12th Chapter

1.1K 19 4
                                    


Embree Mountbatten's POV

"Kuya Em!!! Bili mo ko grapes.." sabi ni Shemie,

[Nasanay na kaming shemie dahil marami ang may tawag sa kanya nun]

Nasa kwarto ko siya, naglalaro ng Left 4 Dead kasama si Archer yung anak ng tropa namin si Dyllan, iniwan kasi nila si Archer dito sa condo dahil may pupuntahan silang mag-asawa..

"Bunso, may grapes tayo dito ah.." sagot ko habang pinapanood siyang tumawa dahil sa natatalo niya ang munting genius na si Archer..

"Eh, Kuya gusto ko kulay green.." sabi niya

Ang alam ko hanggang dalawang buwan lang ang paglilihi pero sabi ng doktor, iba-iba daw talaga ang case ng mga buntis..

"Sige, bibili kita..Wait for me" sabi ko at kinuha na ang susi ng Porsche sa basket..

"Okie, Thank you Kuya, Love you!"

Oo, obviously alam na namin ang nangyare sa bunso namin, at nung una, hindi kami makapaniwala...Dahil, unang-una, inosente si Sheremee at hindi agresibo sa mga ganung bagay, isa lang ang naging boyfriend niya at iyon ay ang kapatid ni Trike, si Race, at matagal na panahon na yun...Hindi kasi mahilig sa mga ganung bagay ang kapatid ko...Ang hilig niya ay ang mag-aral, lalo na ang history at science, pangarap niya kasi maging historian at scientist, mahilig din siya sa photography pero ang kinukunan lang niya ay ang mga ulap, she loves fluffy things, basta blue white and cottony ang itsura...Pero sex, hindi ko alam...At yung kay Roen, mas nagulat ako...

Si Roen, hindi interesado sa babae yan, he's not gay...He simply doesn't find any interest sa relationship at samga babae, he never fell in love nd promised that he will never be...Tropa ko siya, mahilig kami sa drag racing, gambles, at shempre ang all time favorite, BET...

Minsan kaming nag-usap ni Roen at nagkasundo kami agad, he only cares about his family and friends tulad ko. But he doesn't care about himself...Sabay kaming nagpariwa sa buhay, kung kani-kanino nakikipagpustahan...Umiinom ng alak hanggang sa mamatay na sa kalasingan, tila chimney kung manigarilyo at kung ano-ano pang bisyo including sex..

Like a real douche bag...that's us...

Pero hindi namin to inaakala...

Ang matino, walang-imik, ngingiti-ngiti at anghel kong kapatid, at si Roen? Hindi ko aakalaing si Roen pala ang tinutukoy ni Sheremee, ang lalakeng nakita niya sa Korea, ang love at first sight ng kapatid ko na halos araw-araw niyang kinukwento samin...

Si Roen pala..

Ang gagong yun. Pero bakit ngayon pa? Ngayong pang sirang-sira na ang buhay ni Roen dahil sa mga kagaguhan namin..

Kung gusto kong sumaya ang kapatid ko, dapat magsakripisyo kami...

Kasama ang Crossing Light at Triumph Cards sa mga Yakuza...

Ang pamilya ni Lei Minosawa ay ang Yakuza. That's the deal we're facing...Galit si Lei sa kapatid ko at kay Roen dahil natapos na ang deal nila at hiniwalayan na siya ni Roen...Ang grupo ni Roen ay nagbabalak na gumanti sa grupo ng kapatid ni Lei, dahil sa pagkamatay ng isa nilang kaibigan matapos ang huling gang fight, mga kasalanan tulad ng pandaraya sa mga bets at blackmailing ng mga kapatid ni Lei na nagresulta sa pagkakatali sa kanya ni Roen sa mahabang panahon...

Gusto ko ding lumaban, pero ang ibig-sabihin nito ay ang habang-buhay na alitan namin sa mga Yakuza..

Kaya ba namin sila?

They're murderers...

How can we deal with them?

Shit...

Claiming Your Heart Sage VillangcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon