Chapter Five: I'm Ready!!

40 3 0
                                    

Marami rin ang nangyari sa kanilang dalawa after a year… Naging successful si Lawrence na manipulahin ang Smith Corporation sa Japan at nagawa din niyang paunlarin yun. Si Angela naman ay Natapos na ang kurso niyang Literature na dagdag lamang mula sa Natapos na niyang kurso na Fine Arts…

After a year…

                Isang eroplano ang bumaba sa Smith Airlines at mula sa pagbaba ng isang lalake sa eroplano ay sinalubong naman siya ng isang babae…

“Lawrence!!!” Patakbong pinuntahan ni Loraine at tinalunan si Lawrence

“Hey!!! I missed you!!” sabay yakap sa nakatatandang kapatid

“What about me?! Ang tagal kong inaantay yung taon na magtapos! I didn’t even recognized my own birthday sa kakaisip kung papano pabilisin ang araw para lang dumating ka na!”

“Haha… as I guess… Ikaw lang ang susundo sa akin…”

“Actually dapat kasama ko si Ronald dito, kaso alam mo naman, sinasabak na din siya ni dad sa business na isa pang kinaayawan nung unggoy na yun…”

“Eh di ba ang tinapos ni Ronald ay Archeology? Ang labo talaga ni dad at kung anu-anu na naman ang ginagawa sa mga anak niya… ngayon naman si Ronald! Naaasar na talaga ako!”

“Tara na! Problemahin mo na lang yan pagkatapos ng party! Tandaan mo ngayon na natin talaga makikilala si Angela!”

“Sa tingin ko nga… It’s about time na magkakilala na kami”

“Don’t worry! Di ka naman magsisisi eh”

Kaya naisipan na nilang umuwi…

Sa mga Suarez naman…

Ang tagal din simula nung huli kong makita si Lawrence… Ngayon sure na ako na magkakaharap na talaga kami…

“Ok na tong dress na to!!” pasigaw kong sabi sa kuya ko

“Eh! No way! Pumili ka pa nang iba!” galit na sabi ni kuya

“How about… this!” tinaas ko yung blue na dress na backless ang arte…

“Ehw! Kitang kita yung buong likod mo dyan! Kulang na lang maghubad ka na eh!”

“Oo nga! Cancel!”

“Eh paano kung… yun na lang?” sabay turo ni kuya sa dress na nakasabit sa gilid ng kama ko

“Let me see!” sabay kuha nung dress at tinaas ito… isang black cocktail dress na tube ang top at naka slit ang gilid “Perfect!”

“Ready ka nang makita siya mamaya?”

“Yup… after a year… nakapag move on na naman ako at sa tingin ko sapat na yun…”

“Move on what?”

“Nothing!” sabay kuha ko nung dress sa kamay niya…

Niyakap ako ni kuya “Mi Hermana is growing up… and getting married!”

“Thanks for the compliment…”

“When will you think I can find a suitable wife?” sabay tingin sa akin ng kuya ko

“Siguro… kapag malaki na ang mga anak ko!” sabay tawanan kami ni kuya

Maganda na sana ang mood ko kaso biglang pumasok si papa sa kwarto ko…

“Get dress now!” sigaw ni papa

“What? Hindi pa nga 3 o’ clock eh! Mamaya pang gabi yun eh!” sabi ko sa papa ko

“Not the dress! Kahit anong civilian… Dun na lang kayo magbibihis sa bahay ng mga Smith ng mga gagamitin niyo sa party”

“Oh… Ibig sabihin nun pati ako?” takang tanong ni kuya

“Of course! So Vamanos!”

Nakakainis! Ang aga-aga pa papunta na kami agad sa bahay nila. Siguro nalaman din ng mga Smiths na hindi kami nagkita ni Lawrence noon kaya pinaniniguraduhin na nilang magkikita na kami.

Paano kaya pag nagkita na kami? Ano na kayang itsura niya?

Nang marating namin ang Mansyon nang mga Smith nakita ko na kahit sobrang yaman ng mga ito, nanatili pa din ang simplicity nila. Humanga na sana ako eh, kaso nung inihatid kami sa mga kwarto namin naasar na naman ako! >.<

Paano ba naman, Ang kuya ko at ang Papa ko ay tag-isa ng kwarto sa 2nd floor… Pero bakit naman yung akin napunta sa 3rd floor! Kaya pagpasok ay naihagis ko yung dala kong backpack…

“I hate you Mark Lawrence Arkin Smith! Pahirap ka sa buhay ko!”

“Hey Angel Face… marinig ka nang mga taga dito ah…” pumasok na pala ang kuya ko sa kwarto ko…

“Stop Calling me that! Naiirita lang ako!”

“Pero wow… Ang ibinigay nilang room sa iyo ay malaki… And more Luxurious! Sa tingin ko nga hindi ito isang pangkaraniwang guest room eh”

“Talaga?” hanga kong tanong

“Yup… Hindi kaya… dahil wala nang natirang guest room… or dahil ikaw ang fiancée ni Lawrence… or because Lawrence’s room is the extension room nitong kwarto na ito…” sabay upo ni kuya sa kama…

Ano daw? Extension room?

“Anong sinabi mo kuya?”

“An extension…” sabay tinuro niya yung isang pinto sa gilid “Nakita mo yung pinto na yun? Yan ang bathroom mo dito…”

“Alam ko naman yun eh… Pero anung kinalaman nun sa pagiging extension nito ng kwarto ni Lawrence?”

“Kasi nga yun din ang banyo ni Lawrence… yun ang adjoining room niyo…”

“Meaning… Iisa lang ang bathroom namin?!” nataranta kong sagot!

“Like you said… It is”

“Aiaiai… Mama Mia!” sabay higa ako sa kama

“Hey, gising… mayamaya lang ipapatawag na yung hair styler… hey! ... Ayaw mong gumising ah!!” Sabay sinimulan akong kilitiin ni kuya

“Hey! Kuya stop it!! Oo na gising na ko!!” sabay upo naman ako

“Kaya mo yan… Aalis na ko ah… bye…” sabay labas ni kuya na hindi man lamang ako nakapag paalam…

“I just hope na tama ang sinabi ni kuya na kaya ko to…”

Guardian Angel for a BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon