Hindi ako nakatulog nang gabing iyon. Iniisip ko parin yung challenge kaya naman pagkagising ko, bakat na sa mukha ko ang malalaking dark circles sa ilalim ng mga mata ko.
Jeez talk about the eyebags.
Pagkatapos kong maligo bumaba ako at nakita ko si Dad sa hapagkainan reading the daily newspaper. Hindi pa ako nito kinakausap mula kahapon.
Haaay, alam kong ayaw ni Dad sa challenge. I can feel it in my sexy belly.
Nilapitan ko siya at niyakap mula sa likuran ng upuan."Good morning, my greatest Daddy!" Hinalikan ko siya sa pisngi.
Greatest dad, you heard me? Kasi siya naman talaga ang greatest Dad ko. Akalain niyong mag-isa niya akong pinalaki? Wag na kayong mag taka kung nasaan ang Mommy ko; hindi ko rin alam.
"Good morning din. Kumusta tulog mo?"
"Wala naman pong nag bago."
Sa totoo lang dad hindi ako nakatulog kagabi dahil sa stupid challenge pero dahil sa makulit kong bestfriend, napagpasyahan kong gawin ang challenge.
He looked at me with worried face. Mukhang alam na niya kung ano itatanong ko kaya iniba ko nalang. "Nasaan si Lola?"
Humigop muna siya ng coffee bago ako sagutin. "Pinuntahan yung Tita Elaine mo."
"Ahh, bakit daw po?" tanong ko sabay kuhaa ng tinidor at kumain ng cheese omellete.
"Ewan ko dun," sabi niya at humigop ulit ng kape. "Ahhhm, Ele... kung gusto mo akong tanungin tungkol sa --"
"I'm doing it Dad," I answered immediately at di na siya pinatapos.
Nanlaki ang mga mata ni Dad. Ibinaba nito ang dyaryo at hinawakan ang isang kamay ko. "What? Why? Di ba ayaw mo doon? Baby, ayoko namang mahirapan ka."
Ang sweet talaga ng Daddy ko, noh? Kaya sobrang mahal ko po yan.
Pinatong ko ang sariling kamay sa kamay niya. "Hindi ako mahihirapan dun Dad and besides gusto ko naman ng vacation, para ma refresh mind ko."
Actually ayoko sa challenge kaso wala akong choice.
...At gusto ko ring yumaman! Bwahahaha!
Hinihimas-himas niya kamay ko . "Baka ma-stress ka lang dun, ah?"
I took a bite from my omelette at tumingin sa kanya. "Nah. One thing lang naman po ang pinoproblema ko," sabi ko tapos tumingin sa kanya. Natawa ako sa reaction ni Daddy. He was so tensed up. "Chill Dad! I'm just going to miss you- that's all!"
He smiled with relief. "Just take care of yourself there, ok? Walang signal ang lugar na iyon, so better be careful. Hindi mo ako ma ko-contact from time to time. Even Cassie."
"I will," I assured him and got back eating.
I was startled when he held my hand again. "I need you to be back here in one piece and still breathing," sabi niya with a very authoritative voice.
Imbis na matakot, ay atawa ako sa sinabi niya wala naman sigurong NPA doon noh?, "Syempre naman po."
"Good," nagsmile din siya.
Oh, my very handsome and so over protective Daddy, nasa kanya na yata ang lahat.
BINABASA MO ANG
Imperfectly Perfect Summer
ChickLitNang matapos si Eleanor sa Highschool at nakatangap siya ng isang balita mula sa kaniyang lola na bago niya makuha ang kaniyang mana mula sa kaniyang namayapang lolo, ay kailangan niyang tumira sa isang malayong probinsya. Sa una ay nagaalinlangan s...