39th Chapter

52 2 0
                                    

39th Chapter

Sage's POV

Sheremee's been acting weird, masyado siyang tahimik nung mga nakaraang araw at ang mas pinagtaka ko ay nang magpaalam siya saking mag-oonline course na lamang siya at di na papasok sa eskwelahan. Madalas pa siyang magkulong sa office tuwing gabi at kung di ko pa katukin ay di lalabas para matulog. I don't know what's going on her mind at iyon ang ikinakabahala ko.

Gumagayak ako ngayong gabi dahil may lakad kami nila Ran. Usual night shift from our unusual duty.

"Sheremee?" tawag ko sa kanya, nakahiga ito sa kama at nakatapis lang ng kumot. We just finished making love, and I'm letting her rest dahil tulad ng mga nagdaang gabi ay masyado ko siyang napapagod. And it's been only 11 months since she gave birth to Ruins.

"Hmmm?" sagot nito at saka lumapit sa tabi ko, pinatong nito ang ulo sa balikat ko at humalik doon.

"You okay?" tanong ko at pinatakan ng halik ang mga labi niya.

"Yes. Why?" humarap ako sa kanya at binuhat siya paupo sa kandungan ko.

"You make me worry, ano bang iniisip mo?"

Tinikom nito ang mga labi bago tumingin sa mga mata ko. "Just a few things..."

Agad napakunot ang noo ko sa sagot niya.

"Like what?" usisa ko,

"Ruins' 1st birthday next month. Saaron and Rhys' first day sa school next week. And other stuff."

She's not telling me everything. Dumapo ang tingin nito sa dibdib ko at humawak sa mahabang peklat roon.

"Nakakasama mo ba si Saab?" maingat nitong tanong,

"Bantay sarado siya ni Ama ngayon, matapos nung ginawa niyang massacre lang month." sagot ko, napasinghap si Sheremee at napalunok sa nalaman.

"Pinarusahan ba siya?"

"Oo, kaya nasa bahay lang siya ngayon. Nagpapagaling." napatigil siya sa ginagawa, yumakap siya sakin, ang mukha ay nakasiksik sa leeg ko.

"Hindi ikaw ang makakasagip sa kanya Sheremee dahil para sakin ka. Sakin ka lang, lahat sayo, sakin." bulong ko dito, hindi ko sinabi yun dahil lang sa nagseselos ako, kundi para malaman niya na wala siyang magagawa kay Saab.

It's either someone comes around to save him or he's really just meant to be damned that way, the thing is, hindi namin kontrolado ang bagay na iyon.

"I want him to be happy."

"Don't we all wish the same for everyone, baby?"

"I want it to happen Sage, the way he made my mine happen."

"Hindi lahat ng solusyon na naiisip mo ay nararapat. You're looking for someone to be with Saab, but, is that what he needs? Maybe not." seryoso kong sabi sa kanya, titig na titig ito sakin, mariing nakikinig.

"I've seen Saab with Ruins, and he's happy, he smiles. Hindi man tulad ng dati, pero at least hindi siya ganong miserable dahil kay Ruins. And maybe that's enough for now, don't force it Sheremee. Dadating iyon kung nakalaan sa kanya, sa tamang oras."

Natahimik ito habang nakahawak sa leeg ko.

"He's going to be okay. Hmmm?"

"He needs to be. Because I don't want him to be condemned forever, Sage."

Matapos nun ay hindi na ko nagsalita. I can't lie to her and tell her the things she wants to hear, 'cause that would only hurt her more, so I chose to be silent. Hindi na rin nagsalita at humiga na lang sa mga bisig ko.

Claiming Your Heart Sage VillangcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon