33rd Chapter

47 0 0
                                    

Kai Dela Reseo's POV

"Eh sa hindi ko nga mawari ugali nun eh, si Death ang tanungin mo, sila mas close ni Sin, palibhasa magkaugali parehas animal." sabi ni Seth

"Gusto mong patayin kita ngayon? Wag mo kong hinahalintulad kay Sin dahil mas demonyo ako dun." singhal ni Death,

"Eh kung tumigil muna kaya kayong dalawa sa pag-aaway at tumulong samin ngayon di ba?" sermon ko na,

"Alam niyo, wala naman akong kinalaman dito bakit ba ko nasasali dito? May gagawin pa kong mas importante kaysa sa pigilan si Sin sa kung anong gusto niyang gawin" sabi ni Death at umakmang tatayo mula sa leather na couch ngunit pinigilan siya ni Saab.

"Kapag hindi napigilan si Sin at natuluyan niyang patayin si Sheremee, I swear, idadamay ko lahat ng kaya kong idamay sa pagkawala ni Sheremee, including that girl you're obssessed with....brother"

Bakas sa mata ng demonyo ang labis na galit sa sinabi ng kapatid at napilitan itong umupo muli sa tabi ng mga kasamahan.

"Touch her and I'll go to hell and personally torture your girl, Saab." - Death,

"Please do that and I'll do the same to yours." sagot ni Saab ng may nakakatakot na ngiti sa labi,

"Not you too Saab, sino ba dito ang kayang di pumatol sa ugali ni Death! Fuck guys! Para tayong mga bata! At ikaw Death kelan ka ba aayos ng pag-uugali kahit isang beses lang?!" badtrip na sigaw ko,

"Kelan ba umayos ang ugali ng isang demonyo Kai? And please spare me the drama and go on with the process, nakakabanas tignan ang mukha ni Seth." inis na sagot ni Death,

"Mas nakakinis kang tignan, nakakagago mukha mo!" - Seth,

Umakmang sasapakin ni Death si Seth pero humarang agad ako. Sa lahat talaga ay si Death ang may pinaka maikling pasensya. He bear one of the most dangerous deadly sins, short-temperedness, lalo na ngayon at malapit nang bumalik si Astrea.

"Fuck! Ilayo niyo lang sakin si Seth tatahimik na ko" tanging sagot ni Death,

Sa inis ay lumipat ng upuan si Seth at tumabi kay Saab.

Simula nang masali ako sa grupo nila ako na lang lagi ang nagpapatigil sa kanila sa tuwing nag-aaway sila, dapat kasi si Saab talaga kaso habang tumatagal nag-iiba ang ugali ni Saab, he's having sex to every woman he wants now, he took souls even from people who's time is yet to come, he started drugs too although hindi naman yun ganun ka-effective sa mga katulad namin, Saab, is somehow searching for escape, hindi namin alam kung bakit siya nagkakaganito, dahil ayaw ni Saab ng ganito, he hates sex from women he doesn't love, he hates the need of taking someone else's soul, he hates killing, pero iba na ngayon, he looks so desperate for something at napansin kong nag-iiba na rin ang aura niya, kung dati katulad ko siya ngayon hindi na, sumusunod na siya kay Sin at Death.

"Saab. Meron ka bang hindi sinasabi samin?" biglang tanong ni Seth habang nakatitig sa ceiling ng mansion,

Napatingin kaming dalawa ni Death kay Saab.

Walang emotion ang mga mata nito.

"Wala akong dapat sabihin." sagot nito,

"Pano ka namin matutulungan kung wala kaming alam sa nangyayare?" sagot ni Seth at hinarap si Saab,

"Sundin niyo lang ang sasabihin ko. Balak ni Sin ibalik si Lei at ilagay si Sheremee kung saan siya dapat, hindi ako papayag at mas lalong hindi papayag si Roen. Si Roen man pigilan niyo, walang dapat lumapit sakin kapag kaharap ko si Sin."

Claiming Your Heart Sage VillangcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon