22nd Chapter

73 0 0
                                    

Sheremee's POV

Alam kong patay na ko. Or should I say namatay? Kasi kanina alam kong wala na ko.

"Shemie?" rinig ko,

Pero hindi ako makasagot. Parang nakakulong ako sa sarili kong katawan. Naririnig ko siya pero hindi ako makapagrespond, parang panaginip. Ganito yun di ba? Nasa isip mo pero di mo magawa, di mo makontrol ang nangyayare, wala kang laban, wala kang pwedeng masubukan kahit ang ibukas ang bibig at mata mo.

"Don't try to think too much Shemie. Your senses will come back eventually" sabi nito

Naghintay ako.

"You're quite a mess Shemie. They didn't even stitched you up.."

Stitch me up?

Ilang segundo lang, naramdaman ko na ang lamig.

Sinubukan kong igalaw ang daliri ko.

Mula sa fore finger, middle finger, ring at pinky, unti-unti ko silang inaangat, ginagalaw...

Makalipas ang ilan pang segundo hinanda ko na ang sarili ko, binukas ko ang mga mata ko.

Gusto kong sumigaw sa takot!

Dahil wala akong makita!

Madilim ang paligid.

"Shh...It's okay Shemie, your body's still dead, like I said, it will take time..."

Si Saab, ngayon nakumpirma ko ngang si Saab ang nagsasalita...

Tama siya, patay pa nga ako, I mean yung katawan ko.

Isipin niyo na lang tahimik ang buo niyong katawan.

No heartbeat.

No breathing.


Just still and lifeless.

Nakakarinig pero di nakakagalaw.

Parang mas gusto ko pang mamatay na lang kaysa ganito.

Mas mabuti pa yung payapa ako kaysa nandito nga ako. Nakakulong naman sa sarili kong katawang tao.

"Shemie. Listen to me, a few more seconds everything will be different. You'll start to get confused, you'll feel pain, kailangan mong lumalaban. Kapag hindi mo yun ginawa, you'll die again and this time your soul will go straight to the reapers, hindi na kita maibabalik, mawawalang saysay lahat ng ginawa namin para sayo. Fight Shemie, alalahanin mo, may mga anak kang naghihintay sayo..."

Anak.

Tama, may anak ako.

Si Rain.

Nangiti ako..

Si Rain.

Tapos...May isa pa di ba? Ano kaya pinangalan ni Sage sa kanya? Sana Cloud.

Muli kong sinara ang mga mata ko.

Pinapakiramdaman ang buo kong katawan.

Sage.

Rain.

Cloud.

Sabi ni Saab, I'll start to get confused.

Kahit maraming tanong ang pumapasok sa isip ko, isinantabi ko muna yun.

Kailangan kong magfocus.

Claiming Your Heart Sage VillangcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon