Sheremee's POV
"Ano ba problema mo Sheremee?! Ano ba gusto mong mangayare ha?!" sigaw niya sakin,
"Bakit ako Sage? Hindi ba't ikaw rin? Saka wag kang umarte ng ganyan, kelan ka pa nagkaron ng pakelam sakin?" sabi ko,
Totoo naman, wala siyang pakilam sakin dati. Kahit anong mangyare sakin wala lang sa kanya.
Lahat ng mga bagay na ginagawa ko binabalewala lang niya. Puro pagba-bar lang pagre-race at si Lei lang ang inaatupag niya, samanatalang ako laging siya ang iniisip ko. Ano ba ang pinagkaiba ng sa ngayon? Nagiguilty ba siya dahil sa namatay ako noon? Bakit? Dahil kay Lei?
"Kasi asawa kita! Hindi mo ba maintindihan yun? Kasi natatakot ako, di mo naisip yun? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko nung namatay ka? Nagbabar? Nambabae? Nagre-race? Hindi mo naisip na iniiyakan kita? Na halos sundan kita kung nasaan ka? Hindi mo ba alam? Mahal kita, hindi ko nga alam kung accepted pa yung nararamdaman ko sa level ng tamang pagmamahal eh. Lahat ginawa ko Sheremee, lahat, kahit alam kong against yun sa law of balance ng kung ano man ginawa ko, ginawa namin ng bastardong yun! Kasi mahal na mahal kita! You'll never have the slightest idea what it feels like to be alone here, mas gugustuhin o pang ako na lang yung nawal kaysa maranasan ulit yun. I don't want to feel that again Sheremee..."
Napako ako sa kinatatayuan ko.
Hindi ako makapagsalita.
Umiiyak ang asawa ko.
Si Sage...
Umiiyak si Sage.
"Anong ginawa mo Sage?" nanginginig na tanong ko,
Tinignan lang niya ko.
"ANO GINAWA MO!" sigaw ko,
He flinched this time, dahil never akong sumigaw. I think this is the first time.
He looked away. His eyes still glistened with tears.
"I traded my soul for yours....."
Nawalan ako ng lakas sa sinabi niya at natulala na lang.
~*~
Death's POV
"Ang aga mo ah..." sabi ko sa kapatid ko,
"Yeah right..." sabi lang niya,
Sawi sa pag-ibig eh. Kelan ba siya matututo? Hindi na siya tulad ng dati, he's no longer a part of the mortal cycle, wala na nga siyang kaluluwa eh, ang trabaho na lang niya dito sa mundo ay ang magpayaman, magpasarap at sumundo ng mga mamatay, that's all.
Damned in short.
"You look impatient." pansin ko,
"Try not having a sex for years Death, let's see what it'll do to you brother" sagot niya at nagdiretso sa kwartong nireserba ko para sa kanya.
"That. I'll never try Saab. Sex is our body's food. We're demons, we live for human pleasures. Sayo nga lang ako nagtataka eh, bakit ka nga ba ganyan? Hindi ka maililigtas ni Sheremee, hindi siya para sayo." sabi ko habang hindi pa niya sinasarado ang pinto,
"Even so. Ngayon ko lang naranasan to. Even sex had no say to this thing we once called love, Death. Mahal ko si Sheremee. At balang araw, mararansan mo rin to, and if that happens, I'll be there, shrugging my shoulders to you...Brother"
He closed the door.
I smiled.
"I'm already in love Saab. You can shrug your shoulders now...Brother."
BINABASA MO ANG
Claiming Your Heart Sage Villangca
RomanceSheremee Rui Mountbatten Love at first sight should never exist. It is the most dangerous kind of love that you ever come across with because regardless of what that person turns out to be, you're already doomed dahil mahal mo na. Basic questions wo...