Chapter 6: The First Encounter

39 2 0
                                    

                Habang naiwang mag-isa si Angela sa kwarto niya ay abala naman si Lawrence sa pool side habang kinakausap ang isang napakahalagang kliyente…

“Okay, I will… after the plan is made, make sure the proposal will be there… also, make sure that nobody interrupts the construction of that building… ok… bye…” sabay isinara na ni Lawrence ang cell phone niya..

“Hey… kadarating mo lang yet work is still on your mind…” sabi agad ng ate niya

“Hindi mo kasi siya basta -basta maiiwan di tulad dati na kaya kong gawin ang lahat ng kalokohang alam ko…”

Biglang dumating si Ronald at nakisama sa kanila sa pool side…

“Hey… Nandito na pala ang mga Suarez ah…” sabay higop sa juice ni Lawrence

“Ano ba yan Ronald! Di ka ba marunong magpakuha ng baso?” iritadong sabi ni Lawrence

“Talaga? Nandyan na sila?? Nasaan na si Angela?! Dapat sinama mo na dito!” singit naman ni Loraine

“Nasa kwarto niya… syempre kelangan muna niyang magpahinga…” sabi ni Ronald

“Hey… Lawrence! Di mo lang ba pupuntahan yung Fiancée mo!” sabay siko ni Loraine kay Lawrence

“No way! Ako pupunta sa kanya? Never! Siya ang pumunta dito kung gusto niya ko makausap!” iritadong sabi ni Lawrence

“Eh kung hindi ka ba naman may pagka toyo ang utak mo ay baka nasapak na kita eh!! Puntahan mo na!!!”

“Ayoko nga ate! Isa pa pagpumasok ako dun, mapahiya pa ko dahil mamaya nagbibihis na pala siya!”

“Ang pride talaga nito no!” singit ni Ronald sa usapan nila

“Hindi pride ang tawag dun. Ayoko lang na masanay siya na ako lagi ang pumupunta para lang magkausap kami”

“Don’t you know the manners of knocking at doors??” singit ng ate niya ulit

“Ok! Sige! Pupuntahan ko na siya sa kwarto niya! Pero mas Maganda siguro kung maglilinis muna ako ng sarili ko…”

“Go for it!” cheer naman nig mga kapatid niya sa kanya…

                Pumunta si Lawrence sa kwarto niya at tinanggal ang mga saplot sa katawan. Pagkatapos suotin ang bathrobe ay pumasok na siya sa bathroom niya… Kaso pagpasok niya ay nakita niya ang pigura ng isang babae na naliligo sa bath tub niya. Nagkatinginan ang dalawa kaya tumalikod siya habang ang babae naman ay sumigaw at tumalikod din mula sa kanya.

“Sorry!!!” Sigaw ni Lawrence

“Wala ka bang manners?! Hindi ka ba marunong kumatok!!!” sabay lumubog lalo sa bath tub ang katawan niya

“Will I even knock on my own bathroom?!”

“Own bathroom? Wait a sec… don’t tell me your-!”

“Mark Lawrence Arkin Smith… Masaya ka na?” sumbat ni Lawrence

“You’re Lawrence?! Mama Mia!” napa face palm siya

“Is there a problem with that? … teka… nag Spanish ka… you’re-”

“Maria Angela Gabriella Juliana Suarez” nahihiyang sagot ni Angela

“I’ll be back!” sabay labas ni Lawrence

“Argh!!! Bakit naman Ganito pa ang una naming pagkikita?!” galit na sabi ni Angela

Guardian Angel for a BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon