32nd Chapter

63 0 0
                                    

Sheremee's POV

Nakakainis yung lalaking yun! Kahapon okay naman kami ah! Tapos ngayong umaga pinipigilan akong pumasok sa school! Gusto ko lang namang mag-aral ulit ah!

Gusto ko lang tapusin ang degree ko dahil shempre naman yung Alyssa na yun nakapagtapos at yun ipamukha sakin na well educated siya ganun ganun na lang! KAKABANAS!

Nandito ako ngayon sa kitchen counter ng bahay namin. Eto yung regalo samin ni Mama at Papa, kulay dilaw ang pintura ng kitchen at red and cream naman ang sa dining area, ang sala ay black grey at white at puro modern furnitures ang nakalagay rito, malaki ang interior ng buong sala at kumpleto rin ang kagamitan sa kusina, may kahoy na hagdanan papunta sa apat na kwarto sa itaas na homely naman ang theme, over all comfortable at super stylish ang disenyo nito, shempre sponsored at designed by Cards Home Designs. Tinignan kong mabuti ang bawat detalye nito, nakakamangha ang uniqueness ng designs sa ceiling at ang mga chandeliers, parang sa victorian period na ewan.

Tumigil na ko ng kakatitig sa bahay namin at umakyat ulit kwarto namin ni Sage.

Naabutan kong tulog parin si Sage at nakadapa sa kama kasama yung kambal, gising na si Rain at Cloud at nakaupo sa kama namin, sa kama namin sila natulog kagabi kasi galit ako kay Sage, hindi niya ko pwedeng gapangin hanggang sa isang araw.

Lumapit ako sa kambal at hinalikan silang parehas, tumingin ako sa asawa ko, naawa naman ako dahil mukhang napagod siya sa trabaho kagabi at sobrang frustrated pa dahil hindi ko siya pinayagang tumabi sakin.

Siya kasi eh.

"Mam mam mam mam maaaa!!!! Shishmew!!!" hirit sakin ni Rain at saka tumabi sakin,

"Milk first then shishmew..." ngiti ko at hinalikan ulit siya,

"Mam mam mam mam!!! Shishmew shishmew shishmew miwk!" ngiti niya at pacute pa sakin,

"Bawal pa shishmew sayo tignan mo si Cloud milk muna before mash mash..." sabi ko at binuhat sa kandungan ko si Cloud.

Tumingala sakin si Cloud,

"Mam mam ma! Mash mash mash miwk!"

Emegerd.

Napansin kong gumalaw ang ulo ni Sage, mukhang gising na siya dahil sa ingay ni Rain ng kakasabi ng shishmew, shishmew means strawberry favorite niya yun at mash mash naman kay Cloud, mashed potato yun. Ang buyoy pa kasi eh.

Tuluyan nang nagising si Sage dahil kay Rain at Cloud ng makita kasi nilang gumalaw ang Papa nila ay gumapang na palapit dito at saka yumakap. Ang cute tignan, kakaselos lang dahil mas mahal nila Papa nila kaysa sakin.

Bumangon ito at kiniss ang dalawa niyang anak, humagikgik naman ng tawa yung dalawa at kumiss din sa cheeks sa Papa nila.

Tumingin sakin si Sage, actually paglare pa ang tingin na nagsasabing you-didn't-pleasured-me-last-night-and-I'm-very-very-frustrated glare.

Inirapan ko nga.

Binuhat niya si Rain pati si Cloud at binaba sa lapag, dun sa may white na fur carpet malapit sa flat screned na TV namin dito sa kwarto, nang ilagay niya dun yung kambal nagsimula ang dalawang maglaro at ngumatngat plush toys, si Rain yung strawberry niyang toy at Cloud naman ay si Rain ang kinakagat, buti na lang onti pa ang ngipin.

Tumabi sakin si Sage.

"Ang sunget mo." sabi niya at siniksik ang mukha niya sa tagliran ko habang nakahiga parin.

Claiming Your Heart Sage VillangcaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon