25th Chapter

71 0 0
                                    

Sheremee's POV

I walked out of the house. Hindi ko inaasahan na masasaktan parin ako ni Roen sa paraan na to. Hindi ko mapigilan ang sakit na nararamdaman ko, ang bilis ng tibok ng puso ko. Ngayon ko lang napagtanto ang sinabi sakin ni Saab, na dapat pala hindi na ko lumapit kay Roen. Na bagong chance ko na to, bagong buhay at dapat alisin na ang mga bagay na nagpahirap sakin noon, pero, hindi ko kaya, gusto ko si Roen, gusto ko siyang makasama kahit na ano pang nangyare noon, gusto ko siyang mahirapan, gusto kong ibalik sa kanya ang lahat ng ibinigay niya sakin noon.

Patuloy ang pag-agos ng luha ko, hindi ko ito mapigilan, pati narin ang galit na sigaw na pinapakawalan ng mga labi ko. Galit ako sa kanya, galit ako sa mga nangyare dati. Pati ang pagkamatay ko at pati na rin tong pagkabuhay ko, alam kong sila ni Saab at Roen ang may gawa nito alam kong sila ang may gusto nito.

I was finally free when I died, mas gusto ko pa yun kesa ngayon, I felt like I'm in Atlas' position, carrying the sky in his shoulders, having no one to share the weight with. At ngayon, nalaman kong may anak na siya, I mean, I know a year and several months have passed but I didn't expect him to move on in that short period of time!

I cried again.

He told me he love me before.

I remember that.

And I also remember that I was pregnant. I was pregnant with his child.

Pero wala na yun. I died even before I gave birth. My baby died because I was not strong enough, iyon ang sabi sakin ni Ate.

Kung hindi lang ako kinuha ni Lei at ng mga kapatid niya edi sana hindi napiligro ang buhay ng anak ko.

She took my baby. She took Roen from me. But I can't make her pay for that. Saab told me Lei Minosawa died. He killed her. Took her soul in exchange of mine to balance his sacrifice.

And now.

There's another woman who's trying to steal Roen from me.

Ayoko! Hindi pwede! Hindi na ko tulad ng dati. Hindi kasi tama na lagi ka na lang tanga. Hindi naman pwede na lagi ka na lang bobo habang buhay at umasa sa tadhana.

Ayoko ng mawalan.

Ayokong masayang ang pangalawang pagkakataon kong mabuhay.

Pinunasan ko ang mga luha ko.

I have to appear strong.

And whoever that woman is, she'll have to face my anger and the bitter consequence for laying her finger to my husband.

~*~

Roen's POV

Dinala ko ang mga gamit ni Sheremee sa guest room ng bahay. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ko.

Matapos nun ay inasikaso ko na ang kambal at gumayak para sa trabaho.

Kahit CEO ako ng record company nila Lolo minomonitor parin nila kung pumapasok ako.

"Sige po Manang alis na po ako, kayo muna po bahala sa kambal.." paalam ko,

"Hijo, yung kanina, si Rui, siya ba talaga yun? Bakit ganoon siya? Paano nangyare yun?"

"Opo, si Rui yun, she lived through it, her sister took her body when we thought we lost her. It's a miracle Manang..." palusot ko,

"Sige po, una na ko. Nga pala, pupunta po dito si Alyssa ng 12:00 susunduin po ang mga bata dahil may lunch kami nila Mama sa bahay, they want to see the twins.." sabi ko at nagdiretso na paalis..

Claiming Your Heart Sage VillangcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon