13th Chapter

1.1K 18 2
                                    

Kin Alejandre's POV

"Are we done here?" tanong ko kay Sage,

Pero, wala parin sa sarili ang kaibigan ko, his eyes so soulless and still punching the unconcious bastard...

"Tama na yan Sage, he's gone.." sabi ni Minhwa at hinitak na si Sage mula sa pagkakasampa nito sa lalaki..

"Who's next?" patay na sabi ni Sage,

Lima lang kaming nakikipag-sapakan ngayong araw, kung kanino? Sa mga nanggagago samin sa loob ng tatlong taon..

Natalo kasi si Leader sa isang bet, sa magkapatid na Yakuza, isang pustahan na nagkulong kay Sage sa kapatid nung dalawang iyon, si Lea Minosawa...

Naalala ko pa nun, nagsusugal kasi kami sa Mary Magdalene, club ni Ash Crisanto, at si Sage shempre ang daming panalo, hindi kasi yun natatalo, lalo na sa chess, at dahil dun may naghamon samin, yun nga, yung magkapatid na Yakuza, actually, may alitan na kami dun before, kaibigan kasi namin ang Crossing Light at nung nagkagang fight sumama kami, hindi namin alam na tropa pala ng Yakuza yung nakasagupa namin, kaya iyon, damay kami, hindi kasi nila magantihan ang Crossing Light dahil sa parte ito ng Triumph Cards, it will suicide to clash with them, lalo na't delikado ang tatay ni Raven at sobrang nakakamatay kahit tingin lang ang ibigay nina Ash, Collin at shempre si Dyllan, Patay talaga sila kung nagkataon....

So ayun nga, dinaya kami ng mga gago! Hindi namin yun inakala! Pero imbis na hayaan kami ni Leader na bugbugin yung mga gago na yun, hinayaan na lang niya, dahil harmless naman daw yung condition, siya lang daw talaga ang pinuntirya ng magkakapatid, dahil si Leader, masakit mang aminin, ay sadyang maappeal kahit kanino, at yung Lei Minosawa, tinamaan agad isang sulyap lang ni Leader. Shet! Hayop na babae yun nakiepal pa samin lang dapat si Leader, kakabakla eh!

Tangna...Hayop biro lang, lalaki ko SHET!

"Wala na Leader, tara na, iwan na natin yang mga yan...." sabi ni Jaejin.

"No, they dare to threaten my girl..." tas sinapak niya ulit si Akari, Kuya ni Lei, inulit ulit iyon ni Sage....

"Wag niyo ngang pigilan si Leader...hahah! Yaan niyo, tatlong taon yang nagtiis...sarap sa feeling bugbugin nung duwag na yan!" sabi ni Santi,

Nailing na lang ako at this time ako na ang umawat...

"Come on Leader, Atsui is still on his run...baka di natin maabutan" sabi ko,

Huminto na siya at tumayo, kinuha ang leather jacket sa buhanginan at sinuot ito, sumakay na siya sa motor niya ganun din ang iba...

Pumunta na ko sa motor ko at sabay-sabay kaming umalis...

Sana lang, maayos ni Leader ang mga nangyayare sa kanila ni Sheremee, kahit kasi hindi sabihin ni Leader, alam naming hindi niya kayang mawala si Sheremee, eh shete! Love at first sight si Leader dun eh! Unang tingin palang nako kung wala lang siyang girlfriend nun baka nga inuwi na niya si Sheremee sa Pinas nun nung nakita niya to sa Korea..

Oo nakita na ni Leader sa Korea si Sheremee, nagulat nga kami nang malaman naming sinundan pala ni Sheremee sa Pinas si Leader eh, nainlove din daw hahaha! Nung una nga inis na inis si Leader dahil bakit daw ini-stalk siya nung babaeng yun pero alam naming nag-aalala lang siya na baka malaman yun ni Lei, hindi gusto ni Leader na madamay si Sheremee, kaya kahit minsan naaawa kami kay Sheremee kapag pinagsasalitaan siya ni Leader iniintindi na lang namin to...

Ang dami kasi naming away,

Mula sa banda hanggang sa gang namin...

At shempre pati narin sa pamilya...

Claiming Your Heart Sage VillangcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon