10th Chapter

1.1K 25 2
                                    

10th Chapter

I was just new at school. A transferee from an International School in Korea who showed up in the middle of the semester like it's no big deal. In a short period of time, I already met great people who made my life easier in that strange campus.

"Sheremee, may ipapakilala kami sayo." sabi ni Yohan,

"Ha?...shi-no nanaman *hik *hik..." sagot ko,

"Basta, tara, matutuwa ka." hitak ni Yohan,

Hindi ako komportable sa suot kong damit, isa itong dress na itim, fit sa katawan at sleeveless, maganda ang hubog ng katawan ko ngunit mas gusto ko ang simpleng mga damit. Hindi rin ako komportable sa suot na sapatos dahil sa taas ng takong nito pero sabi ni Yohan dapat daw ako bumagay sa okasyon, hindi daw ubra na mag-tshirt at pantalon kaya heto at napadress ako.

Ang party na ito ay parang initiation sa mga freshmen at kung sino man ang bago sa school. May mga outsiders dito at kung sino-sino pang kasama nila sa circle of friends nila. I was invited because of Yohan, kaibigan niya sila Troy and since bago lang ako gusto niyang maexperience ko yung mga ganito.

Inalalayan ako ng isang lalaki, yung kasama nila sa party, si Troy. Inabutan niya ko ulit ng alak na siya namang ininom ko agad.

Dinala ako ni Yohan sa isa sa mga kwarto ng bahay at doon naaninag kong may isang lalaking nakahiga sa kama. Mukhang lasing din.

"Pare tumayo ka dyan, sabi ko may papakilala ko sayo." sabi ni Troy sa lalaki.

"Tsk. Inaantok ako." masunget na sabi nito.

"Ayoko ko Yohan, di ba nga sabi ko sayo may hinahanap ako." bulong ko sa kaibigan pero humagikgik lang ito at saka ako tinulaktulak sa loob ng kwarto.

"Ayan na nga yun! Nakita ko na! Enjoy!" tawa niya,

Nanlaki ang mata ko at saka iyon binalingan ulit ng tingin. Agad-agad akong natauhan at maingat na tumakbo paalis, ngunit napigilan ako ni Yohan sa pinto palang.

"Sheremee, chance mo na to, kausapin mo na!" sabi nito,

"Yohan, bakit naman sa ganitong pagkakataon. Bangag ako!" kurot ko sa kanya, napaaray siya pero hindi ako tinigilan at tinulak ulit.

"Hoy, Roen yung kapote kay junior nasa drawer ha!" sabi ni Troy at iniwan na kaming dalawa.

Sinarado nila ang pintuan. Natarantang sinubukan kong buksan ang pinto ngunit nakandado ito sa kabila.

"Wag mo nang buksan, hindi yan bubukas, tomorrow morning they'll let us out." sabi nito at umupo sa kama at sumandal.

Mabilis ang tibok ng puso ko, nakasuot si Roen ng puting button down shirt at itim na pantalon, tanggal ang tatlong butones nito, bagsak na bagsak ang mahaba at itim na buhok nito. This is only the second time I see him this close. Nung nakita ko siya sa Korea, hindi ganito kahaba ang buhok niya. Mas lalo siyang gumwapo.

Tumayo ito at lumapit sakin.

"Name." he demanded.

Napalunok ako dahil sa boses nito, malumanay ang tono nito, mahinahon, masarap pakinggan.

"Sheremee." maikli niyang sagot.

"Hmmm. Sheremee, natatandaan kita." sabi nito,

"You're that girl in Korea yung nasa bus stop, right?" he said at hinawi ang buhok na nalalaglag sa pisngi niya,

"Kilala mo ko?" naiilang na sabi ko at tumalikod kay Roen para hitakin ulit ang pinto.

Shit. Natatandaan niya ko!

Tumango siya at kumuha ng sigarilyo sa bulsa saka sinindihan. Hindi ko alam na naninigarilyo ito.

"Why are you here, Sheremee?" sabi ni Roen

Nanigarilyo ito hanggang sa mangalahati ang stick. Tinignan niya ko na parang naghihintay ng sagot.

"S-sinama ako ng kaibigan ako d-dito."

He tilted his head and smirked.

"What I mean is here, as in here in the Philippines."

"D-dito nakatira ang mga kapatid ko." nauutal ko nanamang sagot!

"Hmmm. Really, huh?"

Shit. Does he know I'm stalking him? Sinabi ba ni Yohan? Saka bakit siya nandito? Hindi naman na siya pumapasok sa TCU, dropout siya yun ang alam ko! Kaya nga nakakainis at nagsayang ako ng panahon doon.

Parang nagsisisi na ko, hindi ko pala siya gusto kausap lalo na't nakainom ako. Hindi ko na nga maramdaman ang mukha hanggang dibdib ko sa alak.

Itinapon niya ang upos ng sigarilyo sa sahig at kinuha ang jacket niya sa gilid ng kama, lumapit siya sakin at pinatong sa balikat ko.

Nadikit ang mukha ko sa dibdib niya.

"Okay lang ako, wag na.." sabi ko pero naisuot na niya,

Nakatitig na siya sakin ngayon. Napapalunok siya kaya naman umatras ako. He's giving me that heated gaze, the look my boyfriend used to give me whenever he wanted a kiss. Instead of being creeped out, I suddenly feel the same.

My memory of him that day didn't do him justice. Roen Sage is a god. His face is something you can never look away from. Ang mapupungay niyang mata, matangos na ilong at mapupulang labi na para bang laging nakangisi ay sadyang nakakapang-akit.

Hinuli nito ang mga mata ko at mas lalong lumapit sakin.

"You look like my next greatest mistake, Sheremee." he whispered in my ear,

And I agree. But for me, he'll be the first. The first and greatest mistake that I will never regret.

I never imagined my first to be lust-driven and alcohol fueled experience. At mas lalong hindi ko naisip na sa lamesa iyon magaganap at matatapos sa kama ng ibang tao.

I did it in a stranger's room and with the man I've been obsessing with for months. Ganun na ba ko kabaliw?

He was helping me with my bra when he suddenly speaks. At hindi ko inaasahan ang sinabi niya.

"I looked for you there." he said,

Mababa ang boses niya ng sabihin yun.

"Why?" paos kong tanong,

"I don't know."

Humarap ako sa kanya. His hair is still disheveled from our heated love making. Nakasuot sa kanya ang long sleeves niya pero hindi ito nakabutones.

"That's an unacceptable answer. Hindi pwedeng hindi mo alam." ngiti ko,

He smiled back. That same mysterious smile he loves to give me.

"That's just how I am. I do things without a reason."

Napakunot ang noo ko sa kanya.

"Pati ito?"

He didn't answer. So. I don't know. Up until now hindi ko alam ang sagot niya doon. It only proves how naive I was. And maybe I still am.

Makes me think why I made such rush decisions. I was never the impulsive type. Never aggressive. But with him, I did all those things without batting an eyelash.

Ano ba ang nakita ko talaga sayo Sage? Bakit nga ba kita minamahal ng ganito? Bakit ako nagbago para sayo?

Claiming Your Heart Sage VillangcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon