Alas tres na nang hapon, nagising si Angela at nakitang nasa kwarto na niya siya. Nakita niya si Lawrence na natutulog sa gilid ng kama niya…
“Aray! Ang sakit ng ulo ko!” mahinang sabi ni Angela
“Oh… gising ka na pala…” sabi ni Lawrence ng magising at nakitang gising na siya
“Por Favor… Nagising ba kita?”
“No… No… ahm… Gutom ka na ba? Anung gusto mong kainin?”
“Ok… You’re freaking me out… Nasaan yung totoong Lawrence?”
“Ha, Ha… Nakakatawa Spanish Girl…” Iritadong sabi niya
“Si Lawrence ka nga… antipatiko eh…”
“Anong sabi mo?!”
“Wala…”
“Ginagawa ko lang ‘to para kay Tito Bernardo…”
“May waffles ba tayo?” tanong bigla ni Angela at halatang iniiba ang usapan
“Ano?”
“Waffles… Gutom na ko eh…”
“Isn’t it better if you eat rice?”
“Nah… Ayoko… Gusto ko Waffles…”
“Hindi pwede… Hindi ka pa kumakain ng tanghalian tandaan mo yan… Baka mamaya bigla kang mahina… Himatayin ka na naman…”
“Oh Come on! Kelangan pa ba nating pag-awayan ‘to!”
“Edi bahala ka, kumain ka ng Waffles… If something happens to you… wag na wag mong sasabihin na hindi kita sinabihan tungkol dyan…”
“Oo na!”
Ayun pinatawag ni Lawrence yung isa naming maid para dalhin yung pagkain ko… Nakita ko pang kinilig yung isa naming maid nay un ng magpasalamat si Lawrence sa kanya… Kapal ng mukha, kala mo kung sinong maganda eh wala pa siya sa kuko ko… Napaka etchusera! XD
Ang Bad Girl ko na naman! XD
Pagkatapos kong kumain, nakita ko si Lawrence sa may bandang bintana, nakatingin siya ng malayo habang umuulan… Ano kaya iniisip nito? Habang tinititigan ko siya ngayon… medyo napapansin ko lang… gwapo pala talaga siya XP
“H’wag mo kong titigan na para kang may pagnanasa… mamaya kung ano pang gawin mo sa akin…” Biglang sabi ni Lawrence…
Aba! Napaka antipatiko talaga! Dahil dun bumalik na naman yung pagkaasar ko sa kanya >.<
“Excuse me! Hindi ikaw ang tinititigan ko! At hello?! Ako? May pagnanasa sa ‘yo? Ha!”
“Talaga lang ah… kaya pala nakita kitang nanggagalaiti kanina nung kausap ko yung isa niyong maid…”
“Kapal talaga ng mukha mo!” Sabay bato ko ng unan ko…
Naalo naman niya… “Hindi ka naman mabiro…” ngumiti bigla ang loko (gwapo talaga O.O)…Sabay lapit ni loko at ibinalik yung unan ko, umupo na rin siya sa tabi ko sa kama… “Kelan mo ba gustong pumunta sa bundok?”
“Gusto mo ba talaga? O napipilitan ka lang dahil kela Tito Leonard at kay papa?”
“Nauna akong magtanong di ba… Kelan mo ba gustong pumunta sa bundok?” Iritang sabi niya
“Sa totoo lang… Gusto ko, three days after this day…”
“Ano?! Ganun kaaga?!”
“Sabi ko na nga ba eh, Napipilitan ka lang…” sabay tingin sa gilid… para makonsensya ang loko XD
![](https://img.wattpad.com/cover/1223222-288-k826587.jpg)
BINABASA MO ANG
Guardian Angel for a Bride
Teen Fictionfirst part of the story Angela tells about everyone in her life She tells about the story on how she will manage to cope and defend her feelings for the guy she really hates to be her husband but unfortunately, it ended on the aisle and the nursery...