Chapter Seven: First Arguement

39 2 0
                                    

Pagka labas nila ay nanatili kaming tahimik ni Lawrence… Tinititigan ko lang siyang inaayos ang kurbata niya na halata namang ninenerbiyos dahil di niya mailagay ng maayos yung kurbata. Kaya naman naisipan ko nang tulungan siya… Damuho na to, di pala marunong maglagay ng kurbata XD

“Ah… Salamat… and sorry din pala yung tungkol sa kaninang umaga… Hindi ko kasi alam na dito ka sa room na ‘to nag-iistay” sabay sabi ni Lawrence

Aba… Marunong palang mag thank you at mag sorry tong unggoy na to…

“Don’t mention it… Hindi mo naman pala kasalanan… Ayan” Natapos ko din ang pagkukurbata ko sa kanya

“Thanks again… buti marunong kang mag-ayos ng kurbata…” tuwang sabi ni Lawrence

“Madalas ko kasing gawin yan kay kuya… since… you know… we grow up without a mother…”

“Oo nga pala… Sorry about it…” napagtanto niya atang may masakit siyang nasabi

“It’s alright… past is past…” sabay nag-blush ako

Teka… bakit ako nag-blush dito!!!! >.<

“So… how do we greet each other?”

“Start from the basics!! Like kung ano paborito mong pagkain, favorite inumin, favorite color… or kung mahilig ka sa mga chocolates kasi mahilig ako dun!” singit ko kaagad sa kanya

“Teka teka…” singit niya “You mean magpapakilala tayo sa ganung paraan? Parang mali naman ata yun… Hindi ba pwedeng saka na lang natin alamin ang mga ganung bagay?”

“Haa? Paano kung may mag tanong sa atin about sa kung ano ang gusto nung isa?”

“Edi sabihin natin matagal na rin mula nang di tayo nagkakita… na bata pa tayo nun” relax na sabi niya

“What?! Alam mo ba yung pinagsasasabi mo?! Alam mo bang pag ginawa natin nun, we’ll be in front page!!! Ms. Sassy Spanish Girl just met Prince Elite Boy after 18 years!” nasigawan ko pa siya!

“So? At least sinabi natin yung totoo… Tsaka ano namang masama kung malaman nila ang totoo?”

Aba, May pagka loko din pala tong unggoy na to eh

“Hindi mo ba alam na pwedeng maging dahilan yun ng pagbaba ng tingin ng mga tao sa Suarez at Smith! Mag-isip ka naman! It can affect other connections on other country!” nahihisterical na talaga ako sa lalaking ito!!!!

“Should have made that earlier than I thought…”

“What?! What did you just said?!”

“Kapag ginawa ko yun, tuluyang nang tatanggalin ng Smith ang connection sa mga Suarez…Then we’ll never be married!”

“What are you trying to say?”

“Listen… Hindi ko naman talaga balak pakasalan ka… As in wala sa plano ko! Una sa lahat ay ayokong makasal ng Ganito kabata pa! Marami pa kong pwedeng gawin sa buhay ko habang di pa nakatali sa iisang babae! Ni hindi nga ako marunong humawak ng tama sa isang bata, ang mag hawak pa kaya ng pamilya?!  And for your information, gusto kong sabihin sa’yo na isa akong Playboy, at gugustuhin mo bang may iba akong babae maliban sa iyo?”

Ang pinaka-ayoko sa ugali na namamana ng mga Smith ay yung pagiging prangka nila… Kahit makasakit sila wala silang pakialam…

“Alam mo… akala ko gentlemen ang mga lalake ng pamilyang Smith… yun pala, pagkatapos kitang makilala at lumabas nga ang totoo mong kulay, nakita ko na antipatiko din pala kayo!”

“Teka, mess up with me but not with my whole clan!” Akala ko sasampalin na ko yun pala marunong pa magpigil 0.0 “And don’t worry! Akala ko rin naman na angel ka dahil sa pangalan mo, pero mas Maganda ata kung ang pangalan mo ay DEVILA!!!”

“What?!” para na niya kong sinampal ng lagay na yun!

Sinubukan ko siyang sabunutan, pero nang lumapit ako ay nakailag siya at nahawakan niya ang ulo ko. Dahil sa taas niyang 6’6 ay di ko siya maabot dahil sa haba ng mga braso niya kaya tumigil na lang ako…

“I hate you!” sigaw ko sa demonyitong yun!

“Don’t worry the feeling is mutual!” sabay ngiti ng panget na to

“Argh!!! Wag na wag kang lalapit sa akin naku! Baka di ako makapagpigil at mapatay kita!”

Napagpasiyahan kong umalis na lang dahil ayoko nang makipagtalo sa isang taong di marunong gumalang ng mga babae…

“Pasalamat ka Lawrence at natutunan kong magpigil ng galit ko sa London, dahil kung hindi naku!” binubulong ko sa hangin habang naglalakad… Kelangan kong makita si Kuya Angelo… baka di ko mapigilan ay mapa-iyak ako…

Bakit nga ba ako iiyak?

Nakita ko siya kasama si Loraine… Syempre hindi ko pinahalata kay Loraine na nakipag-away ako sa kapatid niya… Pero di ko natakasan ang matanong na mata ni kuya Angelo…

“Loraine, pwedeng ma-excuse muna kaming magkapatid, tinatawag lang kami sandali ni papa…”

At hinila nga ako ni kuya palayo sa kanya… Alam ko na ang sunod niyang sasabihin sa akin pagkatapos banggitin ang buong pangalan ko…

“Maria Angela Gabriella Juliana Suarez! Ano na naman ang ginawa mo at mukhang nakipag away ka sa kanya!”

“Kuya! Siya ang nagumpisa nun at hindi ako! At kung iniisip mong mag-so sorry ako pwes hindi!” Napilitan akong mag taas ng Pride para di pahiya

“Hay naku! Wag mo ko maganyan-ganyan at di uubra sa akin ang pagtataas mo ng Pride!”

“Basta! Kung gusto mo ikaw ang makipagusap sa kanya, basta di ko yun makakausap kahit Kelan!”

“Hoy babae, pag hindi ka nakipagbati sa kanya, Tandaan mong di ka na makakakain ulit ng chocolate kala mo…” Mahilig ipanakot ni kuya sa akin ang mga chocolates, palibhasa kontrolado niya ang mga galaw at kilos ko… at pag siya ang nanakot… sure na gagawin niya yun…

Kaya ko yun!

“Ayos lang! Mabubuhay ako ng wala ang mga yun…” Pride taas pa dali!!!!!

“Talaga lang ah…” nilabas ni kuya ang cellphone niya at may tinawagan… “Hello… Chef Andrei… Oo… May gusto sana akong padispatsa na pagkain… or kung gusto mo itago mo na… pero wag na wag mong bibigyan si Angela… Oo, yun nga… Please, tanggalin mo na lahat yun sa refrigerator…”

Di ko na talaga matiis ang mga chocolates ko…

“Fine! Sige! Gagawa ako ng paraan!” sigaw ko

“Wait… Wag na pala Chef Andrei… Sumuko na siya… Sige… Salamat ulit….” Sabay sarado ng cellphone niya….

“Reconcile with him Angela… Right now!” sabay alis ulit ni kuya

Grabe! Hindi ko aakalain na basta ko na lang binenta ang pride ko dahil sa mga love kong chocolates! T.T

Ayos lang… basta di ko pansinin si Lawrence ay makaiiwas na talaga ako sa away namin…

I just hope nga ganun kadali yun…

Guardian Angel for a BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon