Nagising si Lawrence mula sa pagtulog niya… pagkatapos kasi nung nangyari ng nagdaang gabi ay di agad siya nakatulog at napag-isipan na lang na uminom sa mini bar nila sa bahay...
“Ohw! Ang sakit nang ulo ko grabe! … anung oras na ba?” tumingin sa wrist watch niya “Oh no!”
Sabay tayo at nagmamadaling bumaba ng hagdan papunta sa Dining Table nila…Nakita niyang kumakain na roon ang pamilya niya. Kaya naisipan na lang niya umupo na sa tabi ni Ronald…
“Oh, gising ka na pala… Akala ko di ka babangon eh… Good Morning!” Pambungad ng Mommy niya na si Alena…
“Morning mom…” sabay abot ni Lawrence sa tinapay…
“Your flight today is 2 o’ clock in the afternoon… you might forget about it…” singit naman ng Daddy niyang si Leonard…
“Don’t worry dad… di ko po nakakalimutan yun…”
“Bakit ba si Lawrence ang ipapadala niyo sa Japan at hindi ako dad? Kaya ko naman yun ah! And I can handle it very easy!!!” pag protesta naman ng kuya niyang si Ralph…
“Alam ko yun Ralph, but Lawrence also needs experience on holding this things like that… so I will send him… hindi ka na bago sa mga ganitong bagay pero dahil bago siya rito kaya siya naman ang pinadala ko… di ba ikaw naman ang pinapunta ko noon sa New York? Nakita ko naman na kaya mo na agad eh…” sabay humigop ng kape si Leonard…
“Ako na lang papunta!!!” taas kamay na sinabi ni Ronald
“Oh no you don’t! Ang bata-bata mo pa! Baka nga mawala ka pa dun eh!” Protesta ni Alena
“Bata?! Oh Come on! Mom! I’m already 25 years old! Do I still look like a kid to you?!” iritadong sabi ni Ronald…
“Yes you are! Since ikaw ang bunso kong Anak!”
“Oh Come on!”
“Anyway… Lawrence, nagkita ba kayo kagabi?” tanong ng Daddy ni Lawrence sa kanya
“Who? Angela Suarez? Nah… sa tingin ko tinataguan ako ng babaeng yun sa likod ng maskara niya eh…”
“What kind of a Fiancé are you? Hindi mo naman siya hinanap! Then now, you won’t even see her for another year!”
“Makikipagusap ako sa kanya kapag gusto na niya ko makita at makausap… Ayoko naman pilitin siya sa ayaw niya… Pero ever since na nakarating siya kahapon, she just hides behind the shadows or somewhere else!”
“If you don’t want to marry her… pwedeng balik mo na siya sa akin? Ibigay mo na lang siya sa akin ha?” Komento naman ni Ronald sa sinabi niya…
“Sure… Kayo naman ang magkasundo di ba? Sa iyo na lang siya…”
“That’s enough! Ronald tumigil ka nga sa mga kung anu anong sinasabi mo, at ikaw naman Lawrence! What kind of sayings are those? It’s like gambling your own Fiancée!” pagpigil ng mommy nila
“But isn’t it obvious that you also gambled your son’s life just to have connections to the Suarez Corporation?” sabat ni Lawrence na naninisi
“Hey! Watch your mouth!” singit ng Daddy niya “Kahit naman na ayaw ka naming ipakasal sa kanya, you still need to marry her… A Smith never-!”
“Never broke a promise to anybody even if he dies! Okay! Okay!” galit na sabi ni Lawrence
“I know you’ll like her… You just need time to know her… She’s sweet, Intelligent, cute… she’s the perfect wife to be!”
Pagkatapos sabihin ni Leonard ito ay biglang pumasok ang isang taong kinaliligaya nila
“I’m back!” sabi ni Mikaela Loraine Alexis Smith o Loraine na pangalawa sa pinakamatandang anak ni Leonard, ang ate ni Lawrence
“Loraine?!” sabay-sabay nilang nasabi
“Wha-! When did you arrived?!” gulat na sabi ni Leonard
“Just this morning…” sabay upo sa tabi ni Lawrence
“Nagpasabi ka sana para sinundo ka namin!” tuwang sabi ni Alena
“I wanted to surprise everyone!” sabay kuha ng tinapay
“Well… at least nandito ka na… Welcome back…” salita ni Leonard
Pagkatapos kumain ay bumalik na si Lawrence sa kwarto niya at tinuloy yung pag eempake na naudlot nung gabi…
“Knock! Knock!” sigaw ni Loraine sabay pasok sa kwarto ni Lawrence
“Oh… Hey…” sabay tuloy ulit ng pag eempake
“I was very happy to come back here dahil akala ko magkakaroon na ulit tayo ng time para magsaya. Yun pala, ikaw naman itong aalis…” sabay upo sa tabi ni Lawrence
“Me neither… Ayoko talaga umalis sa totoo lang…”
“So how was your Fiancée? Maganda ba? Anong itsura? Type mo ba?”
“You should’ve guessed… di kami nagkita kagabi sa party niya… halatang tinataguan ako… kaya lalo kong di nagugustuhan yun eh… napaka arte…”
“Hhhmmm… Let me guess… You don’t like her… because you have someone else in your mind!”
“Well… yeah sort of!”
“Really? Who’s the lucky girl?”
“Well… you see…”
At kinuwento niya kay Loraine ang tungkol sa nangyari sa kanya kagabi…
“How sweet! Dapat tinanong mo yung pangalan niya!”
“Look… even if I asked her that… Guguluhin lang nun isip ko at baka hanapin ko pa yun… At sinasaksak ko lang din sa isip ko na magkakaroon na ako ng asawa… I’m just avoiding scams!”
“Eh anung kinalaman nun kay Angela at ayaw mo sa kanya?”
“About naman dun sa babaeng yun, alam mo namang matagal ko nang di gusto yung babae simula pa lang nung mga medyo bata pa kami di ba?”
“Oo nga pala… Pero tol, alam ko… deep inside di mo makakalimutan yung babaeng yun…” sabay ginulo nung ate niya ang buhok niya…
Kaya hindi nagkita si Lawrence at si Angela nung araw na yun hanggang sa makalipad na ang eroplano na sinakyan ni Lawrence papuntang Japan… mahigit isang taon pa ang aantayin nila para magkita sila… Pero kaya na kaya nilang harapin ang isa’t isa sa altar at pag isahin na ang mga sarili nila?
To be continued…
BINABASA MO ANG
Guardian Angel for a Bride
Teen Fictionfirst part of the story Angela tells about everyone in her life She tells about the story on how she will manage to cope and defend her feelings for the guy she really hates to be her husband but unfortunately, it ended on the aisle and the nursery...