Roen Sage's POV
"Rain, put it down now.."
"Pa-pa!"
"Put my guitar pick down, now.."
He shook his head no.
"Fine! No more shower for Rain, come here.."
Mula sa bowl ng banyo, gumapang siya palapit sakin. Nakangisi..
Bakit ba ang kulit ng tiyanak na to? Muntik pang itapon yung bago kong guitar pick sa toilet bowl dahil lang sa ayaw niyang maligo..
Habang gumagapang siya sakin palapit, naaaninag ko ang mukha niya. Both Cloud and Rain really shares the same eyes Sheremee has. Both looks so innocent, sincere, and really mesmerizing. Brown doe eyes that's filled with warmth and undying passion. Shit. I miss my wife so badly.
Nang malapit na siya at umupo sa wooden flooring, tinaas niya ang dalawa niyang kamay. Nagpapabuhat. Kinuha ko siya at hinalikan sa pisngi. Ang kulit.
"Ang asim mo. Ayaw mo kasing maligo, si Cloud ang bango na."
Ayaw kasi niyang maligo, nagiginaw siguro.
Mag-iinit muna ko ng pampaligo niya...
Bumaba ako ng kusina buhat-buhat siya. Andun si Manang Fe, pinapakain ng cerelac si Cloud.
"Oh Hijo, bakit di pa naliligo yan. Ako na magpapaligo dyan.." sabi ni Manang nang makita niya ko.
"Ako na po, mag-iinit lang ako ng tubig, baka nagiginaw kaya ayaw maligo.."
"Eh may trabaho ka ah, may meeting ka ngayon di ba? Akin na ga si Rain.."
Nang iaabot ko na si Rain bigla ito yumakap sa leeg ko.
"Hayy...Wala yan sa mood. Di ka kasi umuwi kagabi, nagpuyat sila ni Cloud kakahintay sayo..tsk tsk.."
Nalate kasi ako ng uwi kagabi, nagkalate meeting ako. Ayaw matulog ng mga anak ko ng hindi nila ko nakikita, napansin lang namin yun ni Yaya nung nadadalas ang OT ko sa trabaho sa company ng Lolo ko.
Maya-maya lang umiyak na si Cloud.
It's either gusto din niyang magpabuhat sakin o gusto niyang lumapit kay Rain...
Lumapit ako at kinuha siya ng isang braso.
"Manang, pakitawagan si Alyssa, sabihin mo i-cancel yung meeting gawing afternoon. I'll stay here for a while." sabi ko at umakyat na sa kwarto, sinabi ko din kay Manang na dalhin na yung air pot sa banyo pag kumulo na.
Pinaliguan ko na si Rain sa tub niya habang si Cloud naglalaro sa kama ko.
Magba-bonding muna kami, babawi lang ako dahil sa late ako umuwi kagabi.
"Pa-pa! Weyn-weyn! Kawd-Kawd! " kanta ni Rain at saka naglaro-laro sa tubig...
Sinabon ko na yung malusog niyang braso at lumapit pa para sa likod niya.
Bigla akong nilagyan ng bula sa pisngi..
Kulit talaga..
"Naughty Rain...."
Niyugyog ko siya ng onti at tumawa ng tumawa.
Hahaha! Ang cute ng anak ko...
Kamukha ng mommy niya...
Si Sheremee...
"Daddy? Raaaiiinnnn...Mama?"
Nagulat ako sa sinabi ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Claiming Your Heart Sage Villangca
RomanceSheremee Rui Mountbatten Love at first sight should never exist. It is the most dangerous kind of love that you ever come across with because regardless of what that person turns out to be, you're already doomed dahil mahal mo na. Basic questions wo...