Natapos ang gabi, pero kahit lasing si Angela ay hindi pa din siya nakatulog… hanggang mag umaga nakaupo lang siya sa kama niya at nakatitig sa panyo… ang panyo ng taong minsang nagpatigil din ng ikot ng mundo niya… ang taong nagpasaya sa kanya ng isang gabi… nang biglang may kumatok sa pinto…
“Angela? ... Hindi ka pa ba bababa?! Hinihintay ka na naming ni papa sa lamesa!!!” Si kuya pala ang kumatok…
“Ayoko pa… di pa ko gutom…”
“No! Unang araw mo dito… at ang pagkakaalam ko hindi mo pa nakakusap si papa ng masinsinan simula nung makarating ka rito…”
“Pero ayoko tal-!”
“Wala ng arte pa Angela!! Tumayo ka na nga dyan! Alam mo namang walang kakain sa atin hanggang ang lahat ay nandun na! Butler James had called you so many times!!! Gutom na gutom na kaya ako!!!”
“Sige na!! bababa na!”
Pinaka ayoko sa lahat nakikipag-away kay kuya sa umaga, dahil wala talaga akong laban sa kanya, lalo na pag gutom siya…
Pagkarating nila roon ay nakita niyang nakaupo na ang kanyang papa sa may long table at halatang may inaantay itong tao… kaya umupo na lamang siya sa kaliwa ng papa niya habang ang kuya naman niya ay sa kanan…
“Buena’s Dias mi Papa” syempre ako na ang bumasag sa katahimikan ng papa ko
“Buena’s Dias…” nagbabasa siya ng newspaper at di man lang ako nilingon!! Pero nakaramdam ata na nandun na ako kaya bigla na lang pumutok ang tambutso niya…
“Angela! What happened to you last night?! You disappeared in the eyes of many!! Alam mo bang hinahanap ka ng mga Smiths dahil pagkatapos kitang ipakilala ay nawala ka agad!” galit na saad ni papa
Sabi ko na nga ba eh, sa mga Smiths na naman ang bukambibig ni papa… Kung di niya kasi ako siningitan malamang nakipagkwentuhan pa ko sa kanila di ba?
“Sorry papa, napagod kasi ako kaya naisipan ko nang magpahinga… Alam niyo na, meron pa din akong Jet lag kahapon at di ako nakapagpahinga ng maayos bago ang party…”
Well at least medyo naging maayos na ulit ang tono ng pananalita ni papa…
“Ganun ba? … So have you met him??” sabay tingin sa akin si papa
“Meet who?” taka ko namang tanong
“Who? Of course! Sino pa ba edi yung Fiancé mo! Si Lawrence Smith!!” sabay tingin sa akin si kuya Angelo
“What?! Nandito siya kagabi??!!”
“Nandito si Lawrence kagabi…” singit ni kuya
“No Joking?” Tanong ko habang nagpapanic
“Nandito nga siya! Natapos daw ng maaga ang meeting niya kaya naka attend siya sa party mo… Don’t tell me hindi mo siya nakita kahapon?!” nag panic din ang kuya ko…
Gusto ko yung ugali niyang yun! Na pag nagpanic ako pati siya napapa panic n_n
“Hindi ko naman alam na nandito siya kagabi ah! And I don’t even know what he looks like right now!” defensive ko namang sagot…
“Well… hindi mo rin masisisi si Angela papa… She last saw him when she was still 7 years old bago niyo siya pinapunta ng London… it’s been 18 years since the day she saw him… at maliit pa sila nun…”
“Tama!!!” todo support talaga sa akin kuya ko!!! :D
“Well add another year to that…” balik na naman ang tatay ko sa pagiging terror!! >.<
![](https://img.wattpad.com/cover/1223222-288-k826587.jpg)
BINABASA MO ANG
Guardian Angel for a Bride
Teen Fictionfirst part of the story Angela tells about everyone in her life She tells about the story on how she will manage to cope and defend her feelings for the guy she really hates to be her husband but unfortunately, it ended on the aisle and the nursery...