11th Chapter

1.2K 20 5
                                    

11th Chapter

Kanina pa ko napapaisip...

Yung mga sinabi ni Lei sakin kanina...

She's insane to say those threat...like a mad woman...

Ngayon pinapanood ko siya sa malayo, may mga kausap siyang estudyante, ang pino ng kilos niya tulad ng dati...she's elegant to watch, karesperespesto ang dating, a real student model...ibang-iba sa kanina...

"Hoy Shemie, bakit ka nakatulala dyan.." sabi ni Yohan,

Shemie? Nasanay na silang tinatawag akong Shemie dahil kay Saab...

Hayyy san na kaya yun? Kakamiss din pala...

"KYAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Bakit sila tumitili?

"Avey, kakain ba tayo mamaya sa yakimix? Nagugutom na ko..." sabi ko kay Avey na nagbabasa naman ng manga,

"Oo, kakain tayo mamaya, yun lang ba gusto ko?" tanong niya habang ako nakayakap sa waist niya, ewan ko ba ang sweet ko sa kanya ngayon hehehe!

"Okie"

"SAAAAAAGEEEEEE!!!!!!" tili ng sa kabilang table, sa canteen kasi kami sorry ah hindi ko agad nasabi...

"SI KIIIIIIIN!!!! KELAN SILA NAKABALIK?!!!!!!!"

"Ang ingay ng mga malalanding panget na to.." sabi ni Avey

Ouch sakit nun...

"Eh bakit kaya nila sinisigaw pangalan ng husband ko?" bulong ko,

Sa bagay, wala na sila ni Lei, sa malamang target na ulit si Sage ng mga babae...

"Ang gwapo kasi ng napili mo, kaya ayan, daming babae...tsk" sabi ni Yohan,

Makapagsalita reh parang siya hindi...

Maraming nang umalis sa mga upuan nila at iniwan ang mga lunch nila para tignan ang nasa labas ng canteen, sa may garden sila nagsipuntahan...

"Titignan ba natin?" tanong ni Yohan..

"Kayo na lang humihilab si baby eh," sabi ko,

"Pssssh, arte, tara na...tignan lang natin saglit..." aya ni Yohan,

Si Avey nakatayo na...

Tumayo na rin ako...

Ang daming tao, sobra...

Ano ba meron, lagi namang gwapo si Roen Sage ah, ano ba nagbago para pagkaguluhan nila ng ganito...

Nang makita ko...

Sila Kin, Jae, Mason at Santi

Tropa yan ni Sage...

Ang alam ko nasa Korea sila nagbabakasyon kasama si Mickaila, dun sila sa grandparents ni Sage tumutuloy, ilang beses ko narin silang naka-usap sa skype dahil kay Sage. Nakakatuwa nga yung tropa ni Sage ang gulo...

Hindi ko alam ang nangyayare...pero nang magtama ang tingin namin ni Roen, biglang pumasok sa isip ko yung sinabi ni Lei..Umiwas ako ng tingin kay Sage at tumalikod na...

I can't approach him like this...

Lumakad ako paalis, umiikot ang sikmura ko sa mga nangyayare...

Wala na sila ni Lei. Biglang nag-iba ugali ni Lei. Si Sage, nag-iiba rin. May issue kami ni Saab na pwedeng magresulta ng hindi maganda dahil sa popularidad niya sa school at maging sa labas. Hindi ko na alam ang uunahin ko...

"Shemie!!" rinig kong sigaw ni Yohan sakin pero hindi ako lumingon...

.

.

Claiming Your Heart Sage VillangcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon