako din ang dahilan kaya nawala ang mama ko sa mundo. Dahil namatay siya nang ipinanganak ako.
Angela ang pwede niyong itawag sa akin, pero ang pamilya ko madalas akong tawaging Angel Face kahit na ayoko...
Ang kuya kong si Angelo ay sabihin na nating nangunguna sa pagtawag sa akin nito. Ano itsura niya? well perfect masasabi ko... Matangkad, Mestizo, Matangos ang ilong, matalino, magaling sa kahit anong bagay lalo na sa music at sports, magaling magluto, at kung anu anu pa! kung di ko lang siguro to kapatid ay niligawan ko na siya dahil sa sobrang sweet at caring niya kaya nagtataka ako kung bakit wala pa siyang girlfriend eh... Although lagi ko siyang inaaway ay ayos lang sa kanya. Kaso syempre pag sumobra na ay nagagalit na ito... Thankfully at wala pa itong asawa kaya kasama ko siya lagi at walang siyang iniintinding iba kundi ako...
sa father ko naman ay ayos lang, sa kanya ko nakuha ang Spanish blood ko kaya dagdag ito sa appearance points ko. pero hindi ko na siya masyadong nakakusap simula nung pag alis ko sa bansa, naging busy na talaga siya sa work. Ayos lang naman sa akin yun. Kaso isa lang ang dahilan kung bakit ako umalis at kung bakit medyo galit ako sa papa ko.
ang pagplano niya sa magiging kapalaran ko... meaning pagpili ng mapapangasawa ko!
Dahil sa isang kasunduang ginawa ng Suarez Family sa Smith family ay napagpasyahan nilang ipakasal ako sa apo ng may ari ng Smith Corporation, kung ang Suarez Corporation ay isa sa mga malalakas sa ilang bansa, pwes ang Smith ang nangunguna sa lahat ng bansa. Kung gusto mong swerte oo swerte kaso kung makasama mo siguro ang apo niya pwes di ko masasabing swerte...
Mark Lawrence Arkin Smith o mas kilala sa tawag lang na Lawrence...
Siya ang mortal kong kaaway simula pa pagkabata.
Oo, Para siyang kuya ko pagdating sa physical looks, although grey ang mata niya at may lahi silang british, pero ayoko yung ugali. Dahil sobrang lamig niya kung makitungo sa akin. Sinumpa ko talaga sa sarili ko na hinding hindi ako makikipag kaibigan sa kanya dahil sa pagmamaliit niya sa kakayanan ko. Kaso naglaro ang tadhana at napagpasiyahan nila na sa amin gawin ang naudlot nilang ugnayang pag isahin ang pamilya namin. Kaya eto, pinapunta ako sa London para mag aral at paghahanda daw sa maginiging buhay ko kasama ang lalaking to...
ngayon uumpisahan ko na ang buhay ko...
to be continued...
BINABASA MO ANG
Guardian Angel for a Bride
Teen Fictionfirst part of the story Angela tells about everyone in her life She tells about the story on how she will manage to cope and defend her feelings for the guy she really hates to be her husband but unfortunately, it ended on the aisle and the nursery...