34th Chapter

43 0 0
                                    

Saab's POV

Miserable. Iyan ang sabi niyang magiging buhay ko.

Too miserable.

Kung sabagay, wala naman akong karapatang magreklamo.

Ako rin ang may kagagawan kung bakit ko nakukuha to. I've been too arrogant, too cruel and too ignorant. Parang hindi ako tao sa mga pinaggagagawa ko, I even killed people.

This is my punishment.

Shemie is my sweetest punishment.

My Shemie. My Shemie.

My dearest Shemie.

~*~

Sheremee's POV


Bumuhos muli ang ulan.

Nakakapagtaka.

Wala namang nagsabi na uulan ngayong gabi.


Nakakapagtaka.

Wala namang senyales ng bagyo.


Nakakapagtaka.

Bakit ngayong araw pa?

"Wag. Nakikiusap po ako. Wag sila."

Pero bakit ba ko nakikiusap?

Ang tagahatol ang kaharap ko.

"Ikaw, o sila." sagot nito,

"Ako. Ako na lang, ibalik mo sa dati lahat. Ako na lang ulit. Wag po sila.."

Lalong bumigat ang buhos ng ulan.

Wala na kami sa loob ng simbahan.

Pagabi na at mas lumalamig ang bawat ihip ng hangin. Tila suamsabay ito sa sakit na nararamdaman namin tatlo.

"Stop! Wag na wag mo siyang hahawakan!" sigaw ni Sage,

"Alam mo ang mangyayare di ba?" sabi ng nilalang sa kanya,

"Alam ko! Ako na, ibalik mo na si Saab at pakawalan si Sheremee." sagot ng asawa ko,

Gusto kong tumakbo na lang si Sage, pero kelan ba siya tumakas? Kahit kelan hindi niya yun gagawin at di magagawa.

"Matapang ka, kaya hindi ako nagdalawang isip na kunin ka bilang kasama ng mga anak ko, pero bakit ko gagawin yun? Sabihin mo sakin Sage, bakit ko isasakripisyo ang isang tulad mo para sa kanya? Hindi ba't mas maganda kung mawala na lang siya para wala na kayong iniisip ni Saab?"

"Wag mo siyang sasaktan! Nangako ka sakin! Ikaw ang may sabi sakin na isakripisyo kung ano ang meron ako para mabuhay si Sheremee!"

"Gusto mo talagang baguhin ang balanse para sa kanya? Ikaw at si Saab ang kapalit para dito. Handa ka bang isakripisyo yun?"

"Sinabi ko na sayo dati. Lahat-lahat ibibigay ko para sa asawa ko"

"Sage!" sigaw ko,

Bigla siyang bumagsak sa lapag na tila nasuntok ng malakas sa hindi makitang bagay. Napansin ko ang dugong dumaloy sa ulo niya, gusto kong lumapit pero nakaharang sakin si Sin.

Si Sin. Parang nag-aabang siya. Naghihintay ng susunod na kaluluwang susunduin. Namimili kung ako ba, si Saab o si Roen ang nararapat ihatid sa impyerno.

"Dalawa sa mga anak ko kapalit niya? Hindi ako papayag! Mamamatay ang isa para sa buhay ng dalawa!" sigaw nito ,

Hindi ko alam kung pano siya napunta sa harapan ko.

Claiming Your Heart Sage VillangcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon