(ELEANOR'S POV)
Binuksan ko ang room ni Nine, buti nalang konti lang ang patients kaya nagkaroon siya ng sarili niyang room. Naglakad ako palapit sa kanya and I saw his helpless face, biglang tumulo nanaman ang aking mga luha.
Nakahiga siya sa puting hospital bed at nakakumot, may nakakabit na ooxygen sa sa kaniyang ilong at may nakakabit ding IV.
Umupo ako sa maliit na silya sa tabi niya at pinagmasdan ko siya habang tumutulo ang aking mga luha.
"Dyos ko, bakit ba sa kanya mo binigay to? pwedi naman po sakin nalang, marami pa po ang magagawa ng taong 'to, marami pa po siyang mapapasaya." Hinawakan ko kamay niya ngunit hindi siya gumalaw tulog na ata kaya nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. "Bakit ngayon pa?, Bakit ngayon kapa niya kukunin saakin, pinaparusahan niya ba ako? Nine don't leave me please"
Hindi ko na nakayanan, tuluyan na talagang nagsilabasan ang mga luha ko.
I just nodded my head and let the tears flow down tapos biglang may humawak sa ulo ko
"Tahan na mahal ko, hindi kita iiwan,lalaban ako,"
Gising pala siya. "Gising kana pala" pinahid ko luha ko.
"Kanina pa, gusto ko lang ipikit ang mga mata ko, kaso bigla kang pumasok at nag salita, moment mo yun kaya hindi kita inistorbo," Nagawa pang magbiro kahit maraming nakakabit na aparato sa kaniyang katawan. Talking Monkey talaga.
Hinampas ko siya sa braso. Mariin lang naman.
"Araay,"
"I hate you, pinag alala mo ko ng husto, akala ko mawawala kana sakin," para akong tanga umiiyak na tumatawa.
Hinawakan niya mukha ko "Wag kang umiyak, ayokong nakikita kang malungkot eh" Hinihimas niya pisnge ko, ramdam ko ang lamig ng kamay niya.
"Lumaban ka kung ayaw mong makita akong malungkot!" sabi ko sa kaniya.
"Susubukan ko para sayo,"
"Wag mong subukan, gawin mo!"
Mahigpit ko siyang niyakap.
Please Lord, wag niyong kunin saakin 'tong lalaking 'to.
BINABASA MO ANG
Imperfectly Perfect Summer
ChickLitNang matapos si Eleanor sa Highschool at nakatangap siya ng isang balita mula sa kaniyang lola na bago niya makuha ang kaniyang mana mula sa kaniyang namayapang lolo, ay kailangan niyang tumira sa isang malayong probinsya. Sa una ay nagaalinlangan s...